Wednesday, August 29, 2007

Total Eclipse of My Heart


This day has been a very busy one for me. I and other co-employees (Sir Chris, Madam Reggie, Miss Erlin, and the driver kuya Edwin) went to Mamplasan, Laguna to visit the Plant Area of one of the suppliers of our company. We spent the whole day auditing and checking the quality of their products. Most of our findings were about their products being processed outside their Clean Room Area. We questioned the cleanliness and their control on how to keep and maintain their products free from dust and dirt even before they will reach our company. Another thing is the safety of their workers. We observed that most of their workers do not wear Personal Protective Equipment (PPE) to somehow prevent them from accidents because of their unsafe condition and environment. As a whole, most of our findings were admitted and accepted its veracity, and hopefully would be considered by them to make corrective actions and countermeasures.
We left the plant site at about 3:30 PM, earlier than the usual 5 PM dismissal so as to avoid heavy traffic during rush hour. We managed to arrive back in Pampanga at about 6 PM.

Tama na ang kaka-English. Dumudugo na ang ilong ko dahil nauubusan na ako ng ingles. Hehehe. Gusto ko lang naman sabihin na habang bumabiyahe kami pauwi (na nataon na magtatakip-silim) ay ino-obserbahan ko na ang kalangitan. Doon ako nagsimulang mayamot dahil nakikini-kinita ko na na magiging maulap ang buong gabi na inaasahan ko na kabaligtaran ang mangyayari.

Pero bigo ako. Nagka-stiffed neck na yata ako sa kakatingala sa kalangitan bawat minuto na magdaan. Wala talaga. Hindi ko talaga makikita ang Total Lunar Eclipse na matagal-tagal ko ring inabangan.

At hindi ako nagkamali. Wala akong nasaksihan. Happy Fiesta na lang sa amin! (Fiesta talaga sa baranggay namin ngayon.)

Kung sa bagay, naka-witness na rin naman ako ng ganitong phenomenon. Huling Lunar Eclipse na nasaksihan ko ay tatlo o apat na taon na yata ang nakalilipas. Hindi talaga ako natulog hanggang alas-kuwatro ng madaling araw dahil inaasahan na magsisimula ang pagdaan ng anino ng mundo sa kabilugan ng buwan sa ganap na alas-dos ng madaling araw. At nangyari nga iyon.

Sa ngayon, tila umuwing-luhaan muna ang eksena ko. One thing is for sure: I just have to wait for February 2008 to finally witness again this spectacular event (well for me) that is rarely seen in the sky.

Monday, August 27, 2007

Remarkable words during office hours...

Ito ang mga salita na lagi naming naririnig na bukambibig ng aming mga boss at ng ilang katrabaho na minsan ay pinagmumulan ng katatawanan dahil wala lang kaming mapag-usapan... (at wala rin akong maisip isulat sa blog kong ito ngayon kaya i just wanna share...)

*Thinking -- sampong ulit siguro 'yang sinasabi ng aming boss as in "Ang thinking ko kasi...", "Ang thinking kasi ng mga Japanese..." (Bakit kaya hindi na lang nya sabihing "Ang iniisip ko kasi..." hahaha!)

*Basically -- isa pang nakakahawang salita na minsan ay nakakarindi na sa pandinig. Ito ay madalas marinig sa tuwing meron kaming Presentation of Reports kaharap ang mga boss at mga Hapon, basically!

*Mind set -- gamit ng boss ko kapag gusto nyang ipa-intindi at ipa-realize sa amin na may lapses ang aming sistema o ang aming perception sa mga bagay-bagay ay mali... As in ganito minsan ang sinasabi nya: "I-mind set ninyo sa inyong mga mind na blah blah blah..." Hanep! Yes sir, ima-mind set namin sa aming mga mind yan!

*Cascade -- wow naman, ginagamit ng boss ko para sabihin lang sa amin na dapat iparating ang mensahe o direktibo sa aming mga subordinates... as in "Kayong mga Engineer, dapat ninyong i-cascade ang HR memo na ito sa inyong mga subordinates." Saan kaya nya natutunan ang pagamit ng salitang yon?

...yan muna, sa susunod na ang iba... tinatamad akong mag-type, basically. Hehehe.

Friday, August 17, 2007

Ikaw laban sa Isang Daan

Naramdaman mo na ba na tila pinagtutulungan ka ng mga taong nakapaligid sa'yo? Siguro.


Yun ang isa sa pinaka-ayokong mangyari sa buhay ko-- Parang wala kang kakampi at karamay. Nagpapasalamat pa rin ako at hindi madalas mangyari sa akin yun.
Ika nga nila, parang laro lang buhay, parang isang game show sa telebisyon. Kailangan mong gawin ang lahat para manalo at makamit ang pinakamataas na premyo na makakaya mo. Ganun nga ba? Hindi siguro laging ganun. Kailangan pa rin ng diskarte. Naniniwala ako na hindi rin maganda minsan ang magpakitang gilas kaagad. Hinay-hinay lang, ika nga.


Relax lang. Kahit ba feeling mo na laging nakabantay at nakamasid sa'yo ang "the most hated mob in the world", para sa akin, ang "technique" dyan ay makipaglaro ka rin sa kanila.


***


Last Sunday, nag-invite for a treat si Alhon, galing Dubai pero babalik din (actually ngayong araw na ito). Hayun, na-miss din namin siya dahil halos isang taon din namin siyang di nakita. Then sa sobrang busy nya (meeting his other friends), hindi na siya nakasama sa aming videoke concert. Hehehe. Todo to the max na naman kami. Yung balak na isang oras, naging 3 oras mahigit. As if ang gaganda ng mga boses namin. Hahahaha...

Sunday, August 12, 2007

Wala na ba akong karapatang mainis?

Hindi ba't natural lang sa isang tao na makaramdam ng yamot o "disappointment" lalo na kung hindi niya nakukuha ang mga bagay na gusto niya? Ganun din naman ako. Tao lang ako na nakararamdam ng kakulangan sa pansariling pangangailangan. Hindi ko rin naman maituturing na "selfishness" iyon dahil alam ko sa sarili ko kung ano talaga ang intensyon ko. Minsan, hindi ako naiintindihan kapag umaakto akong tahimik o nakasimangot. Kaagad akong hinuhusgahan na makasarili at walang pakialam sa kapakanan ng iba. Oo, inaamin ko na minsan ay mapag-kwenta ako sa mga bagay na alam kong nai-contribute o naibahagi ko, pero hanggang dun lang naman iyon. Siguro, isang paraan o outlet ko lang naman iyon para maibsan at mabawasan ang pagkainis ko. Pagkatapos noon, wala na. Hindi ko rin naman tatalikuran ang mga responsibilidad ko.

Sa puntong ito at sa sandaling ito, pakiramdam ko talaga na ako ang talo sa situwasyong ito. Ako na hindi pa naman nakakagawa ng malaking kapalpakan na nagpapasakit sa ulo ng mga taong nakapaligid sa akin. Sinasabi ko ito hindi upang magbuhat ng sariling bangko at magmalinis... sinasabi ko ito dahil ito ang nararamdaman ko, ibalato niyo na sa akin kahit ito man lang paniniwala ko.

Wednesday, August 08, 2007

Hindi ko talaga alam... ewan!

Dapat naman talaga na sa ganitong buwan ay makakaasa tayo ng walang poknat na pagbuhos ng ulan mula sa kalangitan. At least, parang bumalik na sa normal ang ating klima (sana...). Sa kabilang banda, hindi ko rin naman ninanais na magkaroon ng sakuna dulot ng ulan sa mga panahong ito. Sapat lang siguro na mapunan ni Kalikasan ang ating mga pangangailangan upang mabuhay.

*** Kanina, nagdaan na naman ang isang maikling audit sa aming Departamento. Ito ay tungkol naman sa aming paghahanda para sa isang major audit sa Setyembre --ang aming inaasam-asam na OHSAS Certification. Kami ni Miss Debs ang napiling maging coordinator para sa aming Departamento. Hayun, extra aktibidades ito pero wala namang extra honorarium. Well, ok lang naman iyon... sa ngayon! Bukas, ewan...

*** Nabasa na naman ako ng ulan kanina sa pag-uwi. Pambihira! Gayun pa man, hindi pa rin ako mapipilit na magdala ng payong sa pagpasok sa opisina. Ayoko talagang nagdadala ng payong, ewan...

*** Bakit ang dami pa ring asungot na nakapaligid sa akin sa opisina? Ewan!

Saturday, August 04, 2007

Agosto na pala!

Hindi ko namalayan na ika-walong buwan na pala ng taon. Sa sobrang busy ko sa trabaho, ang dami ko na ngayong nakakaligtaang gawin. Una na dyan ay ang pagiging aware sa mga balita sa ating lugar. Ni hindi ko na nga naaabutan ang mga early evening news sa telebisyon. Pangalawa, nakakaligtaan ko lately na magpagupit na ng buhok. Ultimo pagpunta sa gupitan, hindi ko maisinggit sa schedule ko. Ano ba yan, baka magmukha na akong ermitanyo pag hindi ko pa pinagupitan ang buhok kong ito. Pangatlo, hindi na ako nakakapanood ng mga pelikula sa DVD na dati kong hobby. Wala na kasing time para dun eh.

Sabi nga ng isa sa mga katrabaho ko na si Ms. Deborah, feeling nya ay nakakulong siya na parang preso sa tuwing na sa loob kami ng kumpanya. Ganun din yata ang nararamdaman ko ngayon. Idagdag pa ang mga di kaaya-ayang inmates este co-workers na super ganda ng mga pag-uugali.

Kanina, hiyang-hiya ako sa sarili ko matapos kong masambit ang komentong di ko naman talaga intensyong marinig ng ibang taong nakapaligid sa amin habang nasa canteen kami. Wala lang, tinawanan na lang namin ang nangyari kahit marinig pa ako ng isang Manager na hindi ko namalayang nasa kabilang mesa lang pala.

Minsan, iyon ang isa sa mga di ko mapigilang gawin -- ang magbigay ng side comment na hindi namamalayang "all-ears" na pala ang mga taong nakapaligid sa akin.