Monday, March 30, 2009

Knows nyo na ba ang pelikulang "Knowing"?

Last Saturday, we watched the film "Knowing" at Jade Cinema with Elmer, Mae, and Glenn.

The movie started with a 1959 setting in an Elementary School in Massachusetts. Isang batang babae na nagngangalang Lucinda Embry ang isa sa mga estudyante roon. Pinakita kaagad sa pelikula na siya ay mentally disturbed.

Bagamat mukhang nerd at walang friends si Lucinda, winner naman ito sa kanyang idea na maglagay ng time capsule sa harapan ng eskwelahan bilang simbolo ng pagbubukas nito. First Batch yata ang mga damuho.. hahaha...


Ang time capsule ay maglalaman ng mga drawing or what-they-have-in-mind na ibabaon sa ilalim ng semento at bubuksan lamang pagkalipas ng limampung taon, which is in the year 2009. O di ba, panalo nga! Hahaha...

Kaya hayun, tuwang-tuwa ang OA na teacher nila sa idea ni Lucinda.

Nung time na kailangan ng i-submit ng mga maaarteng estudyante ang kanilang mga panget na drawings (hehehe).. itong si Lucinda ay nag-iinarte.

Kahit sinabi pa ng teacher nila na "Pass your Paper, finished or not finished!" (not exact words, OA lang), tila hindi pa rin natinag si Lucinda at tuloy pa rin ang kanyang pagdidibuho..Actually, hindi naman drawing ang ginawa nya, isang set ng Numbers na nakasulat sa buong lapad ng papel.

Hay, ayoko nang magkwento baka sabihin nyo pa spoiler ako masyado. Basta, ang mga numbers na yon ay may kinalaman sa mga nangyari within the span of 50 years from 1959 up to the present.

Hindi jueteng, hindi lotto at lalong hindi Bingo ang sinasaad ng mga numerong sinulat ni Lucinda.. hahaha.. Panoorin nyo na lang kung ano yun!

***

Before we watched the movie Knowing, pinapanood naman sa aming kumpanya ang isang Japanese a-bit-old movie na ang title yata ay The Childhood of a Merchant.

Simple lang ang movie, pero may moral lesson naman. It's all about a young boy named Daisaku Kondo who wishes to follow the legacy of his father as a successful businessman. But before he would achieve it, he should learn the value of perseverance, humility, and sacrifice. Ayoko na ring i-elaborate masyado rito yung kwento dahil tinatamad na ako. Hahaha...

***

Eto serious ito. Last Saturday morning, I thought katapusan ko na. I was riding in a tricycle nang biglang may umaaribang truck ng Coca-Cola at tamang masasagi kami. Thank God, the driver was quick enough to swerve and avoid the truck. Pero, may nasagi pa ring isang motorista (sa motorcycle) at tumilapon ang driver. Nakita ko na hindi naman ganun ka-serious ang pagkakatilapon ng driver ng motor, pero yung truck tuluy-tuloy pa rin at muntikan pang banggain yung van na sumasalubong. Pero obvious na iniliko ng truck driver yung sasakyan sa isa pang nakaparadang truck para maiwasan na ang mas grabeng trahedya. Parang lata na napitpit ang harapan ng dalawang truck... At hindi ko na nakita pa ang sumunod na nangyari kasi dumiretso na kami.

Ang balita, namatay daw ang driver. Tsk-tsk! Accident prone talaga ang lugar na yun. Pero I just noticed, mukhang nawalan ng preno ang truck na yun. Kinilabutan tuloy ako dahil sa eksaktong lugar din na iyon nangyari ang isang malagim na aksidente na naikwento ko na rin dito sa blog ko. (Click here for the detail.)


***

Hay naku, Mr. Chip Tsao, ang cheap-cheap mo. Kung makapanglait ka ng Pilipino akala mo walang Tsinoy na naninirahan sa lupaing ito.

Sayo na ang Spratly's, isaksak mo sa baga mo... lagyan mo ng melamine at isubo mo ng buong-buo!

Friday, March 20, 2009

Ang init!!!

Astronomically speaking, today is the Spring Equinox. Eh ano naman ngayon? Hehehe.. Wala lang.

Magkasing-haba raw kasi ang oras ng araw at gabi sa araw na ito. Naguluhan ka ba? Hehehe...

Anyway, after this day, magsisimula namang humaba ang oras ng araw kumpara sa gabi. Ah basta, yun na yun!

Grabe talaga ang tindi ng init ngayon, ang sarap mag-beach! Eto nga, nag-check ako sa website ng PAGASA at nakita ko kung bakit mainit nga ngayon:

Ernie Baron, can you discuss and elaborate this? Hehehe...

Kitang-kita naman siguro na halos walang kaulap-ulap sa himpapawid ng Pilipinas... walang namumuong Low Pressure Area. Kaya naman asahan na makararanas tayo ng matinding sikat ng araw at maalinsangan na panahon...

Laging tandaan na ang buhay ay weather-weather lang! :-)

Enough of this....


***

Kanina, nagkaroon ng Evacuation Drill Exercise sa aming kumpanya. As usual, scripted lang lahat ang nangyari. Siguro, yung awareness lang ng mga empleyado ang pinapaigting sa mga aktibidades katulad nito. Pero sa oras ng aktwal na sakuna, I believe hindi talaga masusunod ang organisadong pag-eevacuate ng mga empleyado palabas ng kumpanya. Buti na lang at hindi ako napili bilang isa sa mga "Observer" kanina, kung hindi baka okrayin ko talaga ang mga pangyayari kanina. Hahaha. By the way, isa ako sa mga Evacuation Leader kanina. Pagkatapos ng drill, nilapitan ako ng isang Hapon, sabi nya.. "Henry, good job!".... No comment ako. Hahaha.

***

Nasa kalagitnaan kami ngayon ng aming Sportsfest. Kumpara sa ibang departamento, ang sa amin ang isa sa may pinaka-kaunting myembro. So hindi lahat ng palaro ay may entry kami. Basketball Men and Volleyball Women lang ang nabuo naming Team.

Sa Basketball, aba... wala pa kaming.... panalo. Hahaha.. Elimination round pa lang, bokya na. Hehehe.. ANyway, may pag-asa pa sila.

Sa Volleyball women naman, yours truly as their coach, wala pa kaming.. talo! Hahaha.. Ang gagaling ng mga players ko. Sana umabot kami hanggang championship. Hehehe...

Good luck!


***


Monday, March 16, 2009

Watchmen: "Don't watch, men!"



I go straight to the point, this movie sucks! Isa itong pelikula na kung saan maeengganyo ka talagang panoorin kapag nakita mo ang movie trailer. However if you do so, this would be one of the biggest mistakes you've ever committed.

I don't know, but I find it so cheap and disgusting. Aakalain mong astig ang pelikula pero sa totoo lang, isang malaking kasayangan ang gagawin mo sa pera mong pambayad sa sinehan kung papanoorin mo ito. Sayang talaga! May krisis pa man din ngayon, pinambili ko na lang sana ng pagkain, nabusog pa ako. Hehehe...

Hindi rin siguro dahil hindi ako fan ng comic book series na ito, pero hindi ako naka-relate masyado sa pelikula, or sa sobrang babaw eh parang wala akong napulot na aral or enjoyment man lang.

Walang super powers ang mga hero dito. What I remember is that, the movie is full of brutal scenes, cruelty, violence and shameful sex scenes na hindi man lang sensual and artistic ang pagkagawa. At any rate, this movie is not intended to watch by the kids.

Pero bakit PG-13 ito? Hey, ni-review bang mabuti nila La-Guardia at ilang MTRCB reviewers ang pelikulang ito? Isang napakalaking katanungan iyan sa ngayon. Hindi kaya sa sobrang boring ng movie eh hindi na tinapos nila La-Guardia na i-review ito? Ano ba yan, hindi na-Guardiyahang mabuti yan!

Nasayang lang talaga ang P105.00 namin sa pambayad ng movie pass. Kung ako sa inyo, wag nyo nang tangkain pang panoorin ito kung ayaw nyong sisihin ang sarili nyo. Hahaha.... dahil ganyan ang feeling naming nagsipag-nood sa walang kwentang pelikulang ito.

Ayoko na ring gawan pa ng synopsis ang movie na iyan dito sa blog ko dahil sayang lang ang space. Heheheh... The movie deserves to be condemned! Bwahahaha!

Sayang lang ang special effects. Yun lang.

Tuesday, March 10, 2009

The heat is on!

Summer season na talaga at mangungunsumisyon na naman tayo sa tindi ng init ng panahon. Sa ilang States sa America, inumpisahan na rin nila ang Daylight-Saving Time.

So wazzup? Sa gitna ng epekto ng Global Financial Crisis, parang nadagdagan lang ako ng dahilan para isantabi ko muna ang plano kong mag-"move on".

Pero malay mo, malay ko, malay nating lahat, maiba ang kapalaran ko ngayong taon? Hindi naman kasi natin mape-predict ang kapalaran ng tao. Sana nga lang eh laging maganda ang kapalaran natin.

One of my friends is really eager to go to Singapore. In fact, she is consistently encouraging me to go with her plan. Kaso, it looks like it remains as an unclear plan as of the moment. Wala kasi kaming backer eh. Hahaha... Kung meron man, matataas ang mga pride namin.. Hehehe...

In the company I am currently working at, medyo ramdam na rin ang Crisis. Sa ibang departamento, madami raw excess manpower with respect to the tasks that are supposedly be accomplished. Kaya hayun, parang wala kaming Summer Company Outing this year.

Buti na nga lang at natuloy pa rin ang aming Sportsfest for this year. Good luck na lang sa mga players ng aming department. Hahaha... :-)


Monday, March 02, 2009

There is no permanent thing in this world except "Changeling"!


Ok. I agree with the judges of Oscars. I find Kate Winslet's acting performance in The Reader, better than Angelina Jolie in this movie Changeling.

Angelina played the role of Christine Collins, a mother who was reunited with her kidnapped son, only to realize that the child was an impostor.

Paano nangyari 'yon? Well, kagagawan ito ng mga kapulisan ng Los Angeles (LA Police District) dahil na-pressure sila sa tagal at hirap ng kanilang imbestigasyon tungkol sa disappearing act ni Walter Collins (anak ni Christine). Kaya hayun, para palabasin na resolved na ang kaso, nag-hire sila ng isang batang kahawig ni Walter at palabasing siya ang anak ni Christine.

Based on a true story ang pelikula. Year 1928 ang ang historical context ng movie, so todo-todo ang visual effects na ipinakita rito para ma-convince na 1928 ang setting. In all fairness, pulido naman ang pagdi-direct ni Clint Eastwood (the Director of this movie).

Kaya nga lang, kasing luma ng panahon ang istorya at takbo ng kwento. Hahaha...

Luma as in parang napanood ko na sa isang episode ng "Lovingly Yours" o "Coney Reyes on Camera" ang kwento. Hehehe...

Ipinakita rito kung papaanong pinalabas ng ilang LA Policemen na nababaliw si Christine dahil ni-reject nya ang supposedly "reunion" nya with her son. Hayun, may ilang nakakainis na eksena rito na mala-Flor Contemplacion na pilit pinapaamin sa kasalanang hindi naman nya ginawa.

Kung papaanong nagtapos ang pelikula, it's for you to find out! Hahaha.. Ang tanong, naresolba ba ang kaso ni Christine? :-) or :-(