Monday, February 27, 2012

My 2012 Academy Awards Prediction


Hours before the awards night, eto ang aking listahan ng mga magwawagi base sa aking bolang kristal. LOL



Best Picture -- The Artist
Bukod sa naaliw naman ako sa pelikulang ito, sa aking palagay ay mas papaboran ito ng mga hurado dahil isa itong tribute sa movie industry. Kung hindi man ito ang makapag-uuwi ng ng tropeo, I go for Hugo as Best Picture. (Click here for more details. Haha!)

Actor in a Leading Role -- Jean Dujardin in "The Artist"
Ok ok... I changed my mind. Mas una ko nang pipiliin si Jean Dujardin kaysa kay George Clooney. Walang dialogue sa pelikulang The Artist, pero sa aking palagay, mas naging expressive at mas nag-effort si Jean. At dahil napanood ko lahat ng pelikula na kung saan nominated ang 5 artista sa pagka-Best Actor, eto ang rank ko:
1] Jean Dujardin -- panalo!
2] George Clooney in The Descendants
3] Demián Bichir in A Better Life
4] Brad Pitt in Moneyball
5] Gary Oldman in Tinker Tailor Soldier Spy

Actor in a Supporting Role -- Max von Sydow in "Extremely Loud & Incredibly Close"
Hindi ko kasi napanood ang iba maliban sa pelikulang yan at kay Jonah Hill in "Moneyball", so mas pipiliin ko na si Max von Sydow. Hahaha! Though sabi ng mga movie critic, magaling daw si Christopher Plummer in "Beginners".


Actress in a Leading Role -- Viola Davis in "The Help"
4 out of 5 ang napanood ko sa mga nominated. Hindi ko napanood si Michelle Williams in "My Week with Marilyn". Pero sa apat na iyon, mukhang mahigpit ang labanan, especially between Viola Davis (The Help) and Meryl Streep in "The Iron Lady". Gusto ko sana si Glenn Close in "Albert Nobbs", kaso pang-lalaki ang ginampanan nya! Dapat sa Best Actor siya! Hahaha!
Sa puntong ito, mas pipiliin ko na ang negrang inaapi pero palaban (Viola Davis) kaysa sa puting malakas ang personality (Meryl Streep).

Actress in a Supporting Role -- Octavia Spencer in "The Help"
Palaban na negra rin itong si Octavia. Hahaha! Ok sana si Bérénice Bejo in "The Artist", kaso pampa-cute lang kasi ang role nya... Hehehe..

Art Direction -- "Hugo"
My second place is The Artist

Cinematography -- "The Artist"
My second place is Hugo

Costume Design -- "Hugo"

Directing -- "The Artist"

Film Editing -- "The Artist"
My second place is Hugo

Makeup -- "The Iron Lady"
Kuhang-kuha ni Meryl Streep ang hitsura ni Maggie Thatcher, former Prime Minister of UK.

Music (Original Score) -- "The Artist"
Wala kasing naririnig na nagsasalita, puro music. Hehehe... Litaw na litaw ang musical score nito, so baka masungkit nga nito ang tropeo sa category na ito.


Sound Editing -- "Hugo"

Sound Mixing -- "Hugo"

Visual Effects -- "Transformers: Dark of the Moon"
Para maiba! Hahaha.. though malakas ang kutob ko na Hugo ang magiging mahigpit na kalaban nito.

Writing (Adapted Screenplay) -- "The Descendants"

Writing (Original Screenplay) -- "Midnight in Paris"



At ang pinakamatinding forecast ko sa lahat...

Foreign Language Film -- Ang Babae sa Septic Tank

Hahahahaha!
Good luck sa prediksyon ko...
Till the next Oscars!

Thursday, February 23, 2012

And the Oscar 2012 Best Picture Goes to....







Natapos ko rin panoorin lahat ng siyam na pelikulang nominado sa pagka-Best Picture sa Academy Awards Night na mangyayari sa Lunes, February 27 (Philippine Time).

Kumpara sa mga nakaraang taon na inisa-isa kong gawan ng movie review entry sa blog kong ito ang mga nominated films, ngayon, hindi ko na magagawa iyon. Busy ako! LOL.

Kaya eto na lang ang summarized movie review ko sa bawat isa:



The Artist




Dahil ito ang una kong pinanood, nagawan ko ito ng movie review entry right after kong panoorin ito. (Click here for the link).

Well, as I've mentioned, maganda ang feedback ng mga movie critic sa pelikulang ito. Dahil silent film ito, medyo may pag-alinlangang panoorin ito sa umpisa pero hindi ka naman bibiguin ng pelikulang ito kung ka-boring-an ang pag-uusapan.

Dahil dyan, ang score ko para sa pelikulang ito ay 8.03 out of 10.




The Help




Help! Help! Help! Hindi ako maka-relate! Joke!
Racial discrimination ang tema ng pelikulang ito. 1960's ang setting at umiikot ang kwento sa mga Black American maids na nakararanas noon ng panlalait at pagkondena sa kanila ng mga iilang White Americans.

Ok na sana ang pelikulang ito pero marami kasing dull moments. LOL!

Pero in all fairness, magaling ang mga negrang nagsisiganap sa pelikula. Sana isinama na rin nila si Oprah! Joke! Masabi lang...

Binibigyan ko ang pelikulang ito ng 7.17 out of 10.




The Descendants




Ito ay kwento ni George Clooney. Joke!
Basta heart-warming ang pelikulang ito. Si George Clooney ay isang Hawaiian na mayaman dahil ang kanilang angkan ay nagmamay-ari ng malaking lupain sa isla. Ngunit subalit datapwat wala siyang problemang pang-pinansyal, siya naman ay nakararanas ng problema sa pamilya, especially to his wife na nakaratay sa banig ng karamdaman (napaka-Tagalog ko naman). Idagdag pa ang kanyang mga anak na medyo sakit sa ulo para sa kanya.
Ang tanong, ano ang lihim ng kanyang asawa bago ito ma-aksidente at ma-coma? Ang sagot, panoorin nyo na lang! Hehehe.


I give this movie a score of 7.32 out of 10.




Moneyball



Ito ay kwento ni Brad Pitt. Joke ulit!

Hayaan na natin ang pelikulang ito. Hindi ko gets. LOL! Basta, ipinaglalaban lang dito ni Brad Pitt ang.... teka, ano nga ba? Wahahaha!

Seriously, ipinaglalaban nya ang sa tingin nya ay mga baluktot na kalakaran sa likod ng larong Baseball. May katuturan ba ang pelikulang ito? Well, kung tatanungin ang mga may hilig sa baseball, baka oo. Pero kung hindi naman kayo mahilig sa baseball at tatanungin nyo ko kung may katuturan ito, panoorin nyo na lang! Hahaha!


Rating ko: 6.66 out of 10!



Hugo




Sa una, mukhang maganda itong pelikula na ito... pero... sige na nga, maganda na. Hahaha! Napilitan...

Maganda kasi ang visual effects ng pelikulang ito. At ang istorya.. seryosong pambata! LOL... Basta, kung bata ang manonood nito, dapat nerdy-nerdy siya para ma-gets nya. Hahaha..

Kwento ito ni Hugo (ano pa nga ba.. hehehe), isang batang naulila at may gustong tuklasin matapos mamatay ang kanyang ama. 1920's ang setting, just like sa pelikulang "The Artist", mukhang binibigyang pugay din nito ang simula ng pinilakang tabing. Yun nga lang, medyo magical ang dating ng pelikulang ito.


Rating: 7.77 out of 10.




Midnight In Paris



Ok naman ang concept ng pelikula. Medyo funny... hehehe. Tulad ng "The Artist" at "Hugo"... may pagka-1920's din ito... Hahaha..

Pero, ang pagiging 1920's nito ay tila isang ilusyon lamang ng bida ng pelikulang ito. Ilusyon nga lang ba? As usual, panoorin nyo na lang! Hehehe...

Umiikot ang kwento sa isang hollywood scriptwriter na si Gil Pender na nagbabakasyon sa Paris kasama ang kanyang fiancée.

One night, isang gabi, hehehe, ay hindi pala.. midnight nga pala. Bigla na lamang siyang nakapaglakbay sa nakaraan, at ang mga ilang tanyag na tao sa larangan ng Arts ay kanyang nakadaum-palad... Pablo Picasso, Salvador Dali, Ernest Hemingway... ayun naging friends sila. Hahahaha...
Ano ang magiging epekto nito sa kanyang buhay-pag-ibig? Well... panoorin nyo na lang! Hahaha!

I give this movie a score of 7.51 out of 10.




The Tree of Life



Experimental ang movie na ito. At ang resulta ng eksperimento ay hindi maganda. Hahaha!

Sobrang di ko na-gets ito! Ipagpaumanhin ako sa mga taong nagustuhan ito pero hindi ko talaga naintindihan kung ano ang connection ng istorya ng buhay ng mga bida sa Big-bang Theory. Hehehe...

Sinayang lang nito ang oras ko at ang kuryente namin. Hehehe.

Rating: 4.86 out of 10!


Extremely Loud & Incredibly Close



Kung gaano kahaba ang title ng pelikulang ito, ganun din kahaba nag pagkainip ko habang pinapanood ito. Hehehe...
Similar ang kwento nito sa Hugo, pero ang setting kasi nito ay after ng 9/11 World Trade Center Bombing. Ang bidang bata rito ay may gusto ring tuklasin tungkol sa namayapang ama dahil nga sa terrorist attack na iyon. Yun na yon! Hahaha

Binibigyan ko ang pelikulang ito ng 6.97 out of 10.



War Horse

Wow! Directed by Steven Spielberg! Pero...

Hindi ko type ang movie na ito! Hahaha. Mas nagustuhan ko pa yung Petrang Kabayo... Hehehe

Pero maganda naman ang pagkakagawa ng pelikula (Bumawi!). Yun nga lang, hindi lang ako na-excite, pampalipas oras lang.

Ok sige, inspirational na ito, sana ma-inspire kayo... Hahaha!
Kwento ito ng isang kabayo na nawalay sa kanyang amo dahil hinihingi ng pagkakataon. Magkikita pa kaya sila somewhere down the road? Panoorin nyo na lang! Hahaha


Rating ko: 7.11 out of 10




So there you have it... Sa next entry ko, magbibigay pa ako ng aking fearful forecast sa gaganaping Academy Awards Night. Magsasa ako eh...



Friday, January 27, 2012

The Artist



Shut up! Bawal magsalita! LOL

Pinili ko talagang unahin itong pelikula na ito para sa aking 2012 Oscars

Review of Nominated Films...

Maganda kasi ang feedback base sa mga nababasa kong news sa internet.

Hmmm.. pwede na. LOL!

At first, medyo worried ako kasi baka tulugan ko lang ito knowing "silent film" ito... Pero in all fairness, hindi ako nainip.

Kumbaga tamang timpla lang ng pagka-slapstick nito, drama and comedy.

Late 1920's ang setting ng pelikula, ang panahon kung kailan pausbong palang ang industriya ng pinilakang-tabing. Bago pa man ma-develop ang "talking" movie ay patok na patok ang mga silent film.

Isa sa mga bituin noon ay ang aktor na si George Valentin (na ginampanan ni Jean Dujardin). Sikat na sikat siya pati na rin ang kanyang aso na artista rin.

Nag-iba ang ihip ng tadhana ng makilala nya ang noon ay isang fan na si Peppy Miller (na ginampanan ni Bérénice Bejo).

Isang avid fan si Peppy na ang tanging pangarap ay maging isang sikat ding artista. Dahil pursigido talaga, naging extra-extra muna siya sa mga pelikula as her stepping stone. (May stepping stone pa talagang nalalaman.. Hehehe)

Ayun, sakto na papalaos ang silent film at dine-develop na ang mga pelikulang pwede nang marinig ang boses ng mga gumaganap. Eh hindi masyadong convinced itong si George, kung maka-pride, wagas! Loyal pa rin sa silent film.

So ang nangyari, nagtayo ng sariling produksyon itong si George... at the same time, sumisikat na ng husto itong si Peppy na magla-launch ng pelikula na hindi na silent film.

Somehow, naging ka-kompetensya na ni George si Peppy...

Panoorin nyo nalang kung ano ang nangyari. Hehehe...

Simple ang pelikula na may simpleng kwento. Dahil silent film nga ito, ang tendency ay tutunganga ka talaga hehehe... I mean, tututukan mo talaga ang mga sumusunod na pangyayari kasi nga baka hindi ka makasunod...

Cute naman, although wala kang dialogue na maririnig, ok na rin...

Comprehensible naman...


This year, sampong nominasyon ang natanggap nito sa Academy Awards. This includes Best Picture, Best Director, Best Actor (Jean Dujardin) at Best Supporting Actress (Bérénice Bejo). Sa palagay ko, kahit di ko pa napapanood ang ibang kalabang pelikula, papaburan ito ng mga hurado ng Oscars. Unang-una, ang setting ng pelikulang ito ay late 1920's, ang panahon kung kailan nagsimulang itaguyod ang Academy sa Hollywood. Para kasing tribute ito sa movie industry. We'll see...

Para naman sa Acting Award, ewan ko kung mananalo sila... LOL... wala kasing salita.. hehehe... Pero who knows?

Dyahe na mag-recommend ng "Silent Film" sa mga friends, pero sa pelikulang ito, hindi ako mahihiyang hikayatin ang mga kaibigan kong panoorin ito... Feel-good kasi...

So ang aking score para sa pelikulang ito ay... jaran!

8.03 out of 10!


Monday, January 23, 2012

Oscars 2012 Movie Review


Na naman! Hehehe... Palitan ko na lang siguro yung blog name ko ng "Oscars Movie Review" kasi tuwing Oscars lang naa-update! LOL