Wednesday, November 28, 2007

Intensity 3 Earthquake

Medyo nahilo ako sa nangyaring lindol kaninang mga alas dose y media ng tanghali. Nasa opisina ako noon, nakikipagkwentuhan kay Ms. Debs dahil break naman. Magkatabi kasi kami ng table ni Ms. Debs kaya kahit ano na lang ay pinagkukwentuhan namin... Hehehe...

PHOTO Courtesy of GMANews.tv


Buti na lang at wala namang nangyaring di maganda dulot ng paglindol na iyon. Hindi rin naman nagsi-panic ang mga officemate ko, sa katunayan naghahalakhakan pa sila matapos ang lindol dahil pinagtatawanan nila si boss na nagbitiw ng mga pananalitang "Don't Panic!", pero siya itong mukhang ninenerbiyos. Hehehe... Tapos lumabas pa siya ng opisina, akala tuloy nila eh umuwi na siya sa sobrang takot. Hahaha...

Ako naman, nagtaka lang sa EVP naming Japanese na nasa loob din ng aming opisina. Parang wala lang sa kanya ang mga nangyari... siguro eh sanay na siya sa lindol dahil nga earthquake prone din sa bansa nila...

* * *


Mula kahapon, wala ako sa mood. Lunes na lunes eh ang sungit-sungit ko na sa trabaho lalo na sa subordinate ko. Ewan ko, parang naasar lang ako sa pag-absent ng dalawa kong subordinate nung nakaraang sabado, yung isa nagtext na may sakit daw... yung isa naman hindi man lang nagpaalam na mag-aabsent siya, eh siya pa naman yung sub-leader na kapo-promote lang sa term ko. I mean, siya bale yung pinaka-leader ng mga subordinate ko. Kahapon nga, nag-absent yung dalawa at yung sub-leader ko lang ang pumasok (na umabsent nung Saturday)... Ang rason nya sa akin kung bakit di siya nakapag-inform ay dahil hindi daw nagtext yung asawa niya na inutusan nya. Lalo akong naasar kasi yun lang ang dahilan nya, ni hindi nya binanggit sa akin kung ano ang dahilan kung bakit absent siya. Hindi ko na magawang tanungin pa siya dahil inis na nga ako. Ako pa naman, kapag na-bad trip na, hindi na ako makausap ng matino, as in sobrang tahimik lang ako at hindi na mamamansin. Ewan ko ba kung bakit ganun ang ugali ko.

Kanina naman, hindi pa rin pumasok yung dalawang operator ko, yung sub-leader lang ang pumasok, hindi pa rin ako umiimik. Parang nabubwiset lang ako sa mga nangyayari kasi nate-tengga ang aming trabaho. Hindi ko naman sinasabing bawal silang magkasakit, pero hindi ko rin maipaliwanag kung bakit at saang punto ako naba-badtrip.

Bukas, kapag nakumpleto na sila, balak ko sanang mag-set ng forum sa kanila about sa mga absentism nila, pero parang ayoko rin kasi sa totoo lang, masyado akong extreme... tahimik nga ako pero kapag may sinabi, baka makasakit lang ako ng damdamin nila. Bahala na...

Masyado rin kasi akong idealistic, as much as possible ayoko ng may pinapagalitan. Matatanda na kasi kami para malaman kung papaano idisiplina ang sarili, pero mukhang nagkamali ako roon.

Sa oras ng trabaho, wala akong mairereklamo sa kanila dahil masisipag naman sila. Ang ayoko lang talaga eh yung mga pabigla-bigla nilang absent at yung hindi pag-iinform.

I always believe na hindi ang pag-issue sa kanila ng AWOL ay ang kasagutan para madisiplina sila. Honestly, nagwo-worry rin ako na baka lalo silang maging pasaway kapag hinigpitan ko sila. So ang style ko is luwagan sila at sila na mismo ang maka-realize ng mga pagkakamali nila. Pero, mukha ngang nagkamali ako sa pagkakakilala sa kanila. Hindi ko sila gustong i-down dito sa blog ko, I just want to express this kasi wala akong mapagsabihan ng ganito, even in my boss dahil malilintikan lang lalo ang mga subordinates ko. Sana makita naman nila ang pagtatanggol ko sa kanila kahit minsan hindi na tama. Ganun ko pinahahalagan ang "team effort" namin. I always treat them as my teammates more than my subordinates.


Monday, November 26, 2007

Ang wish ko ngayong Pasko ay...


World Peace! Hehehe...

But come to think of it... it's a wish that promotes selflessness, and I am way too serious to tell you that.

Sabi nga ng iba, as our generation becomes modernized, Christmas is becoming more commercialized. I may agree with that, but one specific Christmas Song gives me an alternative view regarding the true meaning of this religious celebration that almost everybody is waiting for, yearly.

And that song is entitled "My Grown Up Christmas List". It may sound "corny" or mushy to others, but for me, it's really a nice Christmas Hymn to listen to this holiday season. The song was sang by different artist singers including Metafour (Pinoy Band), David Foster, Cattski, Monica and Natalie Cole, Kelly Clarkson, etc. Here is the lyrics of the song:


Do you remember me
I sat upon your knee
I wrote to you
With childhood fantasies

Well, I’m all grown up now
And still need help somehow
I’m not a child
But my heart still can dream

So here’s my lifelong wish
My grown up Christmas list
Not for myself
But for a world in need

No more lives torn apart
That wars would never start
and wars would never start
And time would heal all hearts
And everyone would have a friend
And right would always win
And love would never end
This is my grown up Christmas list

As children we believed
The grandest sight to see
Was something lovely
Wrapped beneath our tree

Well heaven only knows
That packages and bows
Can never heal
A hurting human soul

No more lives torn apart
That wars would never start
And time would heal all hearts
And everyone would have a friend
And right would always win
And love would never end
This is my grown up Christmas list

What is this illusion called the innocence of youth
Maybe only in our blind belief can we ever find the truth
(there’d be)

No more lives torn apart
That wars would never start
And time would heal all hearts
And everyone would have a friend
And right would always win
And love would never end, oh
This is my grown up Christmas list

This is my grown up Christmas list


So if anyone tells you that his/her wish for this Christmas is "World Peace", don't laugh. It's actually what we really need this time, because before we can achieve world peace, remember that peace of mind shall come first.

Sunday, November 18, 2007

Beowulf

Pride is the Curse.


We watched Beowulf at SM Clark just awhile ago. As usual, I were with my college friends Elmer and Glenn. Hindi sumipot ang magsing-irog na sina Berns and Marjon. But prior to that, Berns texted me, hahabol na lang daw sila. Ewan ko lang kung paano sila hahabol. Hehehe... Eventually, kaming tatlo lang ang nanood.

About the movie, at first, I thought it would be boring and stale. But surprisingly, the movie somehow blows me away. Ang ganda ng cinematography, and Glenn commented that it was even better than Final Fantasy. I am not a fan of that flick or even the video game itself, so I don't have the idea how "better" it was. Hehehe...

The story of Beowulf is not completely unknown to us. Third Year High School kasi kami noon ay binasa na namin yung story sa aming English Textbook. And I even remember the mask of my former classmate when she portrayed Grendel, a terrifying monster in the story. Haha.. a female classmate portraying a male gigantic monster in their class presentation! But in fairness, she did very well... and that's probably a compliment on her part. LOL!


Back to the movie, Ray Winstone is very good in the movie. Good for him as he will not be counted in my "Lousiest Actors and Actresses" list. Hahaha... Mapanglait talaga ako... Ok naman siya as a warrior and eventually the hero of the Heorot Empire. But I don't think he will be nominated in next year's Academy Awards as Best Leading Actor. Period.


Angelina Jolie played the role of Grendel's Mother... unknown name. And even in the book, I think that her real name was not revealed, not so sure about that fast fact. Anyway, maikli rin naman ang eksena nya sa story. However, she still looked pretty and sexy, though. I just couldn't figure out why in the hell that beautiful sea-creature lady will give birth to a monstrous creature? Fiction, that is. Hahaha...


Fighting Scenes were superb! No doubt about it.

Other characters also did well.

As a whole, enjoy naman ang panonood namin. Medyo bad trip nga lang dahil sa mga taong nasa likod namin na walang ginawa kundi magdaldalan, tawanan at mag-ingay sa loob ng sinehan. Hindi tuloy kami makapag-concentrate sa movie. Asus! Ang laki-laki naman ng SM Clark, kung magdadaldalan lang sila, eh pwedeng-pwede naman sila dun sa parking lot. Hehehe...

So, if I were to rate that movie... I give it 8.25 out of perfect 10. Not bad.

Friday, November 16, 2007

I am starting to like podcasting!

Enjoy naman pala ang podcast and at the same time, very informative. Una, napapakinggan at napapanood ko ang mga latest balita sa CNN. Gamit ko ang iTunes software ko at mga ilang minuto lang, downloaded ko na ang mga news updates mula sa CNN Atlanta Center.

Isa pa, meron akong blogger friend na may regular episode sa kanyang podcast. Actually, tandem sila nung isa nyang officemate na kapwa nagtatrabaho sa isang sikat na newspaper publication sa buong bansa. At yung blogger kong friend ay nakilala ko sa G-blogs, almost two years ago na. Student journalist palang siya noon, at ngayon provincial correspondent na nga siya sa newspaper publication na iyon. Nakakaaliw yung podcast nila, tinext ko nga siya para sabihing nag-eenjoy akong pakinggan ang mga episode nila. If you like to listen to their podcast, eto ang url nila...

http://getbacktowork.podbean.com

Sa ngayon, wala pa akong time gumawa ng sariling podcast ko, next time ko na lang aayusin yung account ko sa podbean... hmm.. ano kayang magandang gawin? hehehe...

Meanwhile, enjoy muna ako sa mga subscription ko sa iba't-ibang podcasts. Pati Foreign Language Podcast ay pinapatulan ko na, baka sakaling matuto ako ng Japanese, Chinese, French at iba't-ibang language. Hehehe...


***

Kalagitnaan na ng Nobyembre, at eksaktong isa't-kalahating buwan na lang ay taong 2008 na. Ang bilis talaga ng panahon. Pero teka, bakit maulan ngayon? Kung sa bagay, kahit nung mga nakaraang taon, ay nakakaranas pa rin tayo ng bagyo sa buwan na ito, and even December. H'wag naman sana ngayong taon.

***

Medyo, pressured ako ngayon sa work. Ang dami kasing pending activities and job goals na dapat kong tapusin pero hindi matapos-tapos dahil sa mga di inaasahang pangyayari. And honestly, minsan ay sinusumpong ako ng sakit na "katam"... as in "katamaran". Hahaha... Pumepetiks din naman ako minsan , pero unlike others , hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para mag-press release na ang dami kong accomplishments pero ang totoo, wala naman. Kakahiya yata yun.

Wednesday, November 14, 2007

Batasan Blast!


Boom na boom! After Glorietta, sa Batasang Pambansa naman. Well, hindi naman daw kagagawan ng mga terorista ang sa Glorietta, pero ito kayang sa Batasan? Actually, while composing this blog entry, breaking news pa itong Batasan Blast. Sabi nga ng Malacanang, h'wag muna daw gumawa ng mga ispekulasyon o haka-haka.


Meanwhile, habang sinusulat ko ito, background ko ang live breaking news coverage ng RMN sa kanilang website kaugnay sa pagsabog na ito kani-kanilang mga alas-otso ngayong gabi...

***

About sa previous entry ko, naasar lang talaga ako sa boss ko dahil hindi siya naniniwala sa data na kinuha ko. After ng 2nd trial, hindi pa rin naniwala! Baka daw hindi pa stabilized ang machine o baka daw hindi pa naka-adapt yung mga specimen sa temperatura ng area. Buwiset.

***
May isa na raw patay na congressman dahil sa pagsabog sa Kongreso. Tsk tsk tsk!

***
Kanina sa opisina, nag-print ako ng 8-page document. Inilapag ko sa mesa ko ang black and white bago ako nag-afternoon break. Pagbalik ko, nawala! Ano ba yan... hanggang alas-sais akong naghahanap kung saan-saan. Ayoko kasi munang mag-print ulit dahil baka makita ko pa, pero wala talaga. May nanggu-good time kaya sa akin?

***
Home-made bomb daw ang sumabog sa Batasan, ayon sa initial report.

***

Speaking of Good Time, dalawang beses na akong nakakatanggap ng small note na isiniksik sa locker ko sa trabaho... mobile number ang nakasulat. Sa pangalawang beses, iba na naman yata yung number. Well, di ko pa rin sinusubukang i-text ang mga number na iyon. At hindi ko na magagawa pa kasi tinapon ko na yung mga notes.

***

Sa mga pangyayaring pagsabog, pinag-iingat ang lahat sa pagpunta sa mga malls at iba pang public places... what!? Ngayon pa na magpa-Pasko! Ang KJ naman ng mga terorista na yan! Good time? I don't think so...


Sunday, November 11, 2007

Gap Measurement

The past week for me was so tiring... Monday palang ay mainit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Hindi naman sa hindi ko kaya ang pressure sa work, pero nakakainis na kasi yung boss ko.

Una, sa section namin in-endorse ang inclusion ng Cell Gap Measurement sa aming Reliability Testing. Naturalmente, kailangang may magturo sa amin kung paano gamitin ang Gap Measuring Machine. Aba aba aba at isa pang aba! Hindi man lang kami tulungan ng boss namin kung kaninong Hapon o Engineer kami makikisuyo upang turuan kami. Ang siste kasi, makikigamit lang kami ng machine na iyon sa kabilang departamento na ubod ng selan tungkol sa paghiram o paggamit ng kanilang ari-arian. Minsan nga, tumawag pa sa akin yung isang staff doon na hitsurang ngipin na tinubuan ng mukha, para lang komprontahin ako kung bakit daw naglagay kami ng mga bagong sticker sa kanilang Meter Boxes nang walang abiso sa kanila. Eh utos lang naman sa akin ng expat nilang Japanese iyon. Hay naku, di ko na pinatulan yung mukhang ngipin na iyon....

Balik sa kwento ko, hayun, todo-sermon ng boss ko sa aming Assistant Supervisor na sinisisi kung bakit walang development sa napipintong training sana namin sa Cell Gap Measurement. Ako naman ay nagagambala habang naririning ang sermon na iyon dahil apektado rin ako. Although hindi ako ang direktang tinitira ng boss namin, syempre kasali ako sa activity na iyon. Kaya dali-dali akong nakipag-ugnayan sa Engineer sa kabilang departamento at ako na ang nakiusap na kung pupwede ay maturuan na kami sa hapong iyon. Madali namang kausap yung Engineer at pumayag siya. Pagbalik ko ng office ay hindi pa rin tapos sa kasesermon ang boss namin sa Assistant Supervisor namin. Nakakaawa na nga siya dahil dumadalas ang pangsa-sabon nito sa kanya, samantalang siya mismo na nanenermon ay sandamakmak din ang mga pagkukulang bilang nakatataas sa amin.

So bandang hapon na ng maturuan kami ng engineer at ni Mr. Furukawa sa loob ng Production Area. Medyo nahirapan kami dahil hindi marunong mag-ingles itong si Furukawa at may bitbit pang interpreter. Pero it turned out pa rin na maayos niya kaming naturuan. Dala-dala na nga namin yung mga specimen na pinapa-measure ng boss namin para may initial data na kami. Sa sampong specimen na dala namin, dalawa doon ay bumagsak o hindi pumasa sa criteria at specification. Eh ang rule pa naman namin sa Reliability ay, kahit isa lang ang bumagsak, "No Good" pa rin ang buong lote...

Hindi kombinsido ang magaling naming boss nang malamang may bumagsak na specimen. Sa reaksyon pa lang nya ay alam ko nang gusto nyang ipaulit ang pagsusukat sa lecheng Cell Gap na yan... So di na ako nagpatumpik-tumpik pa, bumalik ako ng Production at sinuot na naman ang mala-astronaut naming costume kapag pumapasok sa Clean Room Area.

Ang resulta.. bagsak talaga.


***itutuloy***

Monday, November 05, 2007

Kailangan kong mag-ipon!

Sa dalawang taon kong pagta-trabaho, may napansin lang ako... WALA AKONG NAIIPON.

Wala naman akong boarding house na binabayaran, walang anak na sinusustentuhan, walang malaking obligasyon na sinusuportahang pang-pinansyal. Bakit wala talaga akong naiipon?

Hmmm.. let's analyze further. Hindi naman ako matakaw sa pagkain. Hindi naman ako maluho sa damit at personal na kagamitan. Well, hindi nga ba?

Hindi ko rin pala masasabi. Hehehe... Siguro hindi pa ako ganun ka-mature humawak ng salapi. Para kasing dumaraan lang sa mga palad ko ang mga mukha nila Abad-Santos, Escoda, Sotto, Ninoy, Macapagal, Roxas, Osmena at pati na rin si Quezon.

Pero ano nga ba talaga ang pinagkakagastusan ko?

Una, mahilig akong mag-uwi ng mga pasalubong dito sa bahay. Para bang di kumpleto ang pag-uwi ko kapag wala akong bitbit na Yellow Cab Pizza, Sbarro, Go Nuts Donuts, at kung anu-no pang makakain. Sa bagay, at least, I am just being genorous sa mga kasambahay ko na nakikinabang rin naman. Hehehe... Minimize ko muna siguro ito... Sorry mga kasambahay! Hehehe...


Pangalawa, very impulsive pala ako at madaling maakit sa mga nakikita kong mga damit sa malls and stalls. Hindi naman frequent ito pero kapag sinumpong ng pabigla-bigla, talaga namang walang makakapigil sa akin na bilhin ko na iyon, only to realize eventually na pangit pala at di ko bagay ang nabili ko. Pambihira!

Pangatlo, ewan kung bakit lahat yata ng mga kakilala ko sa opisina ay balak kong i-treat kumain sa labas... Ang bait ko naman pala, pero in the end.. hala laspag na ang bulsa at wallet ko. Huhuhu... Well, I am sincere naman sa pagti-treat ko sa kanila, it's just that I just wanna share my blessings.


Iyan siguro ang tatlong pangunahing dahilan kung bakit wala kong naiipon. Dapat siguro ay bawas-bawasan ko na ang mga iyan dahil in the end, whether I like it or not, ako pa rin ang magiging talo.

What if, magbukas ako ng savings account? Next year na lang siguro?! Hahahaha...


Saturday, November 03, 2007

R.I.P.

Peaceful ang 2-day vacation ko. Kahapon kami dumalaw sa sementeryo, as usual, sangkaterbang tao ang nagsipuntahan. Late afternoon na kaming magkakapatid pumunta roon para dalawin ang puntod ng lolo at lola ko.


Puntod ng lolo at lola ko...



Ang mga nakita kong eksena last year, ganun pa rin naman ngayong taon. Tiba-tiba pa rin ang mga tindero na walang habas kung magtaas ng presyo ng kanilang mga paninda. Well, pagbigyan na natin dahil paminsan-minsan lang naman ito. (Talaga lang huh?)






Ang mga jologs ay naglipana pa rin (kasama na ako doon, hehehe). Ang iba naman ay todo-porma na tila naliligaw yata ng pinuntahan. Hala kayo, masisira lang ang porma nyo sa init, siksikan at candle-smelly environment sa loob ng sementeryo. At kung sa sementeryo pa kayo makikipag-eyeball, asus, nakakapangilabot kayo. Hehehe..



***


Noong October 31, Halloween Eve, nag-food trip lang kami nina Bernadette at Elmer sa Sbarro sa SM Clark. Eh wala naman kaming dadaluhan na Costume Party or something related sa Trick or Treat, so naisipan naming lumamon na lang. Hehehe...




.***.


Tomorrow ay may pasok na kami... kakatamad. Bitin ang bakasyon!

Friday, November 02, 2007

We're going to the cemetery....


Sa El Retiro (Dau) nakalibing ang lolo at lola ko... pupunta na kami ngayon doon... Marami kayang tao?