Monday, August 31, 2009

Fair Square sa Harbour Square

Trip trip lang.. from Pampanga, sumugod kami sa MOA at Harbour Square kahapon para mag-dinner at mag-kape! Hahaha...




.
For sure, babalik ako dito... H'wag maging dayuhan, sa sariling bayan. Hehehe

Monday, August 24, 2009

Addict ka ba?

Pagpapahinga ang katatapos na weekends ko, na-extend pa nga hanggang ngayon (Lunes).

Ang sarap!!! Hehehe...

Last Saturday, I attended the meeting of a certain group who really wanted to pursue the 1st Grand Reunion of our High School Batch (1999). Unfortunately, the ultimate organizer of this event is in abroad right now. Pero dahil sa tulong ng teknolohiya, we were able to communicate with her right there and then.. salamat sa Wi-Fi...

Speaking of internet.. I admit addict na yata ako dito.. Hehehe...

Lalo na ngayong buong araw na wala akong pasok, tinodo ko ang pagbrowse ko sa Facebook at Twitter. Tamang-tama naman na ngayong umaga ginanap ang Miss Universe Pageant. Hahaha...

Naalala ko tuloy nung Mayo, trending topic din ang laban ni Pacquiao at Hatton sa Twitter and Facebook, ngayon naman mga nag-gagandahang dilag sa buong universe ang pinag-uusapan kanina. As usual, knock-out kaagad ang Pinas! (Pero in all fairness, maganda si Miss Philippines, buwiset na mga judges yan! Bwiset na Trump yan! "You're fired!" kaagad ang verdict sa kandidata ng Pilipinas)

Bukod sa napakaganda ng Bahamas (maganda pala dun, gusto kong magbakasyon dun, haha!)... at ang pagkanta ni Flo-rida ng kanyang smash hit na "Right Round", lumutang talaga ang ganda ni Venezuela sa lahat. And for the first time daw in history, may bansa na nakakuha ng back-to-back winners ng korona. Ano ba yan, di man lang tayo bigyan kahit isa para naman madagdagan ang atin, panahon pa kasi ng mga lolo natin sa tuhod nung may Pinay na nagwagi. Bwahahaha!

Kaya nga nung in-announce ang top 15, at nalamang walang Pilipinas... balik ako kaagad sa Facebook at Twitter. Hahaha...

Anyway, ito ang ilan sa mga eksena ng ilang mga celebrity sa twitter habang ginaganap ang Miss Universe kanina:


Tuesday, August 18, 2009

Luma... Bago... Luma... Bago... Luma!

LUMA at BAGO

Mahilig talaga ako sa luma... lumang tugtugin, lumang litrato, lumang TV shows, at mga ala-alang niluma na ng panahon.

At sa makabagong panahon ngayon, salamat at muli kong nasisilayan ang mga lumang larawan, muli kong naririnig ang mga lumang tugtugin at muli kong napapanood ang mga lumang panoorin sa telebisyon noon. Salamat sa pagbabago!

Dahil sa tulong ng "bago", ang "luma" ay muling sinasariwa... ang masasayang araw ay muling ginugunita... ang mga di kanais-nais na pangyayari ay muling isinasa-isip upang maging aral sa mga darating pang araw ng ating buhay.


LUMA

Ano ba ang ibig kong tumbukin dito? Ang gusto ko lang sabihin ay hindi lahat ng luma ay corny at baduy. Para sa akin, luma is cool! Hehehe...

Salamat sa Youtube at muli kong napapanood ang mga lumang palabas, patalastas at kung anu-ano pang pangyayari noon sa mundo ng telebisyon at pelikula. Pero sa ngayon, medyo nakukulangan pa ako sa mga uploaded videos doon dahil hindi ko pa mahanap ang ilan sa mga gusto kong panoorin ulit. Demanding ako! Hehehe...

Salamat sa mga website na tampok ang mga "Hard to find songs" dahil muli kong naririnig ang mga lumang tugtugin na mapa-OPM man yan o hindi.

Salamat kay "Old Philippines" ng Facebook dahil muli kong nakikita ang mga larawan na iginuhit ng ating kasaysayan. Salamat din at nakikita ko ang mga "never-before-seen" pictures na ngayon ko lang nakita (kaya nga never before seen, hehehe)...



BAGO

*Hindi na kami bumibili ngayon sa canteen sa kumpanya dahil sa isang occular inspection video na aming napanood. Eeewww!

*Inuulan pa rin ng batikos si PGMA dahil sa kinain nila, para makabawi siya, pwede na sa akin ang Value Meal #1 ng Mcdo sa bawat Pilipino. LOL!



...to be continued...

Wednesday, August 05, 2009

The Yellow Story...

The Late Cardinal Sin, Mother Teresa and President Cory (Philippines Circa 1989)

Special Non-working holiday ngayon pero pumasok pa rin ako. Nagkataon kasi na start of the new month ngayon so maraming monthly report na dapat tapusin.

Hindi ko rin naman gustong pumasok ngayon. Bukod sa gusto kong manood ng funeral service coverage ni President Aquino sa TV, eh yung weather ngayon ay nakakatuksong humiga na lang sa kama buong magdamag.

Pero kailangan talagang pumasok. Sa Saturday na lang ako magli-leave.. hahaha...

Ang ginawa ko eh sinuot ko na lang yung yellow kong damit para makiramay... :-)


***

At dahil nasa opisina ako kanina, di ko napanood yung daytime funeral procession coverage ni Tita Cory. Naka-block din ang internet sa opisina kaya pati Live Streaming eh imposible. Kaya nakiusap na lang ako sa kapatid ko na i-update nya ako through email. Hehehe...

Saktong on the way na ako to go home, nagtext itong si Lea na sinasabing hindi pa nga nakakarating ng Manila Memorial Park ang labi ni Tita Cory... pwede pa akong humabol kako. Hehehe...

***

Pagkarating ko ng bahay eh papasok pa nga lang ng sementeryo ang funeral march ni Cory. So kung mga tanghali nag-umpisa ang martsa, mga pitong oras itinagal ito! Naawa tuloy ako sa apat na soldier na pitong oras na rin daw nakatayo at binabantayan ang kabaong ni Cory. Natawa tuloy ako sa isang comment sa facebook, yung mga sundalo daw na yun ay deserving sa isang Boracay Vacation after ng kanilang duty. Hehehe...

***

Iba na talaga ang teknolohiya ngayon. Kung dati ay humahanga na tayo samga eksenang "Live Via Satellite" ng mga TV Station, ngayon naman ay Live Streaming with instant chatting ang "in".
Tulad ng libing ni Michael Jackson, nagkaraoon ng free live streaming ang webpage ng CNN in partnership with Facebook. Ngayon naman, kailangang magpasalamat ang mga Pinoy abroad (na walang TFC or GMA Pinoy TV) dahil sa Free Live Streaming ng GMA website, in partnership with Facebook din.

Pero in all fairness (hindi ako certified kapamilya o certified kapuso), mas nagustuhan ko ngayon ang coverage ng channel 2. Mas nagandahan ako sa mga shots nila (palipat-lipat ako ng channel pati live streaming chine-check ko, hehehe).. in the end, I sticked to channel 2. Yun lang.


Screen Shot sa Live Streaming sa Funeral Service ni Cory kanina...

***

Sa pagtatapos kanina ng ABS-CBN coverage, pinatugtog nila ulit yung kinanta ni Lea Salonga, I think sa Funeral Mass kanina sa Manila Cathedral.

Nagustuhan ko yung rendition ni Lea dito ng "Bayan Ko"... Dali-dali kong hinanap sa Youtube pero di ko pa nakita. Pero nakita ko siya sa website ng GMA News.. eto yung link:

http://www.gmanews.tv/video/45850/Lea-Salonga-sings-%27Bayan-Ko%27-at-requiem-Mass-for-Cory

Enjoy watching!Screen Shot lang ito! Hehehe


Saturday, August 01, 2009

Tie a yellow ribbon...

Wala kaming oak tree sa bakuran.. hehehe...

Kidding aside, nakikidalamhati naman ako kahit papaano sa pamilya Aquino sa pagpanaw ng ating dating Pangulong Corazon Aquino....

***
Kahapon, pagkalabas ko ng opisina, napansin ko na sa mga kalsada ang dilaw na ribbon na nakatali sa mga poste... well, marami talaga ang nagmamahal sa ating dating Pangulo...

Bakit nga ba yellow ribbon? Favorite daw kasi ni Ninoy yung kantang "Tie A Yellow Ribbon..." by Tony Orlando Dawn na sumikat mula nung 1970's. Kahit hindi pa ako nabubuhay ng 70's, gustung-gusto kong nakakarinig ng mga ganyang klaseng kanta...

***
Yesterday also, we went to Mae's home, naki-fiesta sa Manibaug, Porac.. Hehehe.. tsarap tsarap ng chibog! Sa uulitin, Mae! Hehehe...

***
End of the month, Start of the new month... ang ibig sabihin nito: TOXIC!!!

***

Maulan ngayon. Ito ay dahil sa kasalukuyang tropical storm na si Jolina... hayan... chuva-chuchu siya ngayon sa Luzon.. hehehe..

***

Alam ko late reaction na ito pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang ilang mga katagang isinambit ni PGMA sa kanyang SONA... hehehe.. idol ko talaga kahit kailan ang mga speech nya... (read: Speech lang nya!) Hahaha...

If you really want something done, just do it. Do it hard. Do it well. Don't pussyfoot. Don't pander. Don't say bad words in public.