Monday, April 06, 2009

TV Ratings... the methodology

{Read Between The Lines}

So nagtataka ba ang ilan sa inyo kung papaano nakukuha ang data ng TV Ratings? Pwes, I will explain...

Una, syempre may mga Statistics, Survey or Research Firms na nagsasagawa at nangongolekta ng datos ng TV Ratings. Dito sa Pilipinas, iilan lamang sila... TNS, AGB-Nielsen, AC-Nielsen (wala na yata ito), Pulse Asia, SWS, etc., to name a few.

May mga empleyado sila na hahalughugin talaga ang kahit kasuluk-sulukan ng Pilipinas, hindi upang tanungin araw-araw kung ano ang pinapanood ng pamilya sa isang bahay, kundi maghanap ng mga potential na maging "household panel" at regular na mag-bato ng datos sa headquarters ng Research Firm na iyon.

At kapag napili ang isang bahay upang maging household panel, kakabitan ng "peoplemeter" o isang gadget na parang cable box ang lahat ng TV sets ng bahay. It is via GSM (wireless) or with the help of Telephone Lines.

Ang gadget na iyon ay ang magde-determine ng tatlong impormasyon: ang tv station na pinapanood, ang eksaktong oras at haba ng panonood (kahit palipat-lipat ng channel, ok lang), at ang dami ng nanonood kahit may bisita pa ang pamamahay na iyon. O di ba, high-tech na. Hehehe...

Tuwing madaling araw nakokolekta sa headquarters ang lahat ng datos sa nakalipas na isang araw. Automatic na papasok sa computer ang resulta at malalaman na kung anong tv show ang mas pinanood. By the way, nagdedepende sa eksaktong oras na pinalabas ang isang tv show, pati na rin ang air time, ang puntos o ratings na pumapasok. Meaning, mas nakababad sa isang tv show o sa isang tv station, siya ang mas naka-puntos. Gets?

Latest National Urban Television Audience Meter (Buong Pilipinas) from TNS Research Firm

At ano naman ang benefits na pwedeng makuha ng isang household panel? Well, quarterly may gift certificate silang matatanggap. Parang pakonswelo na rin sa cooperation at ang 7.5 watts na konsumo ng kuryente sa gadget o peoplemeter na iyon mula sa Research Firm.

At bakit alam ko ang mga ito? By this time, alam nyo na siguro ang kasagutan... :-)

No comments: