Hindi ba't natural lang sa isang tao na makaramdam ng yamot o "disappointment" lalo na kung hindi niya nakukuha ang mga bagay na gusto niya? Ganun din naman ako. Tao lang ako na nakararamdam ng kakulangan sa pansariling pangangailangan. Hindi ko rin naman maituturing na "selfishness" iyon dahil alam ko sa sarili ko kung ano talaga ang intensyon ko. Minsan, hindi ako naiintindihan kapag umaakto akong tahimik o nakasimangot. Kaagad akong hinuhusgahan na makasarili at walang pakialam sa kapakanan ng iba. Oo, inaamin ko na minsan ay mapag-kwenta ako sa mga bagay na alam kong nai-contribute o naibahagi ko, pero hanggang dun lang naman iyon. Siguro, isang paraan o outlet ko lang naman iyon para maibsan at mabawasan ang pagkainis ko. Pagkatapos noon, wala na. Hindi ko rin naman tatalikuran ang mga responsibilidad ko.
Sa puntong ito at sa sandaling ito, pakiramdam ko talaga na ako ang talo sa situwasyong ito. Ako na hindi pa naman nakakagawa ng malaking kapalpakan na nagpapasakit sa ulo ng mga taong nakapaligid sa akin. Sinasabi ko ito hindi upang magbuhat ng sariling bangko at magmalinis... sinasabi ko ito dahil ito ang nararamdaman ko, ibalato niyo na sa akin kahit ito man lang paniniwala ko.
Sunday, August 12, 2007
Wednesday, August 08, 2007
Hindi ko talaga alam... ewan!
Dapat naman talaga na sa ganitong buwan ay makakaasa tayo ng walang poknat na pagbuhos ng ulan mula sa kalangitan. At least, parang bumalik na sa normal ang ating klima (sana...). Sa kabilang banda, hindi ko rin naman ninanais na magkaroon ng sakuna dulot ng ulan sa mga panahong ito. Sapat lang siguro na mapunan ni Kalikasan ang ating mga pangangailangan upang mabuhay.
*** Kanina, nagdaan na naman ang isang maikling audit sa aming Departamento. Ito ay tungkol naman sa aming paghahanda para sa isang major audit sa Setyembre --ang aming inaasam-asam na OHSAS Certification. Kami ni Miss Debs ang napiling maging coordinator para sa aming Departamento. Hayun, extra aktibidades ito pero wala namang extra honorarium. Well, ok lang naman iyon... sa ngayon! Bukas, ewan...
*** Nabasa na naman ako ng ulan kanina sa pag-uwi. Pambihira! Gayun pa man, hindi pa rin ako mapipilit na magdala ng payong sa pagpasok sa opisina. Ayoko talagang nagdadala ng payong, ewan...
*** Bakit ang dami pa ring asungot na nakapaligid sa akin sa opisina? Ewan!

Saturday, August 04, 2007
Agosto na pala!
Hindi ko namalayan na ika-walong buwan na pala ng taon. Sa sobrang busy ko sa trabaho, ang dami ko na ngayong nakakaligtaang gawin. Una na dyan ay ang pagiging aware sa mga balita sa ating lugar. Ni hindi ko na nga naaabutan ang mga early evening news sa telebisyon. Pangalawa, nakakaligtaan ko lately na magpagupit na ng buhok. Ultimo pagpunta sa gupitan, hindi ko maisinggit sa schedule ko. Ano ba yan, baka magmukha na akong ermitanyo pag hindi ko pa pinagupitan ang buhok kong ito. Pangatlo, hindi na ako nakakapanood ng mga pelikula sa DVD na dati kong hobby. Wala na kasing time para dun eh.
Sabi nga ng isa sa mga katrabaho ko na si Ms. Deborah, feeling nya ay nakakulong siya na parang preso sa tuwing na sa loob kami ng kumpanya. Ganun din yata ang nararamdaman ko ngayon. Idagdag pa ang mga di kaaya-ayang inmates este co-workers na super ganda ng mga pag-uugali.
Kanina, hiyang-hiya ako sa sarili ko matapos kong masambit ang komentong di ko naman talaga intensyong marinig ng ibang taong nakapaligid sa amin habang nasa canteen kami. Wala lang, tinawanan na lang namin ang nangyari kahit marinig pa ako ng isang Manager na hindi ko namalayang nasa kabilang mesa lang pala.
Minsan, iyon ang isa sa mga di ko mapigilang gawin -- ang magbigay ng side comment na hindi namamalayang "all-ears" na pala ang mga taong nakapaligid sa akin.

Subscribe to:
Posts (Atom)