Buti na lang at wala namang nangyaring di maganda dulot ng paglindol na iyon. Hindi rin naman nagsi-panic ang mga officemate ko, sa katunayan naghahalakhakan pa sila matapos ang lindol dahil pinagtatawanan nila si boss na nagbitiw ng mga pananalitang "Don't Panic!", pero siya itong mukhang ninenerbiyos. Hehehe... Tapos lumabas pa siya ng opisina, akala tuloy nila eh umuwi na siya sa sobrang takot. Hahaha...
Ako naman, nagtaka lang sa EVP naming Japanese na nasa loob din ng aming opisina. Parang wala lang sa kanya ang mga nangyari... siguro eh sanay na siya sa lindol dahil nga earthquake prone din sa bansa nila...
* * *
Mula kahapon, wala ako sa mood. Lunes na lunes eh ang sungit-sungit ko na sa trabaho lalo na sa subordinate ko. Ewan ko, parang naasar lang ako sa pag-absent ng dalawa kong subordinate nung nakaraang sabado, yung isa nagtext na may sakit daw... yung isa naman hindi man lang nagpaalam na mag-aabsent siya, eh siya pa naman yung sub-leader na kapo-promote lang sa term ko. I mean, siya bale yung pinaka-leader ng mga subordinate ko. Kahapon nga, nag-absent yung dalawa at yung sub-leader ko lang ang pumasok (na umabsent nung Saturday)... Ang rason nya sa akin kung bakit di siya nakapag-inform ay dahil hindi daw nagtext yung asawa niya na inutusan nya. Lalo akong naasar kasi yun lang ang dahilan nya, ni hindi nya binanggit sa akin kung ano ang dahilan kung bakit absent siya. Hindi ko na magawang tanungin pa siya dahil inis na nga ako. Ako pa naman, kapag na-bad trip na, hindi na ako makausap ng matino, as in sobrang tahimik lang ako at hindi na mamamansin. Ewan ko ba kung bakit ganun ang ugali ko.
Kanina naman, hindi pa rin pumasok yung dalawang operator ko, yung sub-leader lang ang pumasok, hindi pa rin ako umiimik. Parang nabubwiset lang ako sa mga nangyayari kasi nate-tengga ang aming trabaho. Hindi ko naman sinasabing bawal silang magkasakit, pero hindi ko rin maipaliwanag kung bakit at saang punto ako naba-badtrip.
Bukas, kapag nakumpleto na sila, balak ko sanang mag-set ng forum sa kanila about sa mga absentism nila, pero parang ayoko rin kasi sa totoo lang, masyado akong extreme... tahimik nga ako pero kapag may sinabi, baka makasakit lang ako ng damdamin nila. Bahala na...
Masyado rin kasi akong idealistic, as much as possible ayoko ng may pinapagalitan. Matatanda na kasi kami para malaman kung papaano idisiplina ang sarili, pero mukhang nagkamali ako roon.
Sa oras ng trabaho, wala akong mairereklamo sa kanila dahil masisipag naman sila. Ang ayoko lang talaga eh yung mga pabigla-bigla nilang absent at yung hindi pag-iinform.
I always believe na hindi ang pag-issue sa kanila ng AWOL ay ang kasagutan para madisiplina sila. Honestly, nagwo-worry rin ako na baka lalo silang maging pasaway kapag hinigpitan ko sila. So ang style ko is luwagan sila at sila na mismo ang maka-realize ng mga pagkakamali nila. Pero, mukha ngang nagkamali ako sa pagkakakilala sa kanila. Hindi ko sila gustong i-down dito sa blog ko, I just want to express this kasi wala akong mapagsabihan ng ganito, even in my boss dahil malilintikan lang lalo ang mga subordinates ko. Sana makita naman nila ang pagtatanggol ko sa kanila kahit minsan hindi na tama. Ganun ko pinahahalagan ang "team effort" namin. I always treat them as my teammates more than my subordinates.

No comments:
Post a Comment