The past week for me was so tiring... Monday palang ay mainit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Hindi naman sa hindi ko kaya ang pressure sa work, pero nakakainis na kasi yung boss ko.
Una, sa section namin in-endorse ang inclusion ng Cell Gap Measurement sa aming Reliability Testing. Naturalmente, kailangang may magturo sa amin kung paano gamitin ang Gap Measuring Machine. Aba aba aba at isa pang aba! Hindi man lang kami tulungan ng boss namin kung kaninong Hapon o Engineer kami makikisuyo upang turuan kami. Ang siste kasi, makikigamit lang kami ng machine na iyon sa kabilang departamento na ubod ng selan tungkol sa paghiram o paggamit ng kanilang ari-arian. Minsan nga, tumawag pa sa akin yung isang staff doon na hitsurang ngipin na tinubuan ng mukha, para lang komprontahin ako kung bakit daw naglagay kami ng mga bagong sticker sa kanilang Meter Boxes nang walang abiso sa kanila. Eh utos lang naman sa akin ng expat nilang Japanese iyon. Hay naku, di ko na pinatulan yung mukhang ngipin na iyon....
Balik sa kwento ko, hayun, todo-sermon ng boss ko sa aming Assistant Supervisor na sinisisi kung bakit walang development sa napipintong training sana namin sa Cell Gap Measurement. Ako naman ay nagagambala habang naririning ang sermon na iyon dahil apektado rin ako. Although hindi ako ang direktang tinitira ng boss namin, syempre kasali ako sa activity na iyon. Kaya dali-dali akong nakipag-ugnayan sa Engineer sa kabilang departamento at ako na ang nakiusap na kung pupwede ay maturuan na kami sa hapong iyon. Madali namang kausap yung Engineer at pumayag siya. Pagbalik ko ng office ay hindi pa rin tapos sa kasesermon ang boss namin sa Assistant Supervisor namin. Nakakaawa na nga siya dahil dumadalas ang pangsa-sabon nito sa kanya, samantalang siya mismo na nanenermon ay sandamakmak din ang mga pagkukulang bilang nakatataas sa amin.
So bandang hapon na ng maturuan kami ng engineer at ni Mr. Furukawa sa loob ng Production Area. Medyo nahirapan kami dahil hindi marunong mag-ingles itong si Furukawa at may bitbit pang interpreter. Pero it turned out pa rin na maayos niya kaming naturuan. Dala-dala na nga namin yung mga specimen na pinapa-measure ng boss namin para may initial data na kami. Sa sampong specimen na dala namin, dalawa doon ay bumagsak o hindi pumasa sa criteria at specification. Eh ang rule pa naman namin sa Reliability ay, kahit isa lang ang bumagsak, "No Good" pa rin ang buong lote...
Hindi kombinsido ang magaling naming boss nang malamang may bumagsak na specimen. Sa reaksyon pa lang nya ay alam ko nang gusto nyang ipaulit ang pagsusukat sa lecheng Cell Gap na yan... So di na ako nagpatumpik-tumpik pa, bumalik ako ng Production at sinuot na naman ang mala-astronaut naming costume kapag pumapasok sa Clean Room Area.
Ang resulta.. bagsak talaga.
***itutuloy***
No comments:
Post a Comment