Special Non-working holiday ngayon pero pumasok pa rin ako. Nagkataon kasi na start of the new month ngayon so maraming monthly report na dapat tapusin.
Hindi ko rin naman gustong pumasok ngayon. Bukod sa gusto kong manood ng funeral service coverage ni President Aquino sa TV, eh yung weather ngayon ay nakakatuksong humiga na lang sa kama buong magdamag.
Pero kailangan talagang pumasok. Sa Saturday na lang ako magli-leave.. hahaha...
Ang ginawa ko eh sinuot ko na lang yung yellow kong damit para makiramay... :-)
***
At dahil nasa opisina ako kanina, di ko napanood yung daytime funeral procession coverage ni Tita Cory. Naka-block din ang internet sa opisina kaya pati Live Streaming eh imposible. Kaya nakiusap na lang ako sa kapatid ko na i-update nya ako through email. Hehehe...
Saktong on the way na ako to go home, nagtext itong si Lea na sinasabing hindi pa nga nakakarating ng Manila Memorial Park ang labi ni Tita Cory... pwede pa akong humabol kako. Hehehe...
Saktong on the way na ako to go home, nagtext itong si Lea na sinasabing hindi pa nga nakakarating ng Manila Memorial Park ang labi ni Tita Cory... pwede pa akong humabol kako. Hehehe...
***
Pagkarating ko ng bahay eh papasok pa nga lang ng sementeryo ang funeral march ni Cory. So kung mga tanghali nag-umpisa ang martsa, mga pitong oras itinagal ito! Naawa tuloy ako sa apat na soldier na pitong oras na rin daw nakatayo at binabantayan ang kabaong ni Cory. Natawa tuloy ako sa isang comment sa facebook, yung mga sundalo daw na yun ay deserving sa isang Boracay Vacation after ng kanilang duty. Hehehe...
***
Iba na talaga ang teknolohiya ngayon. Kung dati ay humahanga na tayo samga eksenang "Live Via Satellite" ng mga TV Station, ngayon naman ay Live Streaming with instant chatting ang "in".
Tulad ng libing ni Michael Jackson, nagkaraoon ng free live streaming ang webpage ng CNN in partnership with Facebook. Ngayon naman, kailangang magpasalamat ang mga Pinoy abroad (na walang TFC or GMA Pinoy TV) dahil sa Free Live Streaming ng GMA website, in partnership with Facebook din.
Pero in all fairness (hindi ako certified kapamilya o certified kapuso), mas nagustuhan ko ngayon ang coverage ng channel 2. Mas nagandahan ako sa mga shots nila (palipat-lipat ako ng channel pati live streaming chine-check ko, hehehe).. in the end, I sticked to channel 2. Yun lang.

Sa pagtatapos kanina ng ABS-CBN coverage, pinatugtog nila ulit yung kinanta ni Lea Salonga, I think sa Funeral Mass kanina sa Manila Cathedral.
Nagustuhan ko yung rendition ni Lea dito ng "Bayan Ko"... Dali-dali kong hinanap sa Youtube pero di ko pa nakita. Pero nakita ko siya sa website ng GMA News.. eto yung link:
http://www.gmanews.tv/video/45850/Lea-Salonga-sings-%27Bayan-Ko%27-at-requiem-Mass-for-Cory

No comments:
Post a Comment