Hahahahaha... at isa pang Hahahahahaha...
Iyan marahil ang maglalarawan ng aking reaksyon matapos naming panoorin ang movie na ito nung Sabado. My friends invited me to watch for this movie, so go! Sago!
Eh tamang-tama, umabsent ako nung Saturday sa work dahil sa sobrang asar ko last week. Dumating kasi yung isang Japanese Support na ako ang inatasang sumubaybay sa kanya. Eh pambihira itong sakang na ito, nakakalimutang isuot yung face mask nya samantalang inabisuhan na sila ng Management na parating isuot iyon para maiwasan ang mga sakit-sakit na yan na naglipana sa ating kapaligiran. Galit na ako. Hahaha...
Anyway, bago mapunta sa kung saan-saan ang kwento ko ngayon... mag-stick tayo sa topic. Drag Me to Hell. Hehehe...
Sa umpisa ng pelikula, parang naalala ko yung Constantine.. mga Espanyol din sa California ang eksena... Naisip ko tuloy, talaga bang automatic na yun na kapag may mga napo-possess, mga Kastila dapat ang mga nagsisipagganap? Si senior!
1969 nang mangyaring kainin ng sahig ang isang batang Espanyol na sa di sinasadya ay nagambala ang mga di dapat gambalain. Hayan kasi!
So hayun, "prelude" lang pala iyon ng pelikula dahil umikot ang istorya sa isang dalagitang nagtatrabaho sa isang Loaning Company or whatsoever, na ang tanging hangad ay ang ma-promote sa kanyang trabaho. Year 2009 na yan, kahit hindi sinabi. Hehehe.
One day, isang araw, isang gurang na bebot ang dumulog sa kanyang tanggapan (hahaha) para makiusap na i-extend pa ang kanyang pananatili sa kanyang lumang bahay na nanganganib ng ma-dekwa ng bangko.
So, todo as in super to the max ang pakiusap ni lola sa dalagitang bida na lumuhod pa sa kanyang harapan. Syempre, hindi natinag ang ating bida dahil ginagawa lamang nya ang kanyang trabaho. In fairness naman kasi, ang kulit ng gurang na ito na nakuha pang ubusin at kupitin ang mga kendi na nakalagay sa mesa ni bida. And besides, kadiri talaga ang pustiso ni lola! Bwahahaha...
Little did I know that the nasty scenes were just starting! Hehehe...
Kabaliwan, katangahan, ka-OA-yan, katatawanan.... yun na!
Again, ayoko nang masyadong i-elaborate pa ang kwento dito sa blog ko, dahil inaantok na ako. Hehehe... Ito na lang ang ilan sa mga eksena na muntik ko nang palakpakan sa loob ng sinehan:
1] Ang fighting scene ni gurang at ni bida sa isang madilim na parking space na silang dalawa lang ang nandoon (as usual). Aba si lola, lumalaban. Todo na ito! Hahaha...
2] Ang eksena ni bida sa bahay ng kanyang tangang bf kasama ang kanyang "taas-kilay" na soon-to-be-mother-in-law. Umeksena ang langaw na nanggaling sa loob ng cake na inihanda ni bida. In the end, nagbasag ng baso itong si bida na ikinagulat ng lahat.
3] Ang pagpasok ng bangaw sa loob ng bibig ni bida. Tanong lang, kaya ba talagang gawin ng bangaw na ipagsiksikan ang sarili sa bibig na nakasara naman pero hindi nya nagising ang may-ari ng bunganga na iyon? Siguro. Can anyone try? Hehehe...
4] Ang katapusan ni Hello Kitty.
5] Ang makulit na panyo.. syempre ang nagmamay-ari nito ay yung makulit na gurang. Hahaha... May pinagmanahan!
6] Muli, ang bibig ng ating bida. Bakit kaya masyadong pinagdiskitahan ang bibig nito? Gayung pilit na pumapasok ang kung anu-anong bagay sa kanyang bunganga.. nariyan ang kamay ni guran, ang panyo ni gurang, ang formalin ni gurang.. hahaha.. pinaglihian siguro ni lola ang bibig ni bida.
7] Syempre, hindi papatalo ang ilong ni bida. Nose Bleed ito! Hindi dahil sa hindi siya marunong mag-ingles (Hello!)... wala lang. Gusto lang ng director na magdugo ang ilong nya at paliguan ng dugo ang kanyang opismeyt na parang shower na sumaboy. Hahaha..
8] Ang eksena sa sementeryo, again with lola. This time, patay na si lola pero marunong pa ring mang-inis.
9] Ang mala-Spiderman na paglipad ng isang lalaking extra lang sa pelikula. Na-posses ito ni Tobey Maguire. Hahaha.. (fyi, sister movie ng Drag Me To Hell ang Spider-man. I-google nyo na lang kung bakit.)
10] Ang pagsasakatuparan ng titulo ng movie na ito sa ending! Drag me to hell... that's it!
Panoorin nyo na lang. :-) Bwahahahaha.
Anyway, hindi naman sa nagsisisi ako dahil pinanood ko ito (unlike Watchmen)... ayun nga, pwede na sa akin na patawanin kami ng pelikulang ito. Although hindi namin in-expect na ganito pala itong pelikulang ito, pwede nang pagtyagaan at pagtawanan, at least hindi naman namin masyadong kinainisan. Hahaha.
2 comments:
waaah! i'm gonna go see this na talaga! sana showing pa this weekend. :D
Hi Deejay! Sige, watch mo! Hehe
Post a Comment