Sa tatlong araw na seminar ko sa MIRDC (September 12, 13 & 14), grand slam ang pagka-late ko. Nung first day, lagpas isang oras ang late ko. Sa ikalawang araw, dalawang oras naman. Sabi ko sa sarili ko, babawi na lang ako kinabukasan at kailangan talaga eh mas maaga na ako dahil may hands-on activity na kami sa umaga palang. So sa pangatlong araw, tatlong oras lang naman ang ni-late ko. Alas-onse na ako nakarating sa MIRDC, ang aga... ang aga ko para sa lunch break!
Dapat ko bang sisihin ang sarili ko? Well, HINDI!
Dahil ang lahat ng ito ay dahil sa mga pinaggagagawa ng mga magagaling kong co-employees na kasabay ko sa biyahe. Sila ay mga taga-Finance Depatment na may separate seminar sa Makati (at ang MIRDC ay sa Taguig). In short, para makatipid ang kumpanya sa gasolina ng sasakyan eh pinagsabay-sabay na lang kami. Wala namang kaso sa akin iyon dahil nagiging praktikal lang ang kumpanya. Ang sa akin lang, mas epektibo sana ang isang bagay na ginawan ng paraan para maka-menos sa gastos (at effort na rin sa mga company driver), kung may disiplinang kaakibat ito ng mga empleyado.
Actually, planado naman ang lahat --ang oras, ang pick-up points at ang sasakyang gagamitin sa loob ng ilang araw na seminar na iyon. Inabuso lang ng mga co-employees ko ang pagkakataong makalarga sila at maipakita ang kani-kanilang kaartehan sa katawan. Hayun, kanya-kanyang request, text sa driver na "dito ako sunduin", "puntahan nyo ako sa bahay namin", "ako ang huli ninyong sunduin dahil napuyat ako kagabi at hindi pa ako nakabangon ng maaga", etcetera ETCETERA!
So nung pangatlong araw na, hindi talaga maipinta ang mukha ko nung umagang pinaghintay nila ako sa Total Gas Station near Angeles Exit. Before 6:30 Am ay nandun na ako at nakaabang sa sasakyan. Isa't kalahating oras lang naman nila akong pinaghintay na parang tanga, nakatayo dahil walang upuan at hindi mapakali.
Sa loob-loob ko, minumura ko na talaga sila. Sabi ko, hindi ko yata mapipigilang ipakita ang facial expression ko (na inis na inis) kapag dumating na sila kahit na ang ilan sa kanila ay may mataas na pwesto na sa kumpanya.
Lalo pang nakapagdagdag init-ulo sa akin ang natanggap kong text message mula sa driver (7:30 AM na yun)... "Nandito palang kami sa Baliti [San Fernando] then dadaanan si Madam R***, then ikaw na."
Punyemas! Lokohan na ito!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na isumbong ito sa Senior Supervisor ko. Tinext ko siya then nag-call back naman siya kaagad. Hayun, pati siya ay nagulat sa mga pangyayari. Kaagad naman niya itong ipinarating sa GA Department namin na wala ring kaalam-alam sa mga kaartehan ng mga taga-Finance Department na iyan.
Past 8 AM na nung nasilayan kong paparating na ang sasakyan. Tama nga ako,. Hindi ko napigilang ibahin ang facial expression ko. Tumabi ako sa driver na nakasimangot at saktong sambit ng driver: "Sorry Sir, trapik po kasi sa dinaanan namin." Hindi ako umimik.
Pambihira.
Naiintindihan ko sa puntong iyon ang driver. Siyempre, di nya kaagad sinabi sa akin ang mga totoong dahilan kung bakit nga na-delay sila dahil nga ang mga hitad ay nasa loob pa ng sasakyan, marahil nakikiramdam sa mga kilos ko na siguro'y halatang-halata na sa pagkayamot.
Hindi nila ako masisisi. Hala sige nga at sila ang lumugar sa kinatatayuan ko, as in sila ang tumayo ng isang oras at kalahati, ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon nila.
Hindi ko talaga sila nilingon hanggang sa pagbaba nila ng Makati. Pero sa biyahe palang ay naririnig ko na ang kanilang mga sisihan kesyo na-late si ganire... at ang mga conversation nila sa kani-kanilang cellphone na tawag mula sa kanilang bosses sa kumpanya dahil nga nabalitaan na ang pangyayaring iyon (dahil nga nagsumbong na ako sa boss ko).
Hala... kanya-kanyang alibi na ito!
Pagkababa nila sa Makati, natawa naman ako dahil si kuya armin (driver) ay biglang nagsabi ng totoo eh hindi ko na nga gustong usisain kung sino talaga ang mga may sala. Hayun, may tama ako! Nagmamaganda kasi sila!
Anyway, hindi naman ako ang nadungisan ng imahe sa pangyayaring ito. Naku, iyon pa man din ang ayaw nilang mangyari... ang masira ang image nila sa paningin ng mga bosses na Hapon. Good luck na lang sa kanila.
No comments:
Post a Comment