Monday, March 02, 2009

There is no permanent thing in this world except "Changeling"!


Ok. I agree with the judges of Oscars. I find Kate Winslet's acting performance in The Reader, better than Angelina Jolie in this movie Changeling.

Angelina played the role of Christine Collins, a mother who was reunited with her kidnapped son, only to realize that the child was an impostor.

Paano nangyari 'yon? Well, kagagawan ito ng mga kapulisan ng Los Angeles (LA Police District) dahil na-pressure sila sa tagal at hirap ng kanilang imbestigasyon tungkol sa disappearing act ni Walter Collins (anak ni Christine). Kaya hayun, para palabasin na resolved na ang kaso, nag-hire sila ng isang batang kahawig ni Walter at palabasing siya ang anak ni Christine.

Based on a true story ang pelikula. Year 1928 ang ang historical context ng movie, so todo-todo ang visual effects na ipinakita rito para ma-convince na 1928 ang setting. In all fairness, pulido naman ang pagdi-direct ni Clint Eastwood (the Director of this movie).

Kaya nga lang, kasing luma ng panahon ang istorya at takbo ng kwento. Hahaha...

Luma as in parang napanood ko na sa isang episode ng "Lovingly Yours" o "Coney Reyes on Camera" ang kwento. Hehehe...

Ipinakita rito kung papaanong pinalabas ng ilang LA Policemen na nababaliw si Christine dahil ni-reject nya ang supposedly "reunion" nya with her son. Hayun, may ilang nakakainis na eksena rito na mala-Flor Contemplacion na pilit pinapaamin sa kasalanang hindi naman nya ginawa.

Kung papaanong nagtapos ang pelikula, it's for you to find out! Hahaha.. Ang tanong, naresolba ba ang kaso ni Christine? :-) or :-(

No comments: