Una, buhat last week, sa tuwing dumadaan ako sa isang kalye dito sa syudad, ay walang poknat ang mga nag-ooffer sa akin ng mga videos na ito... Aba, ang tao nga naman, kung saan pwedeng pagkakitaan, hala sige!
Isa pang kinaaasar ko kasabay sa paglabas ng issue na ito ay ang pangyayari sa trabaho. As usual, involved na naman dito ang aking boss. Ewan ko ba kung tuluyan nang mawawala ang respeto ko sa kanya, pero ang CHEAP-CHEAP nya! Hehehe...
Nung umaga matapos pumutok ang balitang ito, aba sa morning meeting namin, proud pa siyang sabihin na napanood nya na yung 24-minutes (or whatever!) na sex video nila ni Hayden Kho at Katrina Halili. Tanungin pa ako kung napanood ko na raw ba... Aba sa sobrang inis ko, sabi ko napanood ko na rin, matagal na... Aba, hindi nagpatalo ang boss ko at kinontra ako na hindi raw yung "Careless Whisper" ang tinutukoy nya kundi yung bagong video... Aba, sinagot ko naman na, "oo nga, yun nga, yung bago napanood ko na yun..." At natahimik siya! Hahaha...
Honestly, hindi ko pa napanood that time iyon. Hahaha.. Pero nung gabi bago mangyari ang kaepalan ng boss ko, nakita ko na sa isang internet site yung video, pero hindi ko pinley (play).. dahil antok na antok na ako as in...
Pero akala ko, dun matatapos ang inis ko nung araw na iyon. Aba, sa dami-dami ng trabaho nung araw na iyon, wala siyang inatupag kundi ang pagtsismisan ang sex video na iyon. Hinayupak na video yan, nakakapikon na.
Hinayaan ko na lang dahil alam ko namang matitigil din siya sa mga pagmamayabang nya. Tsaka, sana ma-realize nya na nakakadiri ang inaasta nya.. Hahaha.. Ang dami-daming problemang dapat ayusin sa trabaho, sana man lang tulungan nya kami.
Hayan, sa mga taong pumipigil sa akin na umalis na dun sa trabaho ko, sige nga, kung boss nyo ay ganyan, maaatim nyo bang mag-stay pa? Pasalamat siya, wala pa akong nahahanap na mas magandang work!
For the meantime, kailangan ko talagang pagtyagaan ang ganyang klaseng environment. At pinapakita ko talagang kahit toxic ako sa trabaho, hindi ko kailangang maging OA katulad nila... OA sa petiks, at OA sa pagbi-busy-busy-han!
***
Kung sa bagay, bukod sa binabalak kong surprise resignation (hahaha)... may surprise din naman ako sa kanila this coming June! Hehehe...
***
Nag-audit kami sa Office of the President ng kumpanya kanina, nahilo ako!
***
Halos ayokong bumangon kaninang umaga para pumasok sa trabaho dahil unang sumagi sa isip ko yung boss ko na naman, pero nung maalala ko yung mga pending activities ko at mga subordinates ko.. sige na nga! :-)
***
For sure, eepal na naman ang boss ko bukas dahil sa instruction na binigay sa akin ng EVP namin. Naintindihan ko na sir, wag mo nag i-elaborate dahil lalo lang akong mabubwiset!
***
Life is unfair... hindi sa nagbibilang ako ng work.. pero obvious naman ang mga todo-petiks sa tabi-tabi... Tabi-tabi po!
***
Mga bossing, nakakahiya ang nangyaring sagutan nyo sa isang meeting. Hindi na healthy ang argument nyo.. Nakakainis na.
***
Ano na naman kayang ulam sa canteen bukas? Isa na namang malungkot na lunch ang aabangan ko.. babawi na lang ako sa dinner. :-)
***
May mga expats na dumating ngayon galing sa Japan... nasaan ba sila at magtatago ako.. mahirap na at baka...
***
No comments:
Post a Comment