Pagpapahinga ang katatapos na weekends ko, na-extend pa nga hanggang ngayon (Lunes).
Ang sarap!!! Hehehe...
Last Saturday, I attended the meeting of a certain group who really wanted to pursue the 1st Grand Reunion of our High School Batch (1999). Unfortunately, the ultimate organizer of this event is in abroad right now. Pero dahil sa tulong ng teknolohiya, we were able to communicate with her right there and then.. salamat sa Wi-Fi...
Speaking of internet.. I admit addict na yata ako dito.. Hehehe...
Lalo na ngayong buong araw na wala akong pasok, tinodo ko ang pagbrowse ko sa Facebook at Twitter. Tamang-tama naman na ngayong umaga ginanap ang Miss Universe Pageant. Hahaha...
Naalala ko tuloy nung Mayo, trending topic din ang laban ni Pacquiao at Hatton sa Twitter and Facebook, ngayon naman mga nag-gagandahang dilag sa buong universe ang pinag-uusapan kanina. As usual, knock-out kaagad ang Pinas! (Pero in all fairness, maganda si Miss Philippines, buwiset na mga judges yan! Bwiset na Trump yan! "You're fired!" kaagad ang verdict sa kandidata ng Pilipinas)
Bukod sa napakaganda ng Bahamas (maganda pala dun, gusto kong magbakasyon dun, haha!)... at ang pagkanta ni Flo-rida ng kanyang smash hit na "Right Round", lumutang talaga ang ganda ni Venezuela sa lahat. And for the first time daw in history, may bansa na nakakuha ng back-to-back winners ng korona. Ano ba yan, di man lang tayo bigyan kahit isa para naman madagdagan ang atin, panahon pa kasi ng mga lolo natin sa tuhod nung may Pinay na nagwagi. Bwahahaha!
Kaya nga nung in-announce ang top 15, at nalamang walang Pilipinas... balik ako kaagad sa Facebook at Twitter. Hahaha...
Anyway, ito ang ilan sa mga eksena ng ilang mga celebrity sa twitter habang ginaganap ang Miss Universe kanina:
No comments:
Post a Comment