Monday, May 25, 2009

Katrina and Hayden Fever! Aba naman!

Ayoko sanang pumatol sa isyu na ito dahil nakakaumay nang pag-usapan. Pero dahil sa kontrobersyal na isyung ito, may konting effect ito sa mga bagay na nakapaligid sa akin at sa araw-araw na ginagawa ko.

Una, buhat last week, sa tuwing dumadaan ako sa isang kalye dito sa syudad, ay walang poknat ang mga nag-ooffer sa akin ng mga videos na ito... Aba, ang tao nga naman, kung saan pwedeng pagkakitaan, hala sige!

Isa pang kinaaasar ko kasabay sa paglabas ng issue na ito ay ang pangyayari sa trabaho. As usual, involved na naman dito ang aking boss. Ewan ko ba kung tuluyan nang mawawala ang respeto ko sa kanya, pero ang CHEAP-CHEAP nya! Hehehe...

Nung umaga matapos pumutok ang balitang ito, aba sa morning meeting namin, proud pa siyang sabihin na napanood nya na yung 24-minutes (or whatever!) na sex video nila ni Hayden Kho at Katrina Halili. Tanungin pa ako kung napanood ko na raw ba... Aba sa sobrang inis ko, sabi ko napanood ko na rin, matagal na... Aba, hindi nagpatalo ang boss ko at kinontra ako na hindi raw yung "Careless Whisper" ang tinutukoy nya kundi yung bagong video... Aba, sinagot ko naman na, "oo nga, yun nga, yung bago napanood ko na yun..." At natahimik siya! Hahaha...

Honestly, hindi ko pa napanood that time iyon. Hahaha.. Pero nung gabi bago mangyari ang kaepalan ng boss ko, nakita ko na sa isang internet site yung video, pero hindi ko pinley (play).. dahil antok na antok na ako as in...

Pero akala ko, dun matatapos ang inis ko nung araw na iyon. Aba, sa dami-dami ng trabaho nung araw na iyon, wala siyang inatupag kundi ang pagtsismisan ang sex video na iyon. Hinayupak na video yan, nakakapikon na.

Hinayaan ko na lang dahil alam ko namang matitigil din siya sa mga pagmamayabang nya. Tsaka, sana ma-realize nya na nakakadiri ang inaasta nya.. Hahaha.. Ang dami-daming problemang dapat ayusin sa trabaho, sana man lang tulungan nya kami.

Hayan, sa mga taong pumipigil sa akin na umalis na dun sa trabaho ko, sige nga, kung boss nyo ay ganyan, maaatim nyo bang mag-stay pa? Pasalamat siya, wala pa akong nahahanap na mas magandang work!

For the meantime, kailangan ko talagang pagtyagaan ang ganyang klaseng environment. At pinapakita ko talagang kahit toxic ako sa trabaho, hindi ko kailangang maging OA katulad nila... OA sa petiks, at OA sa pagbi-busy-busy-han!

***

Kung sa bagay, bukod sa binabalak kong surprise resignation (hahaha)... may surprise din naman ako sa kanila this coming June! Hehehe...

***

Nag-audit kami sa Office of the President ng kumpanya kanina, nahilo ako!

***

Halos ayokong bumangon kaninang umaga para pumasok sa trabaho dahil unang sumagi sa isip ko yung boss ko na naman, pero nung maalala ko yung mga pending activities ko at mga subordinates ko.. sige na nga! :-)

***

For sure, eepal na naman ang boss ko bukas dahil sa instruction na binigay sa akin ng EVP namin. Naintindihan ko na sir, wag mo nag i-elaborate dahil lalo lang akong mabubwiset!

***

Life is unfair... hindi sa nagbibilang ako ng work.. pero obvious naman ang mga todo-petiks sa tabi-tabi... Tabi-tabi po!

***

Mga bossing, nakakahiya ang nangyaring sagutan nyo sa isang meeting. Hindi na healthy ang argument nyo.. Nakakainis na.

***

Ano na naman kayang ulam sa canteen bukas? Isa na namang malungkot na lunch ang aabangan ko.. babawi na lang ako sa dinner. :-)

***

May mga expats na dumating ngayon galing sa Japan... nasaan ba sila at magtatago ako.. mahirap na at baka...

***



Wednesday, May 20, 2009

Watashi wa Henry Desu!

Ilang linggo ko nang kina-career ang pag-aaral ng Nihonggo online mula sa isang website. Actually, noon pa ako nakikinig ng podcast ng Nihonggo lesson dahil na rin sa impluwensya at araw-araw na pakikisalamuha ko sa mga Hapon sa kumpanya.

Pero nitong nakalipas na linggo nga ay medyo tinotodo ko ang pakikinig sa audio lessons. Siguro dahil na rin sa isang pangyayari na "wala lang".

As in, bigla lang akong nagkaroon ng communication sa dating "kaibigan" na matagal ko nang hindi nakikita at nakakausap.

Since after High School, wala na akong balita buhat sa kanya, not until naisipan at nagbaka-sakali akong i-search ang friendster account nya and voila! Meron nga!

Nalaman ko na nasa Japan pala siya sa pamamagitan ng mga litrato na ibinahagi nya sa account nya. Sumagi tuloy sa isipan ko kung ano ang mga maaaring ginawa nya sa bansa ng mga sakang: nakapag-asawa ng Hapon? Entertainer? Professional? O di kaya Japayuki (kahit hindi ko masyadong alam kung ano ang description nito)?

Well, hanggang hula at mananatiling mistersoyo pansamantala para sa akin ito. Nagbaka-sakali na lang ako na magre-reply siya sa email ko kahit na tila hindi na nya binibisita ang account nya.

Ilang buwan ang lumipas, at nawala na rin siya sa aking isipan. Ngunit sa di inaasahan na pangyayari, nag-reply siya. Huh?! Ah ok...

Nalaman ko na lamang na nandito na pala siya sa Pinas at hinihingi ang cellphone number ko. Walang malisya, binigay ko. Makalipas ang isang araw, nagtext na siya... and guess what? Todo -Nihonggo ang mga pagbati nya. Medyo na-praning ako dun. Hahaha...

So yun, dahil gusto ko rin namang magpa-impress, todo-aral din naman ako sa mga basic expressions ng Nihonggo. Akala nya huh! Hahahaha....

Makipag-kita kaya ako sa kanya? Hahaha... (muling ibalik ba ito? hehehe)...

Well, abangan ko na lang ang susunod na kabanata...

Uyasumi Nasai! Good night everyone! :-)

Wednesday, May 13, 2009

Omedeto!

Just tonight we won the championship of the volleyball game in our annual company sportsfest.

Masaya ako para sa kanila...

At kahit hindi ako naging perfect coach sa kanila, it is enough for me na after this event, they thanked me for everything.

I am really proud of their accomplishments and the camaraderie that they have manifested. True enough, we really had fun and enjoyed every moment we had inside the playing field.

Kaya naman, kanina, I treated them for a dinner and videoke somewhere in the metro. This is another night to remember...

Kahit na lungkot na lungkot na ako sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, ito ang isa sa mga masayang alaala na hindi ko makakalimutan, umalis o mag-stay man ako sa kumpanya.

***

The whole day caused me another set of mixed emotions, especially at work.

Indeed, I am starting to realize that I am now again in a state of perplexities and a dilemma.

Perplexed in a sense that, how's the level of my happiness and satisfaction right now? What I really want to do right now?

Dilemma, because of the fact that in every step I make today, there is a consequence that I should face. Should I go to the left or right direction?

Itutulog ko na lang muna ito....