Wednesday, February 11, 2009

The Reader

Nakaka-distract ang breast ni Kate Winslet. Hahaha...

Over-exposed ang private part na ito ni Kate lalo na sa unang part ng movie. Hehehe...

Natuwa naman ako. Hahaha.. Joke!

Anyway, obviously na hindi pambata ang pelikulang ito, rated PG ito... Pang-Gurang. Hehehe.

Ang story ay umiikot kina Hanna and Michael. Teenager palang si Michael at medyo may edad na itong si Hanna nang magkaroon sila ng affair. May-December affair.

Punung-puno ito ng mga Love Scenes na tiyak na ikatutuwa ng mga manyak.. joke! Ikatutuwa ng mga romantic people.. hehehe...

Story-wise, ok naman. May sense naman kahit papaano. Drama ito. Ayoko na masyadong ikwento ito dito since masalimuot ang istorya.

Basta meron "No Read No Write" sa pelikulang ito, panoorin nyo na lang kung sino. Hahaha...

Para sa akin, mas maganda sana kung "No Read No Write" ang title nito.. hehehe.. nangengelam ako.

Malaki siguro ang chance ni Kate Winslet na maiuwi ang tropeo as Best Actress sa Oscars since effort talaga ang breast exposure.. (Hindi talaga ako maka-get over sa mga breast exposure nya.. hehehe).

Nominated din ang pelikulang ito for Best Picture, but I think mas papaboran ng mga judge ang Slumdog Millionaire o kaya yung The Curious Case of Benjamin Button. Let's see on February 23.

Back to the movie, masasabi kong tragic ang kabuuan ng istorya at kung tatanungin ako kung ano ang moral lesson na matututunan dito, ewan ko. Hahaha... Siguro yung love making... hahaha.. joke!

Isa na lang sa limang nominated best picture sa Oscars ang hindi ko pa napapanood.. ito yung Frost/Nixon... try kong panoorin before the awards night.

Meantime, ito ang ranking ko sa mga nominees:

1] Slumdog Millionaire
2] The Curious Case of Benjamin Button
3] The Reader
4] Milk

That's only my prediction.

Good night!

Friday, February 06, 2009

Nanda-kure, Nanda-sure, Nanda-are!

Puyatan ang eksena ko lately. Bangag hanggang ngayon.

Nung isang gabi, alas-tres na ako nakauwi.Then kinabukasan alas-otso ng umaga ang pasok ko. Kumusta naman yun? Well, hindi ako na-late. Hehehe...

Isang get-together ang nangyari sa amin ng mga ilan sa mga elementary friends ko... si Kristine, Elaine, Sharon at Ricky.

Konting inuman, kainan at videoke... sa Spencers at nung huli nag-Side Grill pa kami sa Mabalacat.

May banda sa Side Grill, kaya lang parang mga Banda-Rito Banda-Roon ang style. Hahaha...

Hindi pa rin talaga naalis sa amin ang mang-okray.. Although nung Elementary days, hindi pa uso ang word na "okray"... ma-panglait na talaga ang karamihan sa amin. Hahaha.. sinali ko na ang sarili ko.

Masaya ang Wednesday Night Madness namin (February 4)... kwentuhan and reminiscing ang nangyari.

Ang mga "Love" and "Hate" classmates.. biruin mo, hanggang ngayon may tinatagong galit pa ang ilan sa kanila. Hahaha.. after 14 years, hindi pa naka-move on!

Syempre, ang mga teacher na the best and the worst...

May teacher na istrikto, napalo pa nga ako sa mga daliri dahil nakalimutan kong mag-nail cut.

Hindi rin namin makalimutan si Mrs. Pangan, ang teacher na nanghuhubad ng salawal at palda sa harap ng klase bilang parusa sa ginawang kasalanan. Buti na lang at hindi ako napabilang sa listahan na iyon.. hehehe

Meron ding teacher na lousy, parang hanggang ngayon eh "no comment" kami sa kanya. Hahaha...

At syempre, ang ultimate adviser namin nung Grade 6, ang teacher na mukhang pera. Hahaha..

One day, nahuli nya ang klase na nag-iingay. Bigla ba namang pagbabasagin ang mga paso na naka-display sa ding-ding. Hayun, shocked ang lahat at na-trauma talaga ako noon sa ginawa nyang pagwawala.

At eto pa, pagkatapos nyang pagbabasagin ang mga paso, pinabayad nya pa sa buong klase ang mga nabasag na paso, tig-tatlong piso yata kami... winner talaga sa pagiging mukhang pera ni Madam. Hehehe... Eh ang bigat na kaya sa bulsa ang tatlong piso nung panahon namin. Hehehe...

Pati mga photocopy ng test paper, binabayaran namin. Ok lang sana kung susulatan namin ang mga photocopy, eh hindi eh.. may separate answer sheet kami. Then mababalitaan na lang namin na pinagagamit nya rin ang mga photocopy sa ibang Section then pinapabayad nya rin, pambihira!

Hayan at iba pang nakakatawang kwento sa teacher na iyon ang ilan sa mga napag-usapan namin. Hindi obvious na after all these years, bitter pa rin kami. Hahaha.. para kasing binulabog nya ang Childhood days naming lahat.

***

Kinabukasan naman, ang mga Hapon sa kumpanya ang nagyayang mag-dinner out. Babalik na kasi ng Japan ang ilan sa kanila. So medyo puyatan na talaga ito! Hehehe...

Hayun, naaliw naman ako sa bagong tatlong salitang Niponggo na natutunan namin. Hayan ang title ng blog ko ngayon... hehehe... Kayo na ang bahalang mag-research kung anong ibig sabihin nyan. Hehehe..
with Miwako Saito and Midori Furusawa

***

Speaking of puyat... parang mapupuyat na naman ako ngayon kung hindi ko pa tatapusin ang pagba-blog ko ngayon. Hahaha.. Sige tulog muna ako! :-)

Tuesday, January 27, 2009

Ayokong uminom ng "Milk"

With all due respect.... BORING ang movie na ito.

Pero maaga pa para sabihing dehado ito sa Slumdog Millionaire o kahit man lang sa The Curious Case of Benjamin Button sa Academy Awards.

For the past years kasi, hindi ko gusto yung mga napipiling Best Picture sa Oscars. Million Dollar Baby, Crash, The Departed, No Country For Old Men --all of these I watched before the awards night, pero yung mga co-nominees nila ang bet ko.

Sa pelikulang Milk, medyo mabigat ang istorya, hindi ako naka-relate. Hahaha...

May pagka-political, homosexual, social issues, discrimination --mga interesting na topic ngunit nang pagsama-samahin sa pelikulang ito, hindi yata maganda ang kinalabasan. Hehehe...

In all fairness, pang-Best Actor naman talaga si Sean Penn, effort ang ginawa nya. Tignan na lang natin kung sino sa kanila ni Brad Pitt ang mananalo, or baka wala sa kanila. Hehehe.

Ito siguro ang klase ng pelikula na hindi mo na uulitin pang panoorin. Hehehe.

Mabuti pang nanood na lang ako sa Youtube ng mga funny videos, baka natuwa pa ako.

By the way, Milk is the title of this movie simply because Sean Penn played the role of Harvey Milk, isang sikat na gay-activist noong dekada '70.

True to life ang story.

Good luck na lang sa movie na ito. Hehehe...