Sunday, March 07, 2010

My Final Prediction: 82nd Academy Awards




Walang pakialamanan... eto ang aking prediksyon base kay Madam Auring, este base sa napanood kong sampung pelikula na nominado ngayong taon sa Oscars.


#10: District 9 (Score: 5.35)

#9: A Serious Man (Score: 6.44)

#8: The Blind Side (Score: 6.5)


#7: An Education (Score: 6.575)

#6: Up (Score: 6.9)







#5: Up in the Air (Score: 7.13)






#4: Precious (Score: 7.523)






#3: Inglourious Basterds (Score: 8.22)








#2: The Hurt Locker (Score: 8.41)







#1: Avatar (Score: 8.99)





Avatar


Walang duda. Angat ang pelikulang ito sa 9 na natitirang kalaban nito sa Oscars bukas. Pero bilog ang bola, pwedeng pa ring makuha ng "The Hurt Locker", hehehe...


Hindi ko na kailangan pang ibigay ang synopsis nito dito dahil blockbuster ang movie na ito. Hehehe.. alam nyo na yan.


Although walang nominations for acting awards ang pelikulang ito, bumawi naman ito sa technical awards nomination such as Visual Effects, Sound Editing, Sound Mixing, Film Editing, Director (James Cameron) and Art Direction.

Ang lesson na mapupulot sa movie na ito... wala lang! Hahaha.. Joke! Basta alam nyo na rin yan! Hehehe...

My final grade for this movie: 8.99 out of 10!

Saturday, March 06, 2010

Up in the Air

Look up in the air! It's a bird!, No, it's a plane! Yes, it is. Hehehe...

Light ang movie, sa sobrang light, nilipad ako. Hehehe...

Ang kwento ay umiikot sa buhay ni Ryan Bingham, isang traveler, na ang trabaho ay mag-conduct ng mga seminars sa mga company around the United States. Pero hindi lang ordinaryong seminar ang binibigay nya tulad ng motivational speeches, etc. , pati ang pagsasabi personally sa mga empleyado na sila'y tigbak na sa kumpanya ay ginagawa nya. In short, kinukuha siya ng mga company na takot i-announce sa mga empleyado na sila'y lay-off na. Parang tanga, may ganun pala. Hahaha.



But despite the prestige and privilege of Ryan to travel around the US, to stay in some 5-star hotels, and being able to achieve his personal goal such as to achieve ten million frequent flyer miles, parang may kulang pa rin sa buhay nya.

He had a casual relationship to a woman, and a traveler also, named Alex. At first, walang problema sa pagsasama nila, pero in the end, walang lihim na hindi mabubunyag! Hehehe...

As he travels around the USA, he realizes that he is also traveling the journey of life. He met Natalie, a co-worker na sa una'y parang taliwas ang kanyang idealism kumpara sa kanya.

Because of traveling, he also had the chance to attend to his younger sister's wedding, na muntik pang hindi natuloy dahil sa isang pangyayari.

Pero kahit na mukhang marami naman siyang nakakahalubilong tao, at the end of the day, pakiramdam pa rin nya ang pagiging lonely.

Ang lesson ng movie, well, hindi ko alam. Hahaha... Life must go on?.. hahaha!

Aside from being nominated as Best Picture sa darating na Oscars, eto pa ang mga nakuha nitong nominations:

Best Actor para kay George Clooney
Best Supportung Actress para kina Vera Farmiga and Anna Kendrick
Best Director
Best Adapted Screenplay

My final say: 7.13 out of 10!

Friday, March 05, 2010

District 9


Siguro para sa iba, astig ang pelikulang ito, pero para sa akin... Por Diyos Por Santo! Nominated ito sa Oscars??!!

Sa umpisa palang, hilong-hilo na ako. Ang likot ng camera! Hehehe...

Anyway, ganito ang istorya nito: isang mothership ng mga alien ang lumutang sa himpapawid ng South Africa, only to find out na punung-puno ng mga panget na alien ang loob. Stranded ang mga damuho! So ang solusyon ng ating earth ay bigyan sila ng isang espasyo sa ating planeta para maging refugee pansamantagal este pansamantala. Tinawag itong District 9. Ewan kung bakit ganun ang tawag, na-miss ko yata ang explanation. Hehehe..

Kaya lang, kung sa tao ay may masasamang nilalang, meron din sa mga alien. Kaya medyo nag-alburoto sa galit ang mga nasa katabing area ng District 9 dahil nangangamba silang maghahasik ng lagim ang ilan sa mga alien.

Hay nako, inaantok na ako para ikwento pa ng buo ito. Basta isang Multinational United field operative ang in-assign para makisalamuho sa mga alien na ito. Siya ay si Wikus van de Merwe, na nakatokang magbigay ng notices personally sa mga alien na ito na kailangan na nilang ma-relocate sa ibang distrito.

Pero dahil sa hindi inaasahang aksidente (kaya nga aksidente eh), isang klase ng fluid na galing sa mga alien ang nawisik sa mukha niya. Good luck, naging alien din siya.

So dun na nagsimula ang napakagulong kwento nito! Hahaha...

Basta panoorin nyo na lang!

Other nominations na nakuha nito sa Oscars:

Best Adapted Screenplay
Best Film Editing
Best Visual Effects

Para matapos na ang composition kong ito, bigay ko na ang final score ko sa movie na ito:

5.35 out of 10 for the effort!

PS: Hindi lang pala ako nahilo sa movie na ito, nasuka at nandiri rin ako...

Thursday, March 04, 2010

A Serious Man

Parang mas akma kung ang titulo ng pelikulang ito eh "A Serious Problem".. or should I say, Serious Problems!


Seryoso, hindi ako naka-relate sa napaka-seryosong movie na ito! Hehehe... Although may mga scenes na ang sa pagkakaalam ko eh may mga "pun intended", dahil nga hindi ako nakaka-relate, wala lang, hindi ako natatawa. Hahaha!

Unang-una, hindi ako masyadong oriented sa Jewish Religion, which was being introduced entirely in the movie. Sa una palang, na-weirduhan na ako. Can somebody out there explain to me the connection of that "early 20th century scene" to the 1960's main plot of the movie? Hindi ko talaga ma-gets as of now.

Pangalawa, dahil nga modern(?) Jewish Culture mostly ang eksena, may mga terminology na hindi ko alam. Kailangan ko pa talagang i-google ang mga salitang dybbuk at bar mitzvah, rabbi lang yata ang alam ko. Hehehe...

Pangunahing bida sa pelikulang ito ay si Larry Gopnik, a Jewish college professor of Physics, na sinalo halos lahat ng problema sa buhay --pamilya, trabaho at pera.

Masyadong masalimuot ang istorya para ilathala ko pa dito. Hehehe... Panoorin nyo na lang!

Basta ang interpretasyon ko sa movie na ito ay ganito lang: Gaano man karami ang mga problemang dumarating sa buhay natin, wag masyadong seryosohin, malay mo biglang dumating ang oras na sa isang iglap lang, dadalhin lahat ng tornado ang mga problema mo at walang ititira sa'yo! Hahaha! Basta intindihin nyo na lang! Hehehe!

Pero seriously speaking again, kung ako lang ang isa mga hurado sa Oscars, laglag ito sa Top 5. Kaya lang, hindi ako hurado kaya sorry na lang sa akin. Feeling hurado lang. Hahaha!

Other than being a Best Picture nominee, isa lang ang nakuha nitong nominasyon sa Oscars -- Best Original Screenplay. Ok, original kung original ang script... that's why hindi ako naka-relate! Hahaha!

Eto ang score ko sa movie na ito: 6.44 out of 10!

Wednesday, March 03, 2010

Inglourious Basterds

Kill Bill ba ito? Hehehe...

Kumusta naman ang mga katarantaduhan ni Quentin Tarantino? Haha!

Naaliw ako sa pelikulang ito. Pero hindi ko alam kung anong moral ang mapupulot ko rito. Lol! Iba talaga ang Oscars, mahilig din sa brutal!


1940's ang setting ng pelikula, panahon ng gyera, panahon ni Hitler. Sa nguso ni Hitler! Pero ibahin nyo ito sa pelikulang The Sound of Music dahil isa rin ito sa magbibigay ng matinding stress sa kung sino man ang makakapanood nito. Hahaha! At hindi sound of music ang maririnig dito kundi sound of killing! Hehehe...

Masyadong kumplikado ang istorya, may mga oras na puro satsat ang eksena. Kung magpapatayan, magbarilan na! Pinapatagal pa eh. Hehehe.

Istorya din ito ng paghihiganti. Galing sa Jewish Dreyfus family si Shosanna, na sa unang bahagi pa lang ng pelikula ay pinagpapatay na ang kanyang pamilya ng mga German soldiers. Syempre nakatakas siya. Hanggang sa kalaunan ay nagpanggap siya bilang Emmanuelle, upang ipursige ang paghihiganti.

Sa kabilang banda, isang grupo ang binuo ni Lt. Aldo Raine (Brad Pitt) para paghigantihan ang mga German soldiers, including the father of all evil este German Empire, si Hitler. Ang grupo ay tinawag na Basterds na binubuo ng mga Jewish-American soldiers.

Kapag ang kwento ay punung-puno ng paghihiganti, kaakibat nito ay ang punung-puno ng mga katrayduran. Haha!

Siguro, ang moral lesson talaga dito ay ganire: Kung gusto mong mag-traydor, siguraduhing wag makipag-alyansa sa isa pang traydor dahil sa bandang huli, mag-uunahan lang kayong mag-trayduran sa isa't-isa. Ang gulo! lol!

Other nominations ng pelikulang ito sa Oscars bukod sa Best Picture ay ang mga sumusunod:

Best Supporting Actor para kay Christoph Waltz – as Col. Hans Landa
Best Original Screenplay
Best Director para kay Quentin Tarantino
Best Sound Mixing and Editing
Best Cinematography
Best Film Editing


My final score sa movie na ito: 8.22 out of 10!

Post Script: Gusto mo bang magkaraoon ng swastika sa noo? Hahaha! Yun lang...

Tuesday, March 02, 2010

The Hurt Locker

Before I watched this film, I thought it was a Love-Story-War Movie like Pearl Harbor... hindi pala. War movie lang pala! Hehehe...


Nakaka-stress ang pelikula! Pero I enjoyed it, kahit papaano. Yun nga lang, parang hindi ako nakahinga ng maayos kanina habang pinapanood ito. Hehehe... Ang dami kasing di makapigil hiningang eksena, imagine-in mo na lang na ikaw ang nakatokang mag-detonate ng isang bomba, and worse sa isang suicide bomber.

Yep, ang kwento ay umikot sa buhay ng isang militar na si Sgt. William James, isang expert sa pagde-detonate ng mga improvised explosive device sa Baghdad, Iraq. Taong 2004 ang istorya kasabay ng pag-atake ng US sa bansang Iraq dahil sa pangambang nagtatago ito ng mga Weapons of Mass Destruction.

Syempre, hindi maituturing na War Movie ito kung walang mamatay. Hehehe. May barilan, bombahan, sunugan, murahan.. name it. But in all fairness, hindi naman ito kasing brutal ng mga ibang War Movies na napanood ko na, in my opinion huh.

May puso rin naman ang pelikula (naks!)... meron ding atay, balun-balunan, and of course, maraming dugo na mapapanood dito! Hehehe...

Kidding aside, what I mean is, may drama rin naman ito... pamilyadong tao si Sgt. William James na naho-home sick at iniisip din ang kalagayan ng kanyang asawa at anak back in the USA.

Parang ganito lang ang mensahe ng pelikula: gawin mo ang gusto mong gawin sa buhay mo! Kahit iwanan mo pa ang pamilya mo! Hahaha... kawawa naman si baby... panoorin nyo na lang nang malaman nyo kung ano yung mga pinagsasasabi ko dito.. hehehe.

Nominated for Best Picture in this year's 82nd Academy Awards, I believe malakas ang laban nito. Pero engot kasi itong producer ng pelikulang ito, may violation daw na ginawa sa Akademya... nagpakalat daw ng email sa mga judges asking to vote for the movie, eh bawal daw yun. Ewan ko lang kung ano ang kahihinatnan ng pelikulang ito. I believe it deserves an award, though.


Other nominations ng pelikula sa darating na Oscars:

Best Director
Best Actor para kay Jeremy Renner na gumanap kay Sgt. William James
Best Original Screenplay
Best Original Score
Best Sound Editing and Mixing
Best Cinematography
Best Film Editing

And my rating to this movie: 8.41 out of 10.

Post Script: The title is slang for being injured in an explosion, as in 'they sent him to the hurt locker'.