Lumisan man ang bagyong Ondoy, ang bakas ng hagupit nito sa ilang lugar sa Pilipinas ay mananatili pa hanggang sa mga susunod na mga araw.
Marami akong na-realize mula kahapon sa kasagsagan ng malupit na bagyong ito.
Una, dakong hapon ko na lang nalaman ang tindi na idinudulot nito sa Metro Manila at ilang karatig probinsya dahil buong araw akong busy sa trabaho. Bagamat aware ako na may bagyo, hindi ko inasahan na ganito pala kalakas at kadaming tubig-ulan ang ibinagsak nito, not until lumabas ako ng opisina at mag-aattend sana sa isang meeting ukol sa gaganaping High School reunion namin sa Oktubre.
Sa kalaunan, pinagpasiyahan na lang namin na ikansela ang meeting dahil na rin sa sarado ang Coffee shop na pagdadausan sana nito. Pangalawa, ang ilan sa amin ay minabuti nang manatili na lamang sa kanilang bahay dahil nga sa malakas na hangin at ulan.
Tila isang ghost town ang dinaanan namin kagabi sa syudad Angeles. Wala mang matinding baha ang dinanas ng syudad, ilang mga billboards at halaman naman ang nagsipagtumbahan sa mga kalye. Brownout pa.
Pag-uwi ko ng bahay, patuloy pa rin ang malakas na ulan. Walang kuryente, walang facebook! Hindi man ako naghapunan, pinili ko na lang na matulog dahil kanina pa ako takam na takam na humiga at magpahinga.
Kaninang umaga, na-realize ko na wala pala sa kalingkingan ng Marikina at Rizal ang nangyari sa syudad Angeles. Kalunos-lunos at nakapanglulumo ang mga video footage na ipinapakita sa TV.
Ito ang ilan sa mga video mula sa youtube kasama na rin ang mensahe ng ating Pangulo:
Na-realize ko rin na maswerte pa rin talaga ang Angeles City dahil mataas ang lugar namin. Pero hindi ako magtataka kung babahain din ito lalo na sa town proper dahil sa improper waste disposal.
Isa pang na-realize ko, sa panahon ng kagipitan, maaasahan pa rin naman pala ang Facebook at Twitter. Dumagsa ang mga tulong at donations na idinadaan sa mga social networking sites na kagaya nito. In facet, this whole day ay naging trending topic ang #Philippines, #Red Cross at #Typhoon Ondoy sa Twitter.
No comments:
Post a Comment