Tuesday, September 29, 2009

It's Marquee Day!

So ngayong araw na ito ay first time kong pumasok sa pinakamalapit na mall sa aming bahay.

Nasiyahan naman ako kahit papaano.. hehehe... bonding moments with my parents, 2 of my siblings, may brother-in-law, and my nephew...

Nahilo lang ako ng kaunti sa Metro Supermarket dahil na rin nagsipagdagsaan ang mga tao ngayong araw, opening day din nya ngayon. Sayang nga at hindi kami nakahabol sa first 250 customer na magpu-purchase worth P1000 and above dahil may libreng isang sakong bigas. Hahaha.. mahirap na ang buhay ngayon.

Kitang-kita nga na sa kabila ng kahirapan ng buhay ngayon, eto ang mga mall na nagsisipagtayuan sa aming syudad. I just wonder, mayayaman ba ang mga taga-Angeles? Kasi, I'm just trying to figure it out, sino ba ang mga target customer ng mall na ito?

SM is very known for its "pang-masa" image.. and this Marquee Mall, if my basis is the design of the mall infrastructure, the stalls and over-all appearance (hehehe).. masasabi kong medyo angat ito sa SM.. Well ofcourse, meron pa rin naman ditong Jollibee, Mcdo at ilang pang-masa. Pero marami kasing stalls na meron sa Marquee pero wala sa SM Clark.

Also, yung building design ng SM Clark, symmetrical baga. While in Marquee, medyo may kaartehan ng kaunti.

Ok rin ang cinemas ng Marquee, yun nga lang maliit lang at walang orchestra, well isa sa apat palang naman na movie house ang pinasukan ko.

Speaking, we watched awhile ago the movie "In My Life". Vilmanian kasi nanay ko.. hehehe.. In all fairness, maganda naman ang movie. At least kahit paminsan-minsan nakaka-appreciate ako ng Pinoy movie like the recent hit of Eugene Domingo, Kimmy Dora. Hahaha. I really like that movie.

Anyway, eto ang ilan sa mga picture-picture ko kanina sa Marquee:
Hayun yung bahay namin oh! Hehehe



1 comment:

Mar C. said...

baka naman po pwedeng vote nyo si taympers, konting tulong lang po. http://www.philippineblogawards.com.ph/2009/10/01/vote-now-for-the-2009-bloggers-choice-special-award/