Walang kinalaman ang title sa kwento ko...
Wala lang, medyo matagal yata akong natengga dito sa Blogspot ko. Siguro, mas naging convenient lang sa akin nowadays ang mga microblogging like Twitter and Facebook... Ngayon ay naniniwala na ako sa mga taong nagpo-post sa Facebook at Twitter na sila ay "busy", bagkus nakakapaglaan pa ng oras para silipin at magpost sa account nila. Indeed, microblogging is "in" right now.
Ano ba ang kwento ko ngayon? Bukod sa busy ako sa work, pinagkakaabalahan ko rin ang paparating na High School Reunion namin sa October. Isa kasi ako sa mga tumutulong para sa event na ito. Na-assign ako to disseminate the information, updates and details of the reunion sa mga batchmates ko. Salamat sa internet at text...
Ganun pala ang feeling kapag pilit mong ini-invite ang mga nag-iinarte at nagpapapilit, gusto mong mainis pero kailangan magtiis. Worse, yung mga talagang ka-close mo pa ang mga nag-iinarte samantalang ang daling kausap ng mga ilang batchmates na actually ay ngayon ko lang nakadaumpalad dahil hindi mo naman ka-close nung panahon ng High School years.
Ganyan talaga, we can't please everybody.
Well, change topic. Magbubukas na pala ang Marquee Mall dito sa Angeles City sa makalawa. Di pa talaga fully done ang construction lalo na sa labas, pero parang excited ako dito. Hehehe.. Kita kasi bintana ng aking kwarto ang likod nito.
No comments:
Post a Comment