Mahilig talaga ako sa luma... lumang tugtugin, lumang litrato, lumang TV shows, at mga ala-alang niluma na ng panahon.
At sa makabagong panahon ngayon, salamat at muli kong nasisilayan ang mga lumang larawan, muli kong naririnig ang mga lumang tugtugin at muli kong napapanood ang mga lumang panoorin sa telebisyon noon. Salamat sa pagbabago!
Dahil sa tulong ng "bago", ang "luma" ay muling sinasariwa... ang masasayang araw ay muling ginugunita... ang mga di kanais-nais na pangyayari ay muling isinasa-isip upang maging aral sa mga darating pang araw ng ating buhay.
LUMA
Ano ba ang ibig kong tumbukin dito? Ang gusto ko lang sabihin ay hindi lahat ng luma ay corny at baduy. Para sa akin, luma is cool! Hehehe...
Salamat sa Youtube at muli kong napapanood ang mga lumang palabas, patalastas at kung anu-ano pang pangyayari noon sa mundo ng telebisyon at pelikula. Pero sa ngayon, medyo nakukulangan pa ako sa mga uploaded videos doon dahil hindi ko pa mahanap ang ilan sa mga gusto kong panoorin ulit. Demanding ako! Hehehe...
Salamat sa mga website na tampok ang mga "Hard to find songs" dahil muli kong naririnig ang mga lumang tugtugin na mapa-OPM man yan o hindi.
Salamat kay "Old Philippines" ng Facebook dahil muli kong nakikita ang mga larawan na iginuhit ng ating kasaysayan. Salamat din at nakikita ko ang mga "never-before-seen" pictures na ngayon ko lang nakita (kaya nga never before seen, hehehe)...
BAGO
*Hindi na kami bumibili ngayon sa canteen sa kumpanya dahil sa isang occular inspection video na aming napanood. Eeewww!
*Inuulan pa rin ng batikos si PGMA dahil sa kinain nila, para makabawi siya, pwede na sa akin ang Value Meal #1 ng Mcdo sa bawat Pilipino. LOL!
...to be continued...
*Inuulan pa rin ng batikos si PGMA dahil sa kinain nila, para makabawi siya, pwede na sa akin ang Value Meal #1 ng Mcdo sa bawat Pilipino. LOL!
...to be continued...
1 comment:
ahee..nakuha ko ang punto mo.napadaan sa blog mo.
Post a Comment