Hindi ba't natural lang sa isang tao na makaramdam ng yamot o "disappointment" lalo na kung hindi niya nakukuha ang mga bagay na gusto niya? Ganun din naman ako. Tao lang ako na nakararamdam ng kakulangan sa pansariling pangangailangan. Hindi ko rin naman maituturing na "selfishness" iyon dahil alam ko sa sarili ko kung ano talaga ang intensyon ko. Minsan, hindi ako naiintindihan kapag umaakto akong tahimik o nakasimangot. Kaagad akong hinuhusgahan na makasarili at walang pakialam sa kapakanan ng iba. Oo, inaamin ko na minsan ay mapag-kwenta ako sa mga bagay na alam kong nai-contribute o naibahagi ko, pero hanggang dun lang naman iyon. Siguro, isang paraan o outlet ko lang naman iyon para maibsan at mabawasan ang pagkainis ko. Pagkatapos noon, wala na. Hindi ko rin naman tatalikuran ang mga responsibilidad ko.
Sa puntong ito at sa sandaling ito, pakiramdam ko talaga na ako ang talo sa situwasyong ito. Ako na hindi pa naman nakakagawa ng malaking kapalpakan na nagpapasakit sa ulo ng mga taong nakapaligid sa akin. Sinasabi ko ito hindi upang magbuhat ng sariling bangko at magmalinis... sinasabi ko ito dahil ito ang nararamdaman ko, ibalato niyo na sa akin kahit ito man lang paniniwala ko.
No comments:
Post a Comment