Kung may insomnia kayo at hirap lagi sa pagtulog (kaya nga insomnia eh... hehehe), perfect ang movie na ito para makatulog kayo ng mahimbing. LOL
Hindi lang talaga ako naka-relate sa pelikulang ito. Pero kung babasahin ang ilang reviews ng mga kritiko para sa movie na ito, bilib na bilib sila rito. I am sorry, for me, I'm not. Hehehe... Unang-una, hindi talaga ako movie critic, sa pagkakataong ito, feeling movie critic lang. Hahaha!
Sa bungad palang ng pelikula, parang ayaw ko nang tapusin. Pero tiniis ko.. hehehe... tinapos ko talaga expecting na may manggigising na eksena sa nahihimbing kong diwa. Pero tama pala ako, at the end of the movie, gulat na gulat talaga ako dahil hindi ko akalaing tapos na pala.
Parang wala yata akong masabing maganda sa pelikula... hehehe... Teka, try ko...
Ito ay kwento ng isang 17-year old na dilag na si Ree Dolly. Sa introduction palang, makikita kaagad kung anong klaseng pamumuhay meron ang pamilya ni Ree.
Panganay itong si Ree sa dalawang kapatid na may inang parang mababaliw na yata sa bigat ng problemang kanyang dinadala. At ano ang problema? Bukod sa kahirapan, ang biglaang paglaho ng asawa (ama nina Ree) ang dinaramdam ng mag-iina sa umpisa palang ng pelikula.
Eager itong si Ree na hanapin ang nawawalang ama. Lalo pa siyang nagpursigi sa paghahanap nang makarating ang balitang kailangan na nilang umalis sa bahay dahil di umano'y nakasangla ang lupain nila na ang may kagagawan ay ang kanyang tatay (or something like that).
Subalit sa lahat ng pagtanungan ni Ree (even sa mga kamag-anakan), wala siyang matinong impormasyong nakukuha...
Doon na nagsimula ang kalbaryo ni Ree. I guess, marami rin ang hindi magugustuhan ang ganitong klaseng istorya. Hahaha!
Basta yun na yun. At kung tatanungin nyo kung bakit "Winter's Bone" ang title ng movie na ito, well... walang pakialamanan! Hehehe... gusto ng direktor at producer eh. And as usual, panoorin nyo na lang! (Pero sa mga makakabasa ng panlalait ko, may manonood pa kaya nyan? Hehehe)
But seriously, I seriously didn't like this film. Napaka-seryoso ng tema! Seryoso ang mga characters, pati na rin ang setting, ang lugar! Walang masaya sa pelikulang ito. At lalong hindi ako matutuwa kung mananalo ito sa pagka-Best Picture sa darating na Oscars.
With a total of 4 nominations (including Best Actress for Jennifer Lawrence as Ree Dolly), sa aking palagay, mukhang mahihirapang masungkit ni Jennifer ang pagka-Best Actress itapat palang kay Natalie Portman ng The Black Swan.
At dahil apat ang nominations ng movie na ito sa Oscars, ang grado ko para rito ay katumbas ng apat na "buto"... ng pakwan:
4.02 / 10.00
No comments:
Post a Comment