Friday, January 27, 2012

The Artist



Shut up! Bawal magsalita! LOL

Pinili ko talagang unahin itong pelikula na ito para sa aking 2012 Oscars

Review of Nominated Films...

Maganda kasi ang feedback base sa mga nababasa kong news sa internet.

Hmmm.. pwede na. LOL!

At first, medyo worried ako kasi baka tulugan ko lang ito knowing "silent film" ito... Pero in all fairness, hindi ako nainip.

Kumbaga tamang timpla lang ng pagka-slapstick nito, drama and comedy.

Late 1920's ang setting ng pelikula, ang panahon kung kailan pausbong palang ang industriya ng pinilakang-tabing. Bago pa man ma-develop ang "talking" movie ay patok na patok ang mga silent film.

Isa sa mga bituin noon ay ang aktor na si George Valentin (na ginampanan ni Jean Dujardin). Sikat na sikat siya pati na rin ang kanyang aso na artista rin.

Nag-iba ang ihip ng tadhana ng makilala nya ang noon ay isang fan na si Peppy Miller (na ginampanan ni Bérénice Bejo).

Isang avid fan si Peppy na ang tanging pangarap ay maging isang sikat ding artista. Dahil pursigido talaga, naging extra-extra muna siya sa mga pelikula as her stepping stone. (May stepping stone pa talagang nalalaman.. Hehehe)

Ayun, sakto na papalaos ang silent film at dine-develop na ang mga pelikulang pwede nang marinig ang boses ng mga gumaganap. Eh hindi masyadong convinced itong si George, kung maka-pride, wagas! Loyal pa rin sa silent film.

So ang nangyari, nagtayo ng sariling produksyon itong si George... at the same time, sumisikat na ng husto itong si Peppy na magla-launch ng pelikula na hindi na silent film.

Somehow, naging ka-kompetensya na ni George si Peppy...

Panoorin nyo nalang kung ano ang nangyari. Hehehe...

Simple ang pelikula na may simpleng kwento. Dahil silent film nga ito, ang tendency ay tutunganga ka talaga hehehe... I mean, tututukan mo talaga ang mga sumusunod na pangyayari kasi nga baka hindi ka makasunod...

Cute naman, although wala kang dialogue na maririnig, ok na rin...

Comprehensible naman...


This year, sampong nominasyon ang natanggap nito sa Academy Awards. This includes Best Picture, Best Director, Best Actor (Jean Dujardin) at Best Supporting Actress (Bérénice Bejo). Sa palagay ko, kahit di ko pa napapanood ang ibang kalabang pelikula, papaburan ito ng mga hurado ng Oscars. Unang-una, ang setting ng pelikulang ito ay late 1920's, ang panahon kung kailan nagsimulang itaguyod ang Academy sa Hollywood. Para kasing tribute ito sa movie industry. We'll see...

Para naman sa Acting Award, ewan ko kung mananalo sila... LOL... wala kasing salita.. hehehe... Pero who knows?

Dyahe na mag-recommend ng "Silent Film" sa mga friends, pero sa pelikulang ito, hindi ako mahihiyang hikayatin ang mga kaibigan kong panoorin ito... Feel-good kasi...

So ang aking score para sa pelikulang ito ay... jaran!

8.03 out of 10!


No comments: