Sunday, February 06, 2011

True Grit

Kung kayo'y kasalukuyang masaya at panonoorin nyo ito, magiging neutral ang feeling nyo. Kumbaga, tabla lang, pampabawas ng kasiyahan nyo. Hehe. Mare-realize nyo na not all the time ang kasiyahan, may mga problema tayo na dapat ayusin.

Pero sa pelikulang ito, ipinakita na ang kasalukuyang problema natin ay maaring mas maging kumplikado pa habang sino-solve mo ito.


Kung kayo nama'y kasalukuyang depressed, malungkot, dinidibdib ang mga problema sa buhay, at may balak paghigantihan ang isang kaaway, wag nyo na munang panoorin ito. Lalo lang kayo made-depress at baka makaisip ng masamang hangarin. LOL

Masyado kasing seryoso ang pelikulang ito. Ang kwento ay umiikot sa batang babae na si Mattie Ross, isang ulila at balak paghigantihan ang pumatay sa kanyang ama. Sa kasagsagan ng paghahanap ng katarungan para sa kanyang ama, nakilala nya ang mga taong sa tingin nya'y makakatulong sa kanyang paghihiganti --sina Rooster Cogburn at LaBoeuf.

Isang masalimuot na adventure ang ikinaharap ng batang si Mattie. Sa edad nyang katorse anyos, puro karahasan na ang kanyang nasaksihan.

Nakamit nya ba ang katarungang inaasam? As usual, panoorin nyo na lang. Hahaha!

At dahil may dugong Filipino raw itong si Hailee Steinfeld na gumanap bilang si Mattie, sana manalo sya as Best Supporting Actress. Ok naman ang performance nya rito.

Ano bang lesson ang matututunan sa pelikulang ito? Although retribution ang tema ng pelikula, hindi naman ganun ang ibig ipahiwatig ng movie. Siguro, ang ibig iparating nito ay sa anumang sitwasyon at pagkakaton, maaaring makakakilala pa rin tayo ng mga taong tutulong sa atin at maaaring magbigay-daan para maiba ang mga pananaw natin sa buhay.

My score for this movie: 7.01 / 10

No comments: