Rest day ko ngayon (at bukas) mula sa trabaho. Actually, it's an additional rest day that our company is giving to its employees whenever there is no holiday in a certain month -- like for example September. Nevertheless, mas matutuwa pa rin ako kung sanang permanently gawin nang "rest day" ang Saturday.
The past week was very memorable to our company, and perhaps for me also. Sumailalim kasi kami sa ISO Surveillance Audit, 1 certification and 2 re-certifications simultaneously. Todo rin naman ang paghahanda ko dahil sa QMS, sa Calibration ako na-audit, then sa EMS and OHSAS, nag-prepare din ako dahil EHS (Environmental, Health and Safety) coordinator ako ng Department namin.
Successful naman ang naging resulta. Pero frankly speaking, mas "chicken!" itong ganitong klaseng audit compare sa customer audit na madalas din namang mangyari sa kumpanya. Kahapon nga sa Closing Meeting, medyo ka-"charingan" ang narinig kong "Good Points" daw ng kumpanya namin. Hay naku... mahirap nang magsalita! Pero ang resulta... as usual... certified! Abot hanggang tenga tuloy ang ngiti ng mga big bosses namin pati na ang mga Hapon na ewan kung naintindihan ba nila ang discussion sa mga Audit Findings dahil Taglish ang lengguahe ng mga auditor.
***
Nung monday, nagyaya ang mga officemate ko na panoorin ang pelikulang 1408 sa SM Clark. Pinaunlakan ko naman ang invitation nila. Hehehe... (Parang napilitan.) Ang resulta... todo pinagtawanan namin ang horror movie na ito na pinagbibidahan nina Samuel Jackson and John Cusack. Pinagtawanan dahil walang ka-kwenta kwenta ang pananakot ni Stephen King sa grupo namin. Hahaha. Mas natuwa pa ako sa Evan Almighty na nauna ko nang napanood.
No comments:
Post a Comment