Friday, November 16, 2007

I am starting to like podcasting!

Enjoy naman pala ang podcast and at the same time, very informative. Una, napapakinggan at napapanood ko ang mga latest balita sa CNN. Gamit ko ang iTunes software ko at mga ilang minuto lang, downloaded ko na ang mga news updates mula sa CNN Atlanta Center.

Isa pa, meron akong blogger friend na may regular episode sa kanyang podcast. Actually, tandem sila nung isa nyang officemate na kapwa nagtatrabaho sa isang sikat na newspaper publication sa buong bansa. At yung blogger kong friend ay nakilala ko sa G-blogs, almost two years ago na. Student journalist palang siya noon, at ngayon provincial correspondent na nga siya sa newspaper publication na iyon. Nakakaaliw yung podcast nila, tinext ko nga siya para sabihing nag-eenjoy akong pakinggan ang mga episode nila. If you like to listen to their podcast, eto ang url nila...

http://getbacktowork.podbean.com

Sa ngayon, wala pa akong time gumawa ng sariling podcast ko, next time ko na lang aayusin yung account ko sa podbean... hmm.. ano kayang magandang gawin? hehehe...

Meanwhile, enjoy muna ako sa mga subscription ko sa iba't-ibang podcasts. Pati Foreign Language Podcast ay pinapatulan ko na, baka sakaling matuto ako ng Japanese, Chinese, French at iba't-ibang language. Hehehe...


***

Kalagitnaan na ng Nobyembre, at eksaktong isa't-kalahating buwan na lang ay taong 2008 na. Ang bilis talaga ng panahon. Pero teka, bakit maulan ngayon? Kung sa bagay, kahit nung mga nakaraang taon, ay nakakaranas pa rin tayo ng bagyo sa buwan na ito, and even December. H'wag naman sana ngayong taon.

***

Medyo, pressured ako ngayon sa work. Ang dami kasing pending activities and job goals na dapat kong tapusin pero hindi matapos-tapos dahil sa mga di inaasahang pangyayari. And honestly, minsan ay sinusumpong ako ng sakit na "katam"... as in "katamaran". Hahaha... Pumepetiks din naman ako minsan , pero unlike others , hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para mag-press release na ang dami kong accomplishments pero ang totoo, wala naman. Kakahiya yata yun.

No comments: