Tamang-tama naman na pinanood ko ang live telecast ng Oscar Awards nung umagang iyon. Hahaha... nanalo ang bet ko na Slumdog Millionaire.
Actually for me, may laban din naman itong The Curious Case of Benjamin Button. Yun nga lang, kinonsider ko rin ang media hype na natatanggap ng Slumdog Millionaire even before the announcement of the winners. Secondly, sa limang nominado as Best Picture, ang Slumdog Millionaire ang may pinakamasayang "ending".
Best Actress for Kate Winslet. No doubt. Magaling naman talaga siya sa The Reader... moreover, her breast exposure. Hehehe.
Sean Penn as Best Actor. I agree. Alam ko na na mananalo siya sa ipinakita nyang pagganap sa gay-politician-activist na si Harvey Milk. Although I heard magaling daw yung nakalaban nya sa pelikulang The Wrestler (nakalimutan ko yung name nung actor kasi hindi ko pa pinapanood ang pelikulang iyon), si Sean na talaga ang bet ko compare kay Brad Pitt.
All in all, humataw talaga ng husto itong Slumdog Millionaire sa dami ng nakuhang awards, pati yung Best Song nakuha nila (entitled Jai ho). Natawa lang ako dun sa tumanggap ng award sa Best Song, may hawig sa hitsura ni Chokoleit! Hehehe...
Kung dati, namayagpag ang Crouching Tiger Hidden Dragon ni Ang Lee at ang ilang Chinese Actors and Actresses, ngayong taon naman ay panahon ng mga Bumbay. Hehehe...
Ay oo nga pala, pati na rin ng mga sakang na Hapon dahil sila ang nagwagi sa Best Foreign Film Category. Hindi kasi nakapasok ang ating Ploning eh.. hehehe...
Pero seriously, advice ko lang talaga na hindi napapanahong panoorin ito ngayong nararanasan natin ang global financial crisis.
Puro kasi kabiguan at kasawian ang ipinakita dito... sabi nga nung isa kong kasamang nanood, wala man lang pakonswelo kahit sa ending. Hehehe...
Based on a true story ang kwento. July 20, 1944 nang magtangka si Colonel Claus Von Stauffenberg, isang Nazi soldier, na i-assassinate si Adolf Hitler.
In short, kudeta ito. Operation Valkyrie ang tinawag nilang conspiracy na ito.
Hay, ayoko nang ituloy ang kwento dahil na fire squad lang naman sina Tom Cruise sa movie na ito dahil nabuking sila. Ang picture sa ibaba ay ang Bendlerblock sa Germany, ang aktwal na lugar kung saan ginawa ang fire squad sa mga sundalong nagtraydor kay Hitler.
And the rest is history.. hehehe
***