Mukhang wala akong hinihintay na engrandeng "out of town" ngayong tag-init. Walang malinaw na plano. Pati company outing namin eh malabo, dahil na rin sa Global Financial Crisis na yan.
One of my friends emailed me, nag-iinvite sa Boracay. Kaya lang, ang offer nya is by June pa, which is rainy season na. Pero hindi natin alam, baka pwede.
Anyway, back to the Holy Week... wala naman akong masyadong aktibidades sa mga nakaraang araw lalo na nung Hwebes Santo at Byernes Santo. Sa bahay lang ako. I was supposed to join the other colleagues to witness the Maleldo (Mahal na Araw) Re-enactment Crucifixion (and Flagellation) yesterday, but unfortunately, hindi gumaling-galing ang sipon at ubo ko na mula Lunes Santo ko pa nararamdaman. Tuloy, hindi ako nakasama dun.
Ang ending, inaliw ko na lang ang sarili ko dito sa bahay... internet, tv (kahit irregular ang programming), texting, sleeping and eating.
But of course, I also intended to read Bible to somehow reflect and realize things. Nakakagaan ng feeling. Aside from the Gospel, favorite kong basahin yung Book of Sirach sa Old Testament. In there, puro practicality ang matututunan natin. Nae-engganyo tuloy akong i-forward yung ibang verses nito to my friends through SMS.
Reading Bible is for me enjoyable. Aside from the theological and religious topics, moral lessons, practical application and all that stuff... para ka ring nagbabasa ng History Book, but with miracles and all the wonderful things God has given us.
***
Bakit parang baligtad ang nangyayari? Kung kailan Easter or ang muling pagkabuhay ni Jesus, dun parang ang lungkot ng mga tao? The scenario is perennial. Tuwing Maundy Thursday and Good Friday, parang fiesta ang ilan sa mga lugar sa atin especially sa mga may "pabasa" at maraming nagpi-penetensya (self-flagellation, senakulo, etc.). Pero pagdating ng Easter Sunday, wala na. Dahil ba napagod na ang bakasyonista at kinabukasan ay balik-trabaho na? Pwede...
Pero wag ka, merong videoke bar malapit sa bahay namin na walang pinipiling araw. All the time eh ume-echo ang mga nagsisigandahang boses ng mga tomador at tambay. Halos gabi-gabi ay hindi ako pinapatulog. In fairness, medyo malayo sila mula sa amin, pero dahil open area pa sa harapan ng bahay namin, umaabot ang alingawngaw ng tunog hanggang kwarto. Memorize ko na nga yata pati PlayList nila! Hehehe...

Back to work na sa Monday at last day na bukas ng bakasyon. Malungkot.
(Ako rin pala ay may contribution sa "Sadness Scenario" tuwing Linggo ng Pagkabuhay.)
(Ako rin pala ay may contribution sa "Sadness Scenario" tuwing Linggo ng Pagkabuhay.)
No comments:
Post a Comment