Hindi ko namalayan na ika-walong buwan na pala ng taon. Sa sobrang busy ko sa trabaho, ang dami ko na ngayong nakakaligtaang gawin. Una na dyan ay ang pagiging aware sa mga balita sa ating lugar. Ni hindi ko na nga naaabutan ang mga early evening news sa telebisyon. Pangalawa, nakakaligtaan ko lately na magpagupit na ng buhok. Ultimo pagpunta sa gupitan, hindi ko maisinggit sa schedule ko. Ano ba yan, baka magmukha na akong ermitanyo pag hindi ko pa pinagupitan ang buhok kong ito. Pangatlo, hindi na ako nakakapanood ng mga pelikula sa DVD na dati kong hobby. Wala na kasing time para dun eh.
Sabi nga ng isa sa mga katrabaho ko na si Ms. Deborah, feeling nya ay nakakulong siya na parang preso sa tuwing na sa loob kami ng kumpanya. Ganun din yata ang nararamdaman ko ngayon. Idagdag pa ang mga di kaaya-ayang inmates este co-workers na super ganda ng mga pag-uugali.
Kanina, hiyang-hiya ako sa sarili ko matapos kong masambit ang komentong di ko naman talaga intensyong marinig ng ibang taong nakapaligid sa amin habang nasa canteen kami. Wala lang, tinawanan na lang namin ang nangyari kahit marinig pa ako ng isang Manager na hindi ko namalayang nasa kabilang mesa lang pala.
Minsan, iyon ang isa sa mga di ko mapigilang gawin -- ang magbigay ng side comment na hindi namamalayang "all-ears" na pala ang mga taong nakapaligid sa akin.
No comments:
Post a Comment