Monday, April 20, 2009

So Sick

Sick Leave ako ngayon... totoong sick leave.. hehehe

Kagabi pa ako nahihilo actually. But last night I were with my friends, sa isang Italian Resto and then in a coffee shop somewhere in Diamond Area.

Na-overdose yata ako sa kape... hehehe...

So kaninang umaga, talagang hindi na kinaya ng katawan ko na bumangon para pumasok, syempre may halong katam na rin yun... as in KATAMARAN. Hehehe...

Kain, tulog, tv, facebook, twitter, youtube, chat.... yan ang pinagkaabalahan ko ngayong magdamag. Minsan, ang sarap pala ng feeling na um-absent ka na hindi ine-expect. Hahaha...

***

The heat is on! Errrr... ang lakas kaya ng ulan sa labas! Summer na summer na nga! Hehehe... I checked the website of PAGASA, may mga inter-tropical convergence zone nga talaga sa buong kapuluan ng Pilipinas. KJ talaga ito para sa mga nasa Bora, Puerto Galera, Pagudpud at sa iba pang magagandang beaches ng ating bansa. :-(

At dahil umulan ngayong hapon, hindi rin daw natuloy ang aming championship game sa volleyball. Buti na lang dahil absent ang kanilang coach ngayon. Hehehe...


***

What's the Buzz? Sa isang araw na hindi ko pagpasok, naging updated ako sa mga latest news and happenings sa ating kapaligiran.

As I was resting on my bed early this morning, I listened to the radio program of Ted and Korina over DZMM. Ted is absent for the reason that we all know. Na-miss ko ang pakikinig ng radyo tuwing umaga! Back in College, when my class schedule was in the afternoon or early evening, I used to listen to these kinds of radio program in the morning. Ngayon, syempre hindi ko na nagagawa iyon.

Listening to these radio programs kept me updated and "be-the-first-to-know" even before the breaking news were being telecast on TV. Nauuna talaga sa Radyo. Ewan ko lang ngayon dahil mas na-uutilize na ang cellphone, internet and all other electronic gadgets.

I remember, these were the breaking news na I believe, nakauna ako dahil sa radyo:

1] Air Philippines Tragedy - sometime in the year 2000, sa programa ni Mike Enriquez sa DZBB. Mike Enriquez even put his live report on CNN on air over this local station.

2] The death of Pope John Paul II and Cardinal Sin - as far as i know, madaling araw nangyari ito (Philippine Time). At nagkataon, naalimpungatan ako pero bukas ang transistor radio sa tabi ng higaan ko. So yun, I posted immediately on my mobile blog (G-Blog), and then my blogger friends were amazed on the fastness and accuracy of my news blog. Hahaha.. feeling newscaster ako nun.

3] Manny Pacquiao's victory over Erik Morales - naging spoiler pa tuloy ako sa ibang friends ko. Hahaha...

4] Nida Blanca's Shocking death - hindi pa man kumpirmado kung siya nga iyon, nasa radyo na ang news. And then at around 9 AM, I turned on the TV, I saw Pinky Webb in the News Advisory.. eto ang bungad nya.. "Kumpirmado! Si Nida Blanca nga ang natagpuang patay sa Atlanta Tower sa Greenhills San Juan..." Then despite the bad news, may funny moment pa si Anabelle Rama nung tarayan nya yung isang radio field reporter dahil sa kakulitan nito...

5] GMA's Hello Garci Scandal - the taped conversation was first aired over DZMM, sa programang Dos Por Dos nina Anthony Taberna at Jerry Baja. Kasagsagan din ng pagiging active ko sa G-blog, so again, bida na naman ako dahil nauuna akong i-post ang mga latest sa issue na iyon. And before the night that GMA would say "I am sorry..." sa lahat ng national television stations, it was already announced on the radio that she would deliver a very important announcement in the evening.

6] Susan Roces' "Not once, but twice!" - hahaha... Live na Live kong napakinggan ito. Mga alas-diyes ng umaga... habang naglilinis ng kwarto.

Iyan at iba pa. It always reminded me that once in my life, naging adik ako... hahaha.. sa AM radio. (Pati naman sa FM eh, anyway that's another story to tell.)


***
After ni Susan Boyle, sino naman kaya ang magiging internet sensation especially in YouTube?

Hmmmm.... may potential itong sina Perez Hilton at Miss California 2009 who almost grabbed the crown of Miss USA 2009 as she landed 1st Runner-up.



Kanina lang ginanap yung pageant sa US, pero nagsisimula nang kumalat ang mga opinion and debates sa internet dahil sa sagot ng kandidatang ito sa tanong ni Perez Hilton as one of the judges in the pageant. Ang tanong, it goes a little something like this: "Vermont recently became the 4th State to legalize Same Sex Marriage, do you think that every State should pursue this?"

Miss California excerpt answer was.. "In my family, we believe that marriage is only between Man and Woman... no offense to anybody out there but that's how I was raised.."

After the pageant, nag-post kaagad itong si Perez Hilton sa Youtube ng video blog about his opinion on Miss California's answer. Sabi nya.. "Her answer was the worst in pageant history... she's a dumb bitch... she has half a brain... I am so dissapointed, she doesn't inspire and unite.."



Ang nakakatwa pa, kung nagkataon daw na nanalo si Miss California, baka umakyat daw siya ng stage, agawin ang korona at tumakbo palabas.. hahaha.. Ang taray naman nitong Perez na ito.

Saturday, April 11, 2009

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!

Patapos na ang Holy Week, at patapos na rin ang mahabang bakasyon this summer season para sa mga nagtatrabaho. Well, pwede namang mag-leave. Hehehe...

Mukhang wala akong hinihintay na engrandeng "out of town" ngayong tag-init. Walang malinaw na plano. Pati company outing namin eh malabo, dahil na rin sa Global Financial Crisis na yan.

One of my friends emailed me, nag-iinvite sa Boracay. Kaya lang, ang offer nya is by June pa, which is rainy season na. Pero hindi natin alam, baka pwede.


Anyway, back to the Holy Week... wala naman akong masyadong aktibidades sa mga nakaraang araw lalo na nung Hwebes Santo at Byernes Santo. Sa bahay lang ako. I was supposed to join the other colleagues to witness the Maleldo (Mahal na Araw) Re-enactment Crucifixion (and Flagellation) yesterday, but unfortunately, hindi gumaling-galing ang sipon at ubo ko na mula Lunes Santo ko pa nararamdaman. Tuloy, hindi ako nakasama dun.

Ang ending, inaliw ko na lang ang sarili ko dito sa bahay... internet, tv (kahit irregular ang programming), texting, sleeping and eating.

But of course, I also intended to read Bible to somehow reflect and realize things. Nakakagaan ng feeling. Aside from the Gospel, favorite kong basahin yung Book of Sirach sa Old Testament. In there, puro practicality ang matututunan natin. Nae-engganyo tuloy akong i-forward yung ibang verses nito to my friends through SMS.

Reading Bible is for me enjoyable. Aside from the theological and religious topics, moral lessons, practical application and all that stuff... para ka ring nagbabasa ng History Book, but with miracles and all the wonderful things God has given us.


***

Bakit parang baligtad ang nangyayari? Kung kailan Easter or ang muling pagkabuhay ni Jesus, dun parang ang lungkot ng mga tao? The scenario is perennial. Tuwing Maundy Thursday and Good Friday, parang fiesta ang ilan sa mga lugar sa atin especially sa mga may "pabasa" at maraming nagpi-penetensya (self-flagellation, senakulo, etc.). Pero pagdating ng Easter Sunday, wala na. Dahil ba napagod na ang bakasyonista at kinabukasan ay balik-trabaho na? Pwede...

Pero wag ka, merong videoke bar malapit sa bahay namin na walang pinipiling araw. All the time eh ume-echo ang mga nagsisigandahang boses ng mga tomador at tambay. Halos gabi-gabi ay hindi ako pinapatulog. In fairness, medyo malayo sila mula sa amin, pero dahil open area pa sa harapan ng bahay namin, umaabot ang alingawngaw ng tunog hanggang kwarto. Memorize ko na nga yata pati PlayList nila! Hehehe...

***

Back to work na sa Monday at last day na bukas ng bakasyon. Malungkot.
(Ako rin pala ay may contribution sa "Sadness Scenario" tuwing Linggo ng Pagkabuhay.)




Monday, April 06, 2009

TV Ratings... the methodology

{Read Between The Lines}

So nagtataka ba ang ilan sa inyo kung papaano nakukuha ang data ng TV Ratings? Pwes, I will explain...

Una, syempre may mga Statistics, Survey or Research Firms na nagsasagawa at nangongolekta ng datos ng TV Ratings. Dito sa Pilipinas, iilan lamang sila... TNS, AGB-Nielsen, AC-Nielsen (wala na yata ito), Pulse Asia, SWS, etc., to name a few.

May mga empleyado sila na hahalughugin talaga ang kahit kasuluk-sulukan ng Pilipinas, hindi upang tanungin araw-araw kung ano ang pinapanood ng pamilya sa isang bahay, kundi maghanap ng mga potential na maging "household panel" at regular na mag-bato ng datos sa headquarters ng Research Firm na iyon.

At kapag napili ang isang bahay upang maging household panel, kakabitan ng "peoplemeter" o isang gadget na parang cable box ang lahat ng TV sets ng bahay. It is via GSM (wireless) or with the help of Telephone Lines.

Ang gadget na iyon ay ang magde-determine ng tatlong impormasyon: ang tv station na pinapanood, ang eksaktong oras at haba ng panonood (kahit palipat-lipat ng channel, ok lang), at ang dami ng nanonood kahit may bisita pa ang pamamahay na iyon. O di ba, high-tech na. Hehehe...

Tuwing madaling araw nakokolekta sa headquarters ang lahat ng datos sa nakalipas na isang araw. Automatic na papasok sa computer ang resulta at malalaman na kung anong tv show ang mas pinanood. By the way, nagdedepende sa eksaktong oras na pinalabas ang isang tv show, pati na rin ang air time, ang puntos o ratings na pumapasok. Meaning, mas nakababad sa isang tv show o sa isang tv station, siya ang mas naka-puntos. Gets?

Latest National Urban Television Audience Meter (Buong Pilipinas) from TNS Research Firm

At ano naman ang benefits na pwedeng makuha ng isang household panel? Well, quarterly may gift certificate silang matatanggap. Parang pakonswelo na rin sa cooperation at ang 7.5 watts na konsumo ng kuryente sa gadget o peoplemeter na iyon mula sa Research Firm.

At bakit alam ko ang mga ito? By this time, alam nyo na siguro ang kasagutan... :-)

Wednesday, April 01, 2009

Thank You!

At dahil start of the Fiscal Year ngayon sa aming kumpanya, wala lang.. Hahaha.. Makikisabay kuno...

But seriously, I just want to thank all of my visitors in this simple blog of mine. My blog is going on its 4th year coming this December. My other blog (in G-blogs) is now totally abandoned. Hahaha... Apparently, it's my first ever blog, pero dahil pumanget na nga doon, marami na rin yatang nagsi-alisan dun. Though I gained a lot of cyber friends there...

Anyway, tutal eh panahon ng mga evaluation, business new plans and set of targets ngayon, allow me to present the performance of my blog. Hahaha.. nagpi-feeling lang... With the help of some free stats website...

The illustration below is the graphical presentation of my "hits" or the trend of the number of my visitors from May 2008 to March 2009. Ewan ko ba kung bakit marami akong visitors sa buwan ng Pebrero? Hehehe.. Hindi ko ma-analyze. Hehehe...




Ito namang illustration sa ibaba ay ang Pie Chart ng mga bansang pinanggalingan ng mga bisita ko for the month of March 2009 alone. Syempre, Pilipinas pa rin ang nangunguna, pumangalawa ang US, sumunod ang Canada, Singapore and Argentina. Wow! Sinu-sino kaya ang mga iyon? Hahaha...


Eto naman, Plot Diagram ng mga bumisita sa aking blog mula sa iba't-ibang panig ng mundo. Ibang level na ito! Hahaha.. From June 2008 hanggang March 2009 data yan... As observation lang, compare to last year's data, mas marami yatang bumisita sa blog ko mula sa kontinente ng Africa last year. Nasaan sila ngayon? Hahaha...



Maraming salamat po sa mga patuloy na bumibisita sa blog ko! :-)