Ilang linggo ko nang kina-career ang pag-aaral ng Nihonggo online mula sa isang website. Actually, noon pa ako nakikinig ng podcast ng Nihonggo lesson dahil na rin sa impluwensya at araw-araw na pakikisalamuha ko sa mga Hapon sa kumpanya.
Pero nitong nakalipas na linggo nga ay medyo tinotodo ko ang pakikinig sa audio lessons. Siguro dahil na rin sa isang pangyayari na "wala lang".
As in, bigla lang akong nagkaroon ng communication sa dating "kaibigan" na matagal ko nang hindi nakikita at nakakausap.
Since after High School, wala na akong balita buhat sa kanya, not until naisipan at nagbaka-sakali akong i-search ang friendster account nya and voila! Meron nga!
Nalaman ko na nasa Japan pala siya sa pamamagitan ng mga litrato na ibinahagi nya sa account nya. Sumagi tuloy sa isipan ko kung ano ang mga maaaring ginawa nya sa bansa ng mga sakang: nakapag-asawa ng Hapon? Entertainer? Professional? O di kaya Japayuki (kahit hindi ko masyadong alam kung ano ang description nito)?
Well, hanggang hula at mananatiling mistersoyo pansamantala para sa akin ito. Nagbaka-sakali na lang ako na magre-reply siya sa email ko kahit na tila hindi na nya binibisita ang account nya.
Ilang buwan ang lumipas, at nawala na rin siya sa aking isipan. Ngunit sa di inaasahan na pangyayari, nag-reply siya. Huh?! Ah ok...
Nalaman ko na lamang na nandito na pala siya sa Pinas at hinihingi ang cellphone number ko. Walang malisya, binigay ko. Makalipas ang isang araw, nagtext na siya... and guess what? Todo -Nihonggo ang mga pagbati nya. Medyo na-praning ako dun. Hahaha...
So yun, dahil gusto ko rin namang magpa-impress, todo-aral din naman ako sa mga basic expressions ng Nihonggo. Akala nya huh! Hahahaha....
Makipag-kita kaya ako sa kanya? Hahaha... (muling ibalik ba ito? hehehe)...
Well, abangan ko na lang ang susunod na kabanata...
Uyasumi Nasai! Good night everyone! :-)
No comments:
Post a Comment