Magkasing-haba raw kasi ang oras ng araw at gabi sa araw na ito. Naguluhan ka ba? Hehehe...
Anyway, after this day, magsisimula namang humaba ang oras ng araw kumpara sa gabi. Ah basta, yun na yun!
Grabe talaga ang tindi ng init ngayon, ang sarap mag-beach! Eto nga, nag-check ako sa website ng PAGASA at nakita ko kung bakit mainit nga ngayon:
Ernie Baron, can you discuss and elaborate this? Hehehe...
Kitang-kita naman siguro na halos walang kaulap-ulap sa himpapawid ng Pilipinas... walang namumuong Low Pressure Area. Kaya naman asahan na makararanas tayo ng matinding sikat ng araw at maalinsangan na panahon...
Laging tandaan na ang buhay ay weather-weather lang! :-)
Enough of this....
***
Kanina, nagkaroon ng Evacuation Drill Exercise sa aming kumpanya. As usual, scripted lang lahat ang nangyari. Siguro, yung awareness lang ng mga empleyado ang pinapaigting sa mga aktibidades katulad nito. Pero sa oras ng aktwal na sakuna, I believe hindi talaga masusunod ang organisadong pag-eevacuate ng mga empleyado palabas ng kumpanya. Buti na lang at hindi ako napili bilang isa sa mga "Observer" kanina, kung hindi baka okrayin ko talaga ang mga pangyayari kanina. Hahaha. By the way, isa ako sa mga Evacuation Leader kanina. Pagkatapos ng drill, nilapitan ako ng isang Hapon, sabi nya.. "Henry, good job!".... No comment ako. Hahaha.
***
Nasa kalagitnaan kami ngayon ng aming Sportsfest. Kumpara sa ibang departamento, ang sa amin ang isa sa may pinaka-kaunting myembro. So hindi lahat ng palaro ay may entry kami. Basketball Men and Volleyball Women lang ang nabuo naming Team.
Sa Basketball, aba... wala pa kaming.... panalo. Hahaha.. Elimination round pa lang, bokya na. Hehehe.. ANyway, may pag-asa pa sila.
Sa Volleyball women naman, yours truly as their coach, wala pa kaming.. talo! Hahaha.. Ang gagaling ng mga players ko. Sana umabot kami hanggang championship. Hehehe...
Good luck!
Sa Basketball, aba... wala pa kaming.... panalo. Hahaha.. Elimination round pa lang, bokya na. Hehehe.. ANyway, may pag-asa pa sila.
Sa Volleyball women naman, yours truly as their coach, wala pa kaming.. talo! Hahaha.. Ang gagaling ng mga players ko. Sana umabot kami hanggang championship. Hehehe...
Good luck!
***
1 comment:
Nice sports!
Post a Comment