Friday, November 16, 2007

I am starting to like podcasting!

Enjoy naman pala ang podcast and at the same time, very informative. Una, napapakinggan at napapanood ko ang mga latest balita sa CNN. Gamit ko ang iTunes software ko at mga ilang minuto lang, downloaded ko na ang mga news updates mula sa CNN Atlanta Center.

Isa pa, meron akong blogger friend na may regular episode sa kanyang podcast. Actually, tandem sila nung isa nyang officemate na kapwa nagtatrabaho sa isang sikat na newspaper publication sa buong bansa. At yung blogger kong friend ay nakilala ko sa G-blogs, almost two years ago na. Student journalist palang siya noon, at ngayon provincial correspondent na nga siya sa newspaper publication na iyon. Nakakaaliw yung podcast nila, tinext ko nga siya para sabihing nag-eenjoy akong pakinggan ang mga episode nila. If you like to listen to their podcast, eto ang url nila...

http://getbacktowork.podbean.com

Sa ngayon, wala pa akong time gumawa ng sariling podcast ko, next time ko na lang aayusin yung account ko sa podbean... hmm.. ano kayang magandang gawin? hehehe...

Meanwhile, enjoy muna ako sa mga subscription ko sa iba't-ibang podcasts. Pati Foreign Language Podcast ay pinapatulan ko na, baka sakaling matuto ako ng Japanese, Chinese, French at iba't-ibang language. Hehehe...


***

Kalagitnaan na ng Nobyembre, at eksaktong isa't-kalahating buwan na lang ay taong 2008 na. Ang bilis talaga ng panahon. Pero teka, bakit maulan ngayon? Kung sa bagay, kahit nung mga nakaraang taon, ay nakakaranas pa rin tayo ng bagyo sa buwan na ito, and even December. H'wag naman sana ngayong taon.

***

Medyo, pressured ako ngayon sa work. Ang dami kasing pending activities and job goals na dapat kong tapusin pero hindi matapos-tapos dahil sa mga di inaasahang pangyayari. And honestly, minsan ay sinusumpong ako ng sakit na "katam"... as in "katamaran". Hahaha... Pumepetiks din naman ako minsan , pero unlike others , hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para mag-press release na ang dami kong accomplishments pero ang totoo, wala naman. Kakahiya yata yun.

Wednesday, November 14, 2007

Batasan Blast!


Boom na boom! After Glorietta, sa Batasang Pambansa naman. Well, hindi naman daw kagagawan ng mga terorista ang sa Glorietta, pero ito kayang sa Batasan? Actually, while composing this blog entry, breaking news pa itong Batasan Blast. Sabi nga ng Malacanang, h'wag muna daw gumawa ng mga ispekulasyon o haka-haka.


Meanwhile, habang sinusulat ko ito, background ko ang live breaking news coverage ng RMN sa kanilang website kaugnay sa pagsabog na ito kani-kanilang mga alas-otso ngayong gabi...

***

About sa previous entry ko, naasar lang talaga ako sa boss ko dahil hindi siya naniniwala sa data na kinuha ko. After ng 2nd trial, hindi pa rin naniwala! Baka daw hindi pa stabilized ang machine o baka daw hindi pa naka-adapt yung mga specimen sa temperatura ng area. Buwiset.

***
May isa na raw patay na congressman dahil sa pagsabog sa Kongreso. Tsk tsk tsk!

***
Kanina sa opisina, nag-print ako ng 8-page document. Inilapag ko sa mesa ko ang black and white bago ako nag-afternoon break. Pagbalik ko, nawala! Ano ba yan... hanggang alas-sais akong naghahanap kung saan-saan. Ayoko kasi munang mag-print ulit dahil baka makita ko pa, pero wala talaga. May nanggu-good time kaya sa akin?

***
Home-made bomb daw ang sumabog sa Batasan, ayon sa initial report.

***

Speaking of Good Time, dalawang beses na akong nakakatanggap ng small note na isiniksik sa locker ko sa trabaho... mobile number ang nakasulat. Sa pangalawang beses, iba na naman yata yung number. Well, di ko pa rin sinusubukang i-text ang mga number na iyon. At hindi ko na magagawa pa kasi tinapon ko na yung mga notes.

***

Sa mga pangyayaring pagsabog, pinag-iingat ang lahat sa pagpunta sa mga malls at iba pang public places... what!? Ngayon pa na magpa-Pasko! Ang KJ naman ng mga terorista na yan! Good time? I don't think so...


Sunday, November 11, 2007

Gap Measurement

The past week for me was so tiring... Monday palang ay mainit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Hindi naman sa hindi ko kaya ang pressure sa work, pero nakakainis na kasi yung boss ko.

Una, sa section namin in-endorse ang inclusion ng Cell Gap Measurement sa aming Reliability Testing. Naturalmente, kailangang may magturo sa amin kung paano gamitin ang Gap Measuring Machine. Aba aba aba at isa pang aba! Hindi man lang kami tulungan ng boss namin kung kaninong Hapon o Engineer kami makikisuyo upang turuan kami. Ang siste kasi, makikigamit lang kami ng machine na iyon sa kabilang departamento na ubod ng selan tungkol sa paghiram o paggamit ng kanilang ari-arian. Minsan nga, tumawag pa sa akin yung isang staff doon na hitsurang ngipin na tinubuan ng mukha, para lang komprontahin ako kung bakit daw naglagay kami ng mga bagong sticker sa kanilang Meter Boxes nang walang abiso sa kanila. Eh utos lang naman sa akin ng expat nilang Japanese iyon. Hay naku, di ko na pinatulan yung mukhang ngipin na iyon....

Balik sa kwento ko, hayun, todo-sermon ng boss ko sa aming Assistant Supervisor na sinisisi kung bakit walang development sa napipintong training sana namin sa Cell Gap Measurement. Ako naman ay nagagambala habang naririning ang sermon na iyon dahil apektado rin ako. Although hindi ako ang direktang tinitira ng boss namin, syempre kasali ako sa activity na iyon. Kaya dali-dali akong nakipag-ugnayan sa Engineer sa kabilang departamento at ako na ang nakiusap na kung pupwede ay maturuan na kami sa hapong iyon. Madali namang kausap yung Engineer at pumayag siya. Pagbalik ko ng office ay hindi pa rin tapos sa kasesermon ang boss namin sa Assistant Supervisor namin. Nakakaawa na nga siya dahil dumadalas ang pangsa-sabon nito sa kanya, samantalang siya mismo na nanenermon ay sandamakmak din ang mga pagkukulang bilang nakatataas sa amin.

So bandang hapon na ng maturuan kami ng engineer at ni Mr. Furukawa sa loob ng Production Area. Medyo nahirapan kami dahil hindi marunong mag-ingles itong si Furukawa at may bitbit pang interpreter. Pero it turned out pa rin na maayos niya kaming naturuan. Dala-dala na nga namin yung mga specimen na pinapa-measure ng boss namin para may initial data na kami. Sa sampong specimen na dala namin, dalawa doon ay bumagsak o hindi pumasa sa criteria at specification. Eh ang rule pa naman namin sa Reliability ay, kahit isa lang ang bumagsak, "No Good" pa rin ang buong lote...

Hindi kombinsido ang magaling naming boss nang malamang may bumagsak na specimen. Sa reaksyon pa lang nya ay alam ko nang gusto nyang ipaulit ang pagsusukat sa lecheng Cell Gap na yan... So di na ako nagpatumpik-tumpik pa, bumalik ako ng Production at sinuot na naman ang mala-astronaut naming costume kapag pumapasok sa Clean Room Area.

Ang resulta.. bagsak talaga.


***itutuloy***