Friday, March 05, 2010
District 9
Siguro para sa iba, astig ang pelikulang ito, pero para sa akin... Por Diyos Por Santo! Nominated ito sa Oscars??!!
Sa umpisa palang, hilong-hilo na ako. Ang likot ng camera! Hehehe...
Anyway, ganito ang istorya nito: isang mothership ng mga alien ang lumutang sa himpapawid ng South Africa, only to find out na punung-puno ng mga panget na alien ang loob. Stranded ang mga damuho! So ang solusyon ng ating earth ay bigyan sila ng isang espasyo sa ating planeta para maging refugee pansamantagal este pansamantala. Tinawag itong District 9. Ewan kung bakit ganun ang tawag, na-miss ko yata ang explanation. Hehehe..
Kaya lang, kung sa tao ay may masasamang nilalang, meron din sa mga alien. Kaya medyo nag-alburoto sa galit ang mga nasa katabing area ng District 9 dahil nangangamba silang maghahasik ng lagim ang ilan sa mga alien.
Hay nako, inaantok na ako para ikwento pa ng buo ito. Basta isang Multinational United field operative ang in-assign para makisalamuho sa mga alien na ito. Siya ay si Wikus van de Merwe, na nakatokang magbigay ng notices personally sa mga alien na ito na kailangan na nilang ma-relocate sa ibang distrito.
Pero dahil sa hindi inaasahang aksidente (kaya nga aksidente eh), isang klase ng fluid na galing sa mga alien ang nawisik sa mukha niya. Good luck, naging alien din siya.
So dun na nagsimula ang napakagulong kwento nito! Hahaha...
Basta panoorin nyo na lang!
Other nominations na nakuha nito sa Oscars:
Best Adapted Screenplay
Best Film Editing
Best Visual Effects
Para matapos na ang composition kong ito, bigay ko na ang final score ko sa movie na ito:
5.35 out of 10 for the effort!
PS: Hindi lang pala ako nahilo sa movie na ito, nasuka at nandiri rin ako...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment