Before I watched this film, I thought it was a Love-Story-War Movie like Pearl Harbor... hindi pala. War movie lang pala! Hehehe...
Nakaka-stress ang pelikula! Pero I enjoyed it, kahit papaano. Yun nga lang, parang hindi ako nakahinga ng maayos kanina habang pinapanood ito. Hehehe... Ang dami kasing di makapigil hiningang eksena, imagine-in mo na lang na ikaw ang nakatokang mag-detonate ng isang bomba, and worse sa isang suicide bomber.
Yep, ang kwento ay umikot sa buhay ng isang militar na si Sgt. William James, isang expert sa pagde-detonate ng mga improvised explosive device sa Baghdad, Iraq. Taong 2004 ang istorya kasabay ng pag-atake ng US sa bansang Iraq dahil sa pangambang nagtatago ito ng mga Weapons of Mass Destruction.
Syempre, hindi maituturing na War Movie ito kung walang mamatay. Hehehe. May barilan, bombahan, sunugan, murahan.. name it. But in all fairness, hindi naman ito kasing brutal ng mga ibang War Movies na napanood ko na, in my opinion huh.
May puso rin naman ang pelikula (naks!)... meron ding atay, balun-balunan, and of course, maraming dugo na mapapanood dito! Hehehe...
Kidding aside, what I mean is, may drama rin naman ito... pamilyadong tao si Sgt. William James na naho-home sick at iniisip din ang kalagayan ng kanyang asawa at anak back in the USA.
Parang ganito lang ang mensahe ng pelikula: gawin mo ang gusto mong gawin sa buhay mo! Kahit iwanan mo pa ang pamilya mo! Hahaha... kawawa naman si baby... panoorin nyo na lang nang malaman nyo kung ano yung mga pinagsasasabi ko dito.. hehehe.
Nominated for Best Picture in this year's 82nd Academy Awards, I believe malakas ang laban nito. Pero engot kasi itong producer ng pelikulang ito, may violation daw na ginawa sa Akademya... nagpakalat daw ng email sa mga judges asking to vote for the movie, eh bawal daw yun. Ewan ko lang kung ano ang kahihinatnan ng pelikulang ito. I believe it deserves an award, though.
Other nominations ng pelikula sa darating na Oscars:
Best Director
Best Actor para kay Jeremy Renner na gumanap kay Sgt. William James
Best Original Screenplay
Best Original Score
Best Sound Editing and Mixing
Best Cinematography
Best Film Editing
And my rating to this movie: 8.41 out of 10.
Post Script: The title is slang for being injured in an explosion, as in 'they sent him to the hurt locker'.
No comments:
Post a Comment