The movie started with a 1959 setting in an Elementary School in Massachusetts. Isang batang babae na nagngangalang Lucinda Embry ang isa sa mga estudyante roon. Pinakita kaagad sa pelikula na siya ay mentally disturbed.
Bagamat mukhang nerd at walang friends si Lucinda, winner naman ito sa kanyang idea na maglagay ng time capsule sa harapan ng eskwelahan bilang simbolo ng pagbubukas nito. First Batch yata ang mga damuho.. hahaha...
Ang time capsule ay maglalaman ng mga drawing or what-they-have-in-mind na ibabaon sa ilalim ng semento at bubuksan lamang pagkalipas ng limampung taon, which is in the year 2009. O di ba, panalo nga! Hahaha...
Kaya hayun, tuwang-tuwa ang OA na teacher nila sa idea ni Lucinda.
Nung time na kailangan ng i-submit ng mga maaarteng estudyante ang kanilang mga panget na drawings (hehehe).. itong si Lucinda ay nag-iinarte.
Kahit sinabi pa ng teacher nila na "Pass your Paper, finished or not finished!" (not exact words, OA lang), tila hindi pa rin natinag si Lucinda at tuloy pa rin ang kanyang pagdidibuho..Actually, hindi naman drawing ang ginawa nya, isang set ng Numbers na nakasulat sa buong lapad ng papel.
Hay, ayoko nang magkwento baka sabihin nyo pa spoiler ako masyado. Basta, ang mga numbers na yon ay may kinalaman sa mga nangyari within the span of 50 years from 1959 up to the present.
Hindi jueteng, hindi lotto at lalong hindi Bingo ang sinasaad ng mga numerong sinulat ni Lucinda.. hahaha.. Panoorin nyo na lang kung ano yun!
***
Sayo na ang Spratly's, isaksak mo sa baga mo... lagyan mo ng melamine at isubo mo ng buong-buo!
Before we watched the movie Knowing, pinapanood naman sa aming kumpanya ang isang Japanese a-bit-old movie na ang title yata ay The Childhood of a Merchant.
Simple lang ang movie, pero may moral lesson naman. It's all about a young boy named Daisaku Kondo who wishes to follow the legacy of his father as a successful businessman. But before he would achieve it, he should learn the value of perseverance, humility, and sacrifice. Ayoko na ring i-elaborate masyado rito yung kwento dahil tinatamad na ako. Hahaha...

Eto serious ito. Last Saturday morning, I thought katapusan ko na. I was riding in a tricycle nang biglang may umaaribang truck ng Coca-Cola at tamang masasagi kami. Thank God, the driver was quick enough to swerve and avoid the truck. Pero, may nasagi pa ring isang motorista (sa motorcycle) at tumilapon ang driver. Nakita ko na hindi naman ganun ka-serious ang pagkakatilapon ng driver ng motor, pero yung truck tuluy-tuloy pa rin at muntikan pang banggain yung van na sumasalubong. Pero obvious na iniliko ng truck driver yung sasakyan sa isa pang nakaparadang truck para maiwasan na ang mas grabeng trahedya. Parang lata na napitpit ang harapan ng dalawang truck... At hindi ko na nakita pa ang sumunod na nangyari kasi dumiretso na kami.
Ang balita, namatay daw ang driver. Tsk-tsk! Accident prone talaga ang lugar na yun. Pero I just noticed, mukhang nawalan ng preno ang truck na yun. Kinilabutan tuloy ako dahil sa eksaktong lugar din na iyon nangyari ang isang malagim na aksidente na naikwento ko na rin dito sa blog ko. (Click here for the detail.)

Hay naku, Mr. Chip Tsao, ang cheap-cheap mo. Kung makapanglait ka ng Pilipino akala mo walang Tsinoy na naninirahan sa lupaing ito.
No comments:
Post a Comment