Thursday, March 04, 2010

A Serious Man

Parang mas akma kung ang titulo ng pelikulang ito eh "A Serious Problem".. or should I say, Serious Problems!


Seryoso, hindi ako naka-relate sa napaka-seryosong movie na ito! Hehehe... Although may mga scenes na ang sa pagkakaalam ko eh may mga "pun intended", dahil nga hindi ako nakaka-relate, wala lang, hindi ako natatawa. Hahaha!

Unang-una, hindi ako masyadong oriented sa Jewish Religion, which was being introduced entirely in the movie. Sa una palang, na-weirduhan na ako. Can somebody out there explain to me the connection of that "early 20th century scene" to the 1960's main plot of the movie? Hindi ko talaga ma-gets as of now.

Pangalawa, dahil nga modern(?) Jewish Culture mostly ang eksena, may mga terminology na hindi ko alam. Kailangan ko pa talagang i-google ang mga salitang dybbuk at bar mitzvah, rabbi lang yata ang alam ko. Hehehe...

Pangunahing bida sa pelikulang ito ay si Larry Gopnik, a Jewish college professor of Physics, na sinalo halos lahat ng problema sa buhay --pamilya, trabaho at pera.

Masyadong masalimuot ang istorya para ilathala ko pa dito. Hehehe... Panoorin nyo na lang!

Basta ang interpretasyon ko sa movie na ito ay ganito lang: Gaano man karami ang mga problemang dumarating sa buhay natin, wag masyadong seryosohin, malay mo biglang dumating ang oras na sa isang iglap lang, dadalhin lahat ng tornado ang mga problema mo at walang ititira sa'yo! Hahaha! Basta intindihin nyo na lang! Hehehe!

Pero seriously speaking again, kung ako lang ang isa mga hurado sa Oscars, laglag ito sa Top 5. Kaya lang, hindi ako hurado kaya sorry na lang sa akin. Feeling hurado lang. Hahaha!

Other than being a Best Picture nominee, isa lang ang nakuha nitong nominasyon sa Oscars -- Best Original Screenplay. Ok, original kung original ang script... that's why hindi ako naka-relate! Hahaha!

Eto ang score ko sa movie na ito: 6.44 out of 10!

No comments: