Natapos ko rin panoorin lahat ng siyam na pelikulang nominado sa pagka-Best Picture sa Academy Awards Night na mangyayari sa Lunes, February 27 (Philippine Time).
Kumpara sa mga nakaraang taon na inisa-isa kong gawan ng movie review entry sa blog kong ito ang mga nominated films, ngayon, hindi ko na magagawa iyon. Busy ako! LOL.
Kaya eto na lang ang summarized movie review ko sa bawat isa:
The Artist
Dahil ito ang una kong pinanood, nagawan ko ito ng movie review entry right after kong panoorin ito. (Click here for the link).
Well, as I've mentioned, maganda ang feedback ng mga movie critic sa pelikulang ito. Dahil silent film ito, medyo may pag-alinlangang panoorin ito sa umpisa pero hindi ka naman bibiguin ng pelikulang ito kung ka-boring-an ang pag-uusapan.
Dahil dyan, ang score ko para sa pelikulang ito ay 8.03 out of 10.
The Help
Help! Help! Help! Hindi ako maka-relate! Joke!
Racial discrimination ang tema ng pelikulang ito. 1960's ang setting at umiikot ang kwento sa mga Black American maids na nakararanas noon ng panlalait at pagkondena sa kanila ng mga iilang White Americans.
Ok na sana ang pelikulang ito pero marami kasing dull moments. LOL!
Pero in all fairness, magaling ang mga negrang nagsisiganap sa pelikula. Sana isinama na rin nila si Oprah! Joke! Masabi lang...
Binibigyan ko ang pelikulang ito ng 7.17 out of 10.
The Descendants
Ito ay kwento ni George Clooney. Joke!
Basta heart-warming ang pelikulang ito. Si George Clooney ay isang Hawaiian na mayaman dahil ang kanilang angkan ay nagmamay-ari ng malaking lupain sa isla. Ngunit subalit datapwat wala siyang problemang pang-pinansyal, siya naman ay nakararanas ng problema sa pamilya, especially to his wife na nakaratay sa banig ng karamdaman (napaka-Tagalog ko naman). Idagdag pa ang kanyang mga anak na medyo sakit sa ulo para sa kanya.
Ang tanong, ano ang lihim ng kanyang asawa bago ito ma-aksidente at ma-coma? Ang sagot, panoorin nyo na lang! Hehehe.
I give this movie a score of 7.32 out of 10.
Moneyball
Ito ay kwento ni Brad Pitt. Joke ulit!
Hayaan na natin ang pelikulang ito. Hindi ko gets. LOL! Basta, ipinaglalaban lang dito ni Brad Pitt ang.... teka, ano nga ba? Wahahaha!
Seriously, ipinaglalaban nya ang sa tingin nya ay mga baluktot na kalakaran sa likod ng larong Baseball. May katuturan ba ang pelikulang ito? Well, kung tatanungin ang mga may hilig sa baseball, baka oo. Pero kung hindi naman kayo mahilig sa baseball at tatanungin nyo ko kung may katuturan ito, panoorin nyo na lang! Hahaha!
Rating ko: 6.66 out of 10!
Hugo
Sa una, mukhang maganda itong pelikula na ito... pero... sige na nga, maganda na. Hahaha! Napilitan...
Maganda kasi ang visual effects ng pelikulang ito. At ang istorya.. seryosong pambata! LOL... Basta, kung bata ang manonood nito, dapat nerdy-nerdy siya para ma-gets nya. Hahaha..
Kwento ito ni Hugo (ano pa nga ba.. hehehe), isang batang naulila at may gustong tuklasin matapos mamatay ang kanyang ama. 1920's ang setting, just like sa pelikulang "The Artist", mukhang binibigyang pugay din nito ang simula ng pinilakang tabing. Yun nga lang, medyo magical ang dating ng pelikulang ito.
Rating: 7.77 out of 10.
Midnight In Paris
Ok naman ang concept ng pelikula. Medyo funny... hehehe. Tulad ng "The Artist" at "Hugo"... may pagka-1920's din ito... Hahaha..
Pero, ang pagiging 1920's nito ay tila isang ilusyon lamang ng bida ng pelikulang ito. Ilusyon nga lang ba? As usual, panoorin nyo na lang! Hehehe...
Umiikot ang kwento sa isang hollywood scriptwriter na si Gil Pender na nagbabakasyon sa Paris kasama ang kanyang fiancée.
One night, isang gabi, hehehe, ay hindi pala.. midnight nga pala. Bigla na lamang siyang nakapaglakbay sa nakaraan, at ang mga ilang tanyag na tao sa larangan ng Arts ay kanyang nakadaum-palad... Pablo Picasso, Salvador Dali, Ernest Hemingway... ayun naging friends sila. Hahahaha...
Ano ang magiging epekto nito sa kanyang buhay-pag-ibig? Well... panoorin nyo na lang! Hahaha!
I give this movie a score of 7.51 out of 10.
The Tree of Life
Experimental ang movie na ito. At ang resulta ng eksperimento ay hindi maganda. Hahaha!
Sobrang di ko na-gets ito! Ipagpaumanhin ako sa mga taong nagustuhan ito pero hindi ko talaga naintindihan kung ano ang connection ng istorya ng buhay ng mga bida sa Big-bang Theory. Hehehe...
Sinayang lang nito ang oras ko at ang kuryente namin. Hehehe.
Rating: 4.86 out of 10!
Extremely Loud & Incredibly Close
Kung gaano kahaba ang title ng pelikulang ito, ganun din kahaba nag pagkainip ko habang pinapanood ito. Hehehe...
Similar ang kwento nito sa Hugo, pero ang setting kasi nito ay after ng 9/11 World Trade Center Bombing. Ang bidang bata rito ay may gusto ring tuklasin tungkol sa namayapang ama dahil nga sa terrorist attack na iyon. Yun na yon! Hahaha
Binibigyan ko ang pelikulang ito ng 6.97 out of 10.
War Horse
Wow! Directed by Steven Spielberg! Pero...
Hindi ko type ang movie na ito! Hahaha. Mas nagustuhan ko pa yung Petrang Kabayo... Hehehe
Pero maganda naman ang pagkakagawa ng pelikula (Bumawi!). Yun nga lang, hindi lang ako na-excite, pampalipas oras lang.
Ok sige, inspirational na ito, sana ma-inspire kayo... Hahaha!
Kwento ito ng isang kabayo na nawalay sa kanyang amo dahil hinihingi ng pagkakataon. Magkikita pa kaya sila somewhere down the road? Panoorin nyo na lang! Hahaha
Rating ko: 7.11 out of 10
So there you have it... Sa next entry ko, magbibigay pa ako ng aking fearful forecast sa gaganaping Academy Awards Night. Magsasa ako eh...
No comments:
Post a Comment