Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa nangyari. Last Tuesday, august 28, nabanggit ko sa previous entry ko na fiesta sa amin. In fact, while I was composing that blog entry at around 11:30 PM, nasa kwarto ako noon habang ang ibang family members, relatives and family friends ay nandito rin sa amin, nagkakasiyahan, videoke, inuman at kainan. Dahil nga sa ingay at hindi usual na happenings sa bahay, mga ala-una na ako natulog pero ang ilan ay nasa bahay pa rin namin, hindi pa umuuwi especially yung mga kaibigan ng parents ko. Mga isang oras palang akong nahihimbing ay ginising ako ng kapatid ko, may naaksidente raw sa may hi-way palabas sa amin, nagkabungguan daw ang isang truck at isang owner-type jeep, patay ang driver ng owner-type jeep. At ang driver na namatay ay yung isa sa mga kaibigan ng parents ko na kagagaling lang sa bahay namin nung gabing iyon. Siyempre, nagulat ako sa balita. Kani-kanina lang ay nandito siya sa amin, kumanta pa raw sa videoke. Nakarating ang balita sa pamamagitan ng text message ng isa pang family friend na dumaan sa pinangyarihan ng banggaan. So dali-daling sumugod sa ospital ang parents ko para samahan ang iba pa nilang kaibigan na nauna nang pumunta doon. Kaso, huli na nga ang lahat at sumakabilang buhay na ang biktima.
Personally, hindi ko kilala yung tao. Pero nakakalungkot isipin na talagang hindi natin alam kung ano ang kinakaharap natin sa ating buhay. Hindi natin alam kung kailan ang katapusan natin.
Ayon sa mga kwento ng mga taong huling nakahalubilo ng biktima, nagmamadali raw itong umuwi at hindi nga raw nakapag-paalam ng maayos. Mag-isa lang siya sa sasakyan. Ayon naman daw sa kwento ng truck driver, binagalan nya na ang kanyang pag-usad nang makitang sumasalubong sa kanya ang sasakyan ng biktima. Suspetsa tuloy ng nakararami na inaatake na siya noon ng anumang karamdaman nya sa katawan kaya tuluyan ngang hindi nya namaneho ng maayos ang sasakyan. Pero wala talagang makakapagsabi ng tunay na pangyayari dahil nga namayapa na ang biktima.
Sa ngayon, sa tuwing magdaraan ako sa pinagyarihan ng aksidente (flyover sa taas ng NLEX), hindi ko mapigilan ang mangilabot. To think na ang huling tahanan na kanyang tinuntungan ay sa amin. Somehow, nakaka-guilty.
1 comment:
I'm proud ! A man from sisig'country had visiting my blog. Have a good day.
Post a Comment