Kill Bill ba ito? Hehehe...
Kumusta naman ang mga katarantaduhan ni Quentin Tarantino? Haha!
Naaliw ako sa pelikulang ito. Pero hindi ko alam kung anong moral ang mapupulot ko rito. Lol! Iba talaga ang Oscars, mahilig din sa brutal!
1940's ang setting ng pelikula, panahon ng gyera, panahon ni Hitler. Sa nguso ni Hitler! Pero ibahin nyo ito sa pelikulang The Sound of Music dahil isa rin ito sa magbibigay ng matinding stress sa kung sino man ang makakapanood nito. Hahaha! At hindi sound of music ang maririnig dito kundi sound of killing! Hehehe...
Masyadong kumplikado ang istorya, may mga oras na puro satsat ang eksena. Kung magpapatayan, magbarilan na! Pinapatagal pa eh. Hehehe.
Istorya din ito ng paghihiganti. Galing sa Jewish Dreyfus family si Shosanna, na sa unang bahagi pa lang ng pelikula ay pinagpapatay na ang kanyang pamilya ng mga German soldiers. Syempre nakatakas siya. Hanggang sa kalaunan ay nagpanggap siya bilang Emmanuelle, upang ipursige ang paghihiganti.
Sa kabilang banda, isang grupo ang binuo ni Lt. Aldo Raine (Brad Pitt) para paghigantihan ang mga German soldiers, including the father of all evil este German Empire, si Hitler. Ang grupo ay tinawag na Basterds na binubuo ng mga Jewish-American soldiers.
Kapag ang kwento ay punung-puno ng paghihiganti, kaakibat nito ay ang punung-puno ng mga katrayduran. Haha!
Siguro, ang moral lesson talaga dito ay ganire: Kung gusto mong mag-traydor, siguraduhing wag makipag-alyansa sa isa pang traydor dahil sa bandang huli, mag-uunahan lang kayong mag-trayduran sa isa't-isa. Ang gulo! lol!
Other nominations ng pelikulang ito sa Oscars bukod sa Best Picture ay ang mga sumusunod:
Best Supporting Actor para kay Christoph Waltz – as Col. Hans Landa
Best Original Screenplay
Best Director para kay Quentin Tarantino
Best Sound Mixing and Editing
Best Cinematography
Best Film Editing
My final score sa movie na ito: 8.22 out of 10!
Post Script: Gusto mo bang magkaraoon ng swastika sa noo? Hahaha! Yun lang...
No comments:
Post a Comment