Saturday, October 31, 2009
Nakakaaliw na Halloween!!!
Tuloy ang partee!!! Well, wala naman akong pupuntahan na party ngayong halloween.. hehehe. Nakahinga siguro ng maluwag ang mga gimikero't gimikera ngayong gabi dahil tuluyan nang lumabas ng bansa itong si bagyong Santi... Sige, magliwaliw na kayo!
Buong magdamag ngayong araw ay wala akong inatupag kundi matulog, kumain, manood ng TV at mag-internet... napaka-Productive di ba? Hehehe.. Pero nakakaaliw!
Ay! Dumating pala yung friend ng nanay ko dito sa bahay kanina na marunong daw manghula.. Hayan, nasampulan ako. Hahaha! In all fairness, magaling ngang manghula. Hahaha! Wish ko lang talagang mangyari ang mga magagandang hula sa akin. :-) Wala lang, nakakaaliw. Hehehe..
Bukas, unang araw ng Nobyembre, sa sementeryo tiyak ang mga eksena natin. Expected na maraming tao na naman ang magdadagsaan sa mga himlayan ng ating mga namayapang mahal sa buhay. Hindi lang fiesta ito ng mga patay, fiesta rin ito ng mga buhay sa lugar ng mga patay!
Syempre, maraming kaaliwan at kabaliwan sa loob ng sementeryo sa mga ganitong panahon. Nariyan ang mga magbabarkada na always present at todo-porma pa.
Mapapansin din ang mga tindero ng mga laruang nagpapaaliw sa mga bata na walang magawa ang mga magulang kundi bilhin ang laruan dahil kung hindi, isang iskandalo ng pagwawala ang magaganap. Hahaha...
Ginagawang Eyeball Time din ang araw ng mga patay para sa mga magte-textmates. So busy kasi kaya Undas lang ang oras ng pagkikita.
Pero eto hindi na nakakaaliw ito: Hindi lang mga kaluluwa ang naglipana sa loob ng mga sementeryo, ingat-ingat din tayo sa mga pagdalaw ng mga buhay na masasamang elemento. Mga mandurukot at mapagsamantalang tao. Dun dapat tayo mas matakot.
Have a safe Halloween/All Saints' Day sa inyo mga blogmates! Eyeball tayo! Hehehe...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment