Last October 17 ay natapos din sa wakas ang pinaghandaan naming reunion para sa High School Batch namin, Holy Angel University Batch 1999.
Pinaghandaan talaga dahil isa ako sa mga naging organizer ng event na ito. Since July 2009 ay sinimulan na naming pag-isipan kung papaano magiging ganap ito -- sa bilang ng mga pupunta, venue, program, video presentation, food, etc...
Pero bago pa man ang July 2009, isang "unknown" batchmate ang gumawa ng Friendster Account para sa aming Batch nung Pebrero. Dito talaga nagsimula ang lahat-lahat. Hanggang sa isang araw, tinawagan ako ng "batchmate" na ito sa telepono at nanghihingi ng tulong. Asus, kaklase ko pala na nasa Dubai ang may pasimuno ng lahat ng ito, si Wilma na isang Flight Attendant. Meeting daw kaming mga organizer sa Coffee Academy sa darating na Sabado, without her!!! Ok rin siya, instant organizer kami pero wala naman sya sa Pinas! Hehehe...
Dumating ang Sabado, July 4, 2009, at ako ang unang dumating sa Coffee Academy. Pakiramdam ko noon kung ano aba itong napasukan ko? Hehehe... hanggang dumating si Kheigh na batchmate ko na sa hitsura ko lang kilala, pero di talaga kami nagkakilala nung High School dahil magkaiba kami ng Section.
Dumating na rin ang iba, si Ednan, Allan, Bhong at Marlon. Unang meeting palang, problema kaagad ang pinag-diskusyunan. Ito kasing si Wilma, nag-post sa FS Bulletin na P1,200 kaagad ang Ticket Price sa Reunion, so feeling namin eh lalangawin ito kung ganun kataas ang ticket price.
Without any basis, nagkasundo agad kami na babaan sa P500 ang ticket. Bahala nang pagkasyahin lahat yun! Hehehe...
Ilang Sabado rin mula noon ang iginuguol namin para sa conceptualization ng reunion na yan. Hanggang sa nadagdagan kami to help us organize... thanks to Sheryl, Larry, Eric, Charlotte, Regie, Bhok! Nakakuha kami ng mga Sponsors and Donors! Hehehe...
Pero di pa rin natapos ang problema namin, dumaan ang bagyong Ondoy at Pepeng, sabay nagpaalam ang buwan ng Setyembre, pero konti palang ang bumibili ng ticket!
Two weeks before the reunion, we decided na maging araw-araw ang pagbabantay namin sa Ticket Outlet and let it announce sa FS and FB para naman may bumisitang batchmate. Ako ang nag-suggest nun! Hehehe... I also suggested na mag-announce na kami ng deadline para magkumahog na silang bumili. :-)
Fortunately, effective naman ang tactic na ito. Tumaas agad ang ticket sales namin up to 270 tickets lalo na yung week before the Reunion...
And the rest is history...
Ang saya-saya talaga nito. :-)
No comments:
Post a Comment