Friday, December 30, 2011

Sunday, December 04, 2011

Gusto ko pa ng maraming travel!!!

Travel! Slideshow Slideshow: TripAdvisor™ TripWow ★ Travel! Slideshow Slideshow ★ to Tokyo, Tagbilaran City and Subic. Stunning free travel slideshows on TripAdvisor

Friday, November 25, 2011

Magpa-Pasko na naman!


..at mukhang ngayon ko lang ulit nabisita ang blog na ito... :-)


Sunday, February 27, 2011

83rd Oscar Awards Fearful Predictions! LOL!


Ok sakto. Natapos ding panoorin ang 10 movies nominated for Best Picture ngayong bisperas ng Awards Night.

Ilang oras na lang at malalaman na natin kung tama ba ang hula ko. Hehehe..

Anyway, base sa aking formula (using standard deviation, analysis of variance, coefficient of thermal expansion, Bernoulli's Theory, Newton's 2nd Law of motion, Ohm's Law, P-value, and of course-- gut feeling) eto ang summary ng aking napanood with their scores, respectively:

4.02 -- Winter's Bone
5.84 -- The Fighter
6.63 -- The Kids Are All Right
6.91 -- The Social Network
7.01 -- True Grit
7.08 -- 127 Hours
7.22 -- Black Swan
7.54 -- Inception
7.63 -- The King's Speech
8.14 -- Toy Story 3

Hahaha! So lumalabas na Best Picture sa akin ang Toy Story 3! Pero syempre, given the fact na mahirap talagang masungkit ng isang animated film ang Best Picture trophy, I go for The King's Speech.

Hindi kasing astig ng pelikulang ito ang Inception when it comes to visual effects. Siguro, pinaka-nagustuhan ko ito among other nominees dahil sa "simplicity" ng istorya and indeed very inspirational.

Anyway, ito ang ilan pa sa aking mga prediksyon (although hindi ko napanood ang ilang movie na hindi man nominated sa pagka-Best Picture, eh nominated naman sa other major awards):

Best Director
Tom Hooper, The King's Speech

Best Actor
Colin Firth, The King's Speech

Best Actress
Natalie Portman, Black Swan
(2nd choice ko si Annette Bening ng The Kids Are All Right)

Best Supporting Actor
Christian Bale, The Fighter

Best Supporting Actress
Hailee Steinfeld, True Grit
(Dahil may lahing Pinoy ito, hehehe)

Original Screenplay
The King's Speech

Adapted Screenplay
The Social Network

Animated Feature
Toy Story 3

Original Score
Inception

Sound Editing
Inception

Sound Mixing
The King's Speech

Art Direction
Inception

Cinematography
Black Swan
(Dahil Pinoy ang Cinematographer, hehehe)

Costume Design
The King's Speech

Film Editing
The Social Network

Visual Effects
Inception


Pero kung may official category ang Oscars, gagawa rin ako ng akin.. hehehe.. here we go:

Best "Wala Lang"
Winter's Bone

Hindi masikmurang eksena Award
Pagputol ng sariling kamay, 127 Hours

Tongue Twister Award
The Social Network

Paquiao Memorial Choice Award
The Fighter

Mabigat sa Pakiramdam Award
It's tie! -- True Grit and Black Swan

Kids Critic Choice Award
Toy Story 3

Facebookers Critic Choice Award
The Social Network

Maalaala Mo Kaya's Best Story
The Kids Are All Right

Kuya Germs' Walang Tulugan Special Citation
Inception

Inception


"We create the world of a dream."

Dapat dito ang theme song ay "Insomnia". LOL

Kahit kasi tulog, gising na gising ang diwa ng mga karakter ng pelikula.

Pero seriously, maganda ang idea ng pelikulang ito. Unique.

Kailangan lang talagang tutukang mabuti para maka-relate. Hehehe.

Well, it's a box office hit movie, so hindi na kailangan pang i-elaborate ang synopsis nito.

Syempre, ang panlaban ng pelikulang ito ay ang Visual Effects. Sa mga mahilig sa mga ganitong klaseng pelikula, hind kayo bibiguin ng movie na ito.

Pero ang tanong, kung sa "masa" ay hit na hit ito, ganun din kaya sa mga hurado ng Oscars?

We'll see...

Pero bago ko ibigay ng score ko para rito, anong masasabi nyo sa picture na ito?:(Penrose stairs are incorporated into the film as an example of the impossible objects that can be created in lucid dream worlds.)

Wala lang... hehehe


My rating to this movie:

7.54 / 10.00

The Kids Are All Right



I'm telling you, this movie is not for kids. LOL

Gayunpaman, ok sa all right naman ang movie.. hehehe..

Comedy-drama ang pelikula na may temang "complicated family".

Ang kwento ay umiikot sa dalawang married lesbian (Nic and Jules) na nagkaroon ng dalawang anak (Joni and Laser) sa pamamagitan ng iisang "then anonymous" sperm donor.

Nung mag-dalaga ang panganay na anak na si Joni at nagkaroon na siya ng karapatang malaman ang kanyang biological father, syempre atat itong makilala ang "ama". Nagkakilanlan ang lahat --ang bagong tuklas na biological father nilang si Paul.

Doon nagsimula ang mas lalong komplikadong situation ng magpa-pamilya. Nagkaroon ng "secret affair" si Paul at si Jules na ikinasama ng loob nina Nic, Joni and Laser.

Ganun lang ka-simple ang kwento. Ayoko nang maging spoiler. LOL!

Para sa akin (dahil blog ko ito, hehehe), so-so lang sa akin ang pelikula. Hindi naman masyadong makapagbag-damdamin ang daloy ng kwento, so walang masyadong stress sa pelikula. Siguro ang panlaban ng pelikulang ito sa darating na Oscars ay ang acting ni Annette Bening (Nic) at ang nominasyon nito sa pagka-Best Original Screenplay. Nakakatawa kasi ang ilang linya (script) ng mga karakter ng pelikula.

At dahil dyan, eto ang score ko sa movie:

6.83 / 10.00

Wednesday, February 23, 2011

Toy Story 3


Ito ay istorya ng mga laruan. LOL

I enjoyed watching this animated film! Hindi ako masyadong mahilig manood ng mga ganitong klaseng pelikula pero nagustuhan ko ito.

In fact, hindi ko nga napanood ang Part 1 and 2 nito. Pero ok naman, makaka-relate naman kahit hindi pinanood ang naunang sequel.

Hindi ko na rin masyadong iku-kwento ang istorya dahil box office hit naman ito. Halos kumpleto kasi ang pelikula -- may comedy, drama, action, suspense... kulang na lang horror. Hehehe...

Ito ang kaisa-isang animated film na nominated for Oscar's Best Picture ngayong taon. Pero kahit gustung-gusto ko ang movie na ito, sa aking palagay, maliit pa rin ang chance nito na masungkit ang tropeo dahil wala pa sa history ng Oscars na nagwagi ang isang animated film para sa Best Picture. But who knows?

Konting trivia... ito ang pangatlong animated film na na-nominate sa pagka-Best Picture ng Oscars.. along with Beauty and the Beast (1991) and Up (2010). Itanong nyo pa kay kuya Kim. Hahaha!

At dahil lima ang nominasyon ngayon nito sa Oscars (Best Picture, Adapted Screenplay, Animated Feature, Sound Editing and Original Song para sa "We Belong Together"), eto ang aking ibibigay na grado sa pelikulang ito using this calculation:

5 + Pi Constant (π) = 8.14159 (out of 10).

Kung bakit ganyan ang formula ko, walang pakialamanan... :-D

Monday, February 21, 2011

Winter's Bone

"Yun na yon!" -- Ito ang aking reaksyon matapos kong panoorin ang pelikulang ito.

Kung may insomnia kayo at hirap lagi sa pagtulog (kaya nga insomnia eh... hehehe), perfect ang movie na ito para makatulog kayo ng mahimbing. LOL

Hindi lang talaga ako naka-relate sa pelikulang ito. Pero kung babasahin ang ilang reviews ng mga kritiko para sa movie na ito, bilib na bilib sila rito. I am sorry, for me, I'm not. Hehehe... Unang-una, hindi talaga ako movie critic, sa pagkakataong ito, feeling movie critic lang. Hahaha!

Sa bungad palang ng pelikula, parang ayaw ko nang tapusin. Pero tiniis ko.. hehehe... tinapos ko talaga expecting na may manggigising na eksena sa nahihimbing kong diwa. Pero tama pala ako, at the end of the movie, gulat na gulat talaga ako dahil hindi ko akalaing tapos na pala.

Parang wala yata akong masabing maganda sa pelikula... hehehe... Teka, try ko...

Ito ay kwento ng isang 17-year old na dilag na si Ree Dolly. Sa introduction palang, makikita kaagad kung anong klaseng pamumuhay meron ang pamilya ni Ree.

Panganay itong si Ree sa dalawang kapatid na may inang parang mababaliw na yata sa bigat ng problemang kanyang dinadala. At ano ang problema? Bukod sa kahirapan, ang biglaang paglaho ng asawa (ama nina Ree) ang dinaramdam ng mag-iina sa umpisa palang ng pelikula.

Eager itong si Ree na hanapin ang nawawalang ama. Lalo pa siyang nagpursigi sa paghahanap nang makarating ang balitang kailangan na nilang umalis sa bahay dahil di umano'y nakasangla ang lupain nila na ang may kagagawan ay ang kanyang tatay (or something like that).

Subalit sa lahat ng pagtanungan ni Ree (even sa mga kamag-anakan), wala siyang matinong impormasyong nakukuha...

Doon na nagsimula ang kalbaryo ni Ree. I guess, marami rin ang hindi magugustuhan ang ganitong klaseng istorya. Hahaha!

Basta yun na yun. At kung tatanungin nyo kung bakit "Winter's Bone" ang title ng movie na ito, well... walang pakialamanan! Hehehe... gusto ng direktor at producer eh. And as usual, panoorin nyo na lang! (Pero sa mga makakabasa ng panlalait ko, may manonood pa kaya nyan? Hehehe)

But seriously, I seriously didn't like this film. Napaka-seryoso ng tema! Seryoso ang mga characters, pati na rin ang setting, ang lugar! Walang masaya sa pelikulang ito. At lalong hindi ako matutuwa kung mananalo ito sa pagka-Best Picture sa darating na Oscars.

With a total of 4 nominations (including Best Actress for Jennifer Lawrence as Ree Dolly), sa aking palagay, mukhang mahihirapang masungkit ni Jennifer ang pagka-Best Actress itapat palang kay Natalie Portman ng The Black Swan.

At dahil apat ang nominations ng movie na ito sa Oscars, ang grado ko para rito ay katumbas ng apat na "buto"... ng pakwan:

4.02 / 10.00



Thursday, February 17, 2011

The King's Speech

"I bloody well stammer!"

Simple lang ang istorya ng pelikulang ito. Pero ika nga nila, simplicity is beauty.

Although I admit na may mga boring scenes sa pelikula, siguro inaantok at pagod lang ako masyado habang pinapanood ko ito. Hahaha... nag-explain!


Base sa totoong buhay ang movie na ito. Kwento ng tatay ni Queen Elizabeth II na si King George VI ng United Kingdom.

Bagama't tila na sa kapalaran na ni George VI na maging susunod na hari pagkatapos mamatay ang ama na si George V, at matapos ding ma-"disqualify" ("abdicated" is the correct term) ang kanyang nakatatandang kapatid sa pagkahari dahil sa "technicalities" (panoorin nyo na lang kung bakit), may malaking problemang haharapin ang bagong hinirang na hari --- iyon ay ang kanyang utal-utal na pagsasalita. Ang laki ng problema nya! LOL

Pero sabi nga nila (hindi ko rin alam kung sinu-sino sila), bilang isang leader ng isang nasyon, organisasyon o kaharian, mahalaga sa madlang pipol kung papaano mo ipararating ang mensahe, hindi lang para maintindihan ka, kundi para paniwalaan ka rin.

Upang maisakatuparan ito at ma-overcome ng hari ang kanyang "speech problem", nakilala nila si Lionel Logue, isang Australian speech therapist na tumulong sa Hari para somehow mag-improve ang dila nito. You'll see in this movie the significant role of Lionel Logue, not only in the life of King George VI, but in the whole British Monarchy as well.

Muntik nang dumugo ang ilong ko habang pinapanood ko ito. Hahaha!

Pero mas nagustuhan ko ito kaysa sa pagta-tongue twister ni Mark Zuckerberg sa The Social Network. Hehehe...

Kung pagiging utal lang ang batayan kung sino ang tatanghaling Best Actor sa Oscars ngayong taon, panalo na si Colin Flirth (bilang King George VI). No wonder magmala-utal-utal siya sa speech nya habang tinatanggap ang trophy as Best Actor sa Oscars.. Let's see...

Glossy ang pelikula, may potential manalo as Best Cinematography... Glossy ba o malinaw lang yung DVD copy ko? Hahaha!

At kung screenplay naman ang pag-uusapan, kung pagandahan lang ng speech ang batayan, winner na ito! Hehehe... basta wag lang pautal-utal.

Sa labing-dalawang nominasyon nito sa 83rd Academy, masasabi na ba nating ito na ang Best Picture ng taon? Abangan na lang natin...

Isantabi muna ang popular na kasabihang "Actions speak louder than words" sa pelikulang ito. Dahil sa movie na ito, ipinapakita lang na minsan, para maging kumpyansa sa atin ang mga tao sa paligid natin, we have to convey our message with a clear voice, comprehensively and with spontaneity.

Ladies and Gentlemen, my Rating for this movie is 7.63 / 10

Wednesday, February 09, 2011

The Fighter

Another film nominated for this year's Academy Awards for Best Picture. Pero kung "fighter" ang titulo ng pelikulang ito, mukhang walang laban ito. Hehehe.


Hindi ko lang siguro type ang tema. Hmmm... hindi dahil sa "Boxing" ang kwento nito (exciting rin naman ang boxing lalo na sa laban ni Dionisia), kung hindi sa kabuuan ng pelikula -- ni hindi ko nga na-gets ang mensahe ng movie. LOL

Isa na namang "based on a true-to-life story" ang pelikulang ito. Gayunpaman, hindi ko talaga gets. Hahaha!

Teka, let me analyze first. Hehehe...

Sa magkapatid (half brothers) na Micky Ward at Dicky Eclund umiikot ang istorya. (Dapat pala "Micky and Dicky" na lang ang title ng movie na ito baka naaliw pa ako. Hehehe). Kina-career nila ang boxing sa impluwensya na rin siguro ng pamilya especially their mother Alice Ward na mukhang may sayad sa pelikualang ito.

Eh itong si Dicky ay mahilig yatang humithit ng katol kaya nagkaganyan din ang pag-uugali at mannerism, nakulong tuloy ang mokong dahil sa kinasangkutang eskandalo laban sa mga pulis.

Syempre itong si Micky ay frustrated sa mga pinaggagagawa ng kanyang pamilya, idagdag pa ang disappointment sa mismatch nyang laban dahil na rin sa kapabayaan ng kanyang ina na tumayong manager nya sa kanyang boxing career.

Ay ayoko nang ituloy ang kwento kasi wala namang kwenta. Hahaha...

But in all fairness, magaling si Christian Bale dito sa kanyang acting (Dicky) kaya siguro na nominate siya as Best Supporting Actor. Nominated din si Amy Adams as Best Supporting Actress bilang jowa ni Micky na wala namang akong natandaang remarkable acting performance kundi ang pakikipag-away sa mga alipores ng nanay ni Micky. Siya na, siya na ang tunay na FIGHTER sa pelikulang ito. Hahaha!

Then all of a sudden, sya pala ang mananalo as Best Supporting Actress noh? Hahaha!

Sa pelikulang ito ko napatunayan na hindi lahat ng may "happy ending" ay maganda. Toinks!

Knock-out ang pelikulang ito para sa akin na may gradong 5.84 / 10.

Game over!

Sunday, February 06, 2011

True Grit

Kung kayo'y kasalukuyang masaya at panonoorin nyo ito, magiging neutral ang feeling nyo. Kumbaga, tabla lang, pampabawas ng kasiyahan nyo. Hehe. Mare-realize nyo na not all the time ang kasiyahan, may mga problema tayo na dapat ayusin.

Pero sa pelikulang ito, ipinakita na ang kasalukuyang problema natin ay maaring mas maging kumplikado pa habang sino-solve mo ito.


Kung kayo nama'y kasalukuyang depressed, malungkot, dinidibdib ang mga problema sa buhay, at may balak paghigantihan ang isang kaaway, wag nyo na munang panoorin ito. Lalo lang kayo made-depress at baka makaisip ng masamang hangarin. LOL

Masyado kasing seryoso ang pelikulang ito. Ang kwento ay umiikot sa batang babae na si Mattie Ross, isang ulila at balak paghigantihan ang pumatay sa kanyang ama. Sa kasagsagan ng paghahanap ng katarungan para sa kanyang ama, nakilala nya ang mga taong sa tingin nya'y makakatulong sa kanyang paghihiganti --sina Rooster Cogburn at LaBoeuf.

Isang masalimuot na adventure ang ikinaharap ng batang si Mattie. Sa edad nyang katorse anyos, puro karahasan na ang kanyang nasaksihan.

Nakamit nya ba ang katarungang inaasam? As usual, panoorin nyo na lang. Hahaha!

At dahil may dugong Filipino raw itong si Hailee Steinfeld na gumanap bilang si Mattie, sana manalo sya as Best Supporting Actress. Ok naman ang performance nya rito.

Ano bang lesson ang matututunan sa pelikulang ito? Although retribution ang tema ng pelikula, hindi naman ganun ang ibig ipahiwatig ng movie. Siguro, ang ibig iparating nito ay sa anumang sitwasyon at pagkakaton, maaaring makakakilala pa rin tayo ng mga taong tutulong sa atin at maaaring magbigay-daan para maiba ang mga pananaw natin sa buhay.

My score for this movie: 7.01 / 10

Saturday, February 05, 2011

The Social Network

Gusto ko ang Facebook, pero hindi masyado sa pelikulang ito. LOL

Masyado kasing witty ang pelikula, hindi ako maka-relate. Haha!

Tapos yung gumanap pa bilang Mark Zuckerberg ay parang laging nakikipag-tongue twister kapag nagsasalita. Kung yun ang basehan sa pagiging Best Actor, panalo na siya.

Sa mga adik sa Facebook dyan, hindi ko maga-guarantee na magiging adik din kayo sa pelikulang ito. Pero kung interesado kayo sa history ng Facebook, panoorin nyo ito.

Ngunit subalit datapwat base sa totoong pangyayari ang istorya nito, isang critic sa US ang nagsasabing 40% lang daw ang totoo sa pelikulang ito. Well, bahala silang mag-away. Hehehe...

I guess, the movie is all about "communication", whatever medium we use. The founder of facebook created such social networking website to manifest how we all relate to each other. However, even in a real world there are always miscommunication and misunderstanding. How do we deal in that situation?

Aside from being nominated as Best Picture for this year's Academy Awards, the movie is also nominated for Best Film Editing, Cinematography, Adapted Screenplay, and others to complete the 8 nominations. It means, malaki ang chance nito sa mga hurado.

Pero para sa akin, kumbaga sa Facebook, hindi ko ito ila-"Like". Wala lang. Deadma ang status. Hahaha!

Naalala ko ang pelikulang Frost/Nixon habang pinapanood ang movie na ito. Pero mas nagustuhan ko ang Frost/Nixon. Yun lang.

I rate this movie 6.91 / 10.

Tuesday, February 01, 2011

127 Hours

Every second counts.

Mararamdaman mo talaga ang takbo ng oras kapag ikaw ay nag-iisa.

Base sa totoong pangyayari sa buhay ni Aron Ralston (portrayed by James Franco) noong 2003, ito ay isang istoryang hindi na nangangailangan pa ng maraming "dialogue" para maintindihan ang mensahe.

Isang mountain climber itong si Aron. One day isang araw ay sa di inaasaang pangyayari, siya'y nahulog at na-trap sa isang bangin sa Canyon Lands National Park. Nag-iisa, ipit ang buong braso sa malaking bato, may dalang tubig at digicam, helpless.

Sa higit limang araw nya doon, panoorin nyo kung papaano nya iginugol ang oras mag-isa, kung papaano nya nailigtas ang sarili, at kung anu-ano ang mga naging realization nya sa buhay.

Si Danny Boyle ang director ng pelikulang ito, pero ibang-iba ang kwento nito sa Slumdog Millionaire. Ganunpaman, kapwa pagsasalarawan ng PAG-ASA ang ibig ipahiwatig ng dalawang pelikula. Sa puntong iyon ko nagustuhan ang forte ni Danny Boyle.

Nagkamit ng maraming nominasyon ngayong taon sa Oscars including Best Picture, I can say that it deserves recognition. However, production-wise, I think may mas hihigit sa pelikulang ito. But knowing Oscars, anything can happen. Papabor din kaya ang mga hurado sa performance ni James Franco para mahuka ang Best Actor trophy? Abangan na lang natin.

Nonetheless, I rate this movie 7.08/10. Simple but heartwarming.

Sunday, January 30, 2011

The Black Swan

"I felt it. Perfect. I was perfect."

Perfect din kaya ang ibibigay na grado ng mga makakapanood nito?

Ito ang unang Oscar Nominated Film for this year's Best Picture ang napanood ko. (Oo, di ko pinanood ang Inception at The Social Network sa Big Screen, busy ako that time. Hehehe).

Ang istorya ng Black Swan ay tungkol sa ballet dancer na si Nina Sayers, portrayed by Natlie Portman. Si Nina na may tililing. LOL! May pinagmanahan kasi, nanay din nya mukhang may toyo. Hehehe.Isang ballet company ang kinabibilangan ni Nina na kina-career na mapa-sakanya ang lead role sa isang nalalapit na Production Performance na may temang "Swan Lake". Syempre, Swan Queen ang bida.

Eh kaso, bago mapa-sakanya ng tuluyan ang "spotlight" ay dapat muna nyang harapin ang manyak nyang ballet director at ang mga co-dancer na may mga insecurities din sa isa't-isa.

Na-pressure yata itong si Nina at umabot sa naging psychotic na sya. Kung anu-ano ang nai-imagine, hanggang sa parang nagiging swan na talaga siya. Hehehe.. Basta panoorin nyo na lang yung mga pa-epek ng pelikulang ito.

Ayun, medyo R-18 din ang movie na ito... yun lang. LOL

But in fairness, magaling dito si Natalie Portman na nominado rin sa pagka-Best Actress. Hangga't hindi ko pa napapanood ang mga makakalaban nya, siya muna ang bet ko for that award.

Sa mga fan ng Happy Ending movies, well, hindi para sa inyo ang pelikulang ito. Pero sa akin, ok lang. May sense naman kahit katiting. Hehehe... Kahit anong mangyari, the show must go on...

Ang score na maibibigay ko dito ay hindi man perfect, pero ok na rin... [7.22/10]

Oscars Season na naman!


I will prioritize to watch the 10 nominated films for Best Picture for the 83rd Academy Awards...