Monday, March 02, 2009

There is no permanent thing in this world except "Changeling"!


Ok. I agree with the judges of Oscars. I find Kate Winslet's acting performance in The Reader, better than Angelina Jolie in this movie Changeling.

Angelina played the role of Christine Collins, a mother who was reunited with her kidnapped son, only to realize that the child was an impostor.

Paano nangyari 'yon? Well, kagagawan ito ng mga kapulisan ng Los Angeles (LA Police District) dahil na-pressure sila sa tagal at hirap ng kanilang imbestigasyon tungkol sa disappearing act ni Walter Collins (anak ni Christine). Kaya hayun, para palabasin na resolved na ang kaso, nag-hire sila ng isang batang kahawig ni Walter at palabasing siya ang anak ni Christine.

Based on a true story ang pelikula. Year 1928 ang ang historical context ng movie, so todo-todo ang visual effects na ipinakita rito para ma-convince na 1928 ang setting. In all fairness, pulido naman ang pagdi-direct ni Clint Eastwood (the Director of this movie).

Kaya nga lang, kasing luma ng panahon ang istorya at takbo ng kwento. Hahaha...

Luma as in parang napanood ko na sa isang episode ng "Lovingly Yours" o "Coney Reyes on Camera" ang kwento. Hehehe...

Ipinakita rito kung papaanong pinalabas ng ilang LA Policemen na nababaliw si Christine dahil ni-reject nya ang supposedly "reunion" nya with her son. Hayun, may ilang nakakainis na eksena rito na mala-Flor Contemplacion na pilit pinapaamin sa kasalanang hindi naman nya ginawa.

Kung papaanong nagtapos ang pelikula, it's for you to find out! Hahaha.. Ang tanong, naresolba ba ang kaso ni Christine? :-) or :-(

Wednesday, February 25, 2009

Oscar Awards, Operation Valkyrie, Abo

Last Monday, February 23, additional rest day ng aming kumpanya... hindi kasi dineklara ni GMA na Special Holiday sa araw na iyon in commemoration to EDSA People Power 1986.

Tamang-tama naman na pinanood ko ang live telecast ng Oscar Awards nung umagang iyon. Hahaha... nanalo ang bet ko na Slumdog Millionaire.

Actually for me, may laban din naman itong The Curious Case of Benjamin Button. Yun nga lang, kinonsider ko rin ang media hype na natatanggap ng Slumdog Millionaire even before the announcement of the winners. Secondly, sa limang nominado as Best Picture, ang Slumdog Millionaire ang may pinakamasayang "ending".

Best Actress for Kate Winslet. No doubt. Magaling naman talaga siya sa The Reader... moreover, her breast exposure. Hehehe.

Sean Penn as Best Actor. I agree. Alam ko na na mananalo siya sa ipinakita nyang pagganap sa gay-politician-activist na si Harvey Milk. Although I heard magaling daw yung nakalaban nya sa pelikulang The Wrestler (nakalimutan ko yung name nung actor kasi hindi ko pa pinapanood ang pelikulang iyon), si Sean na talaga ang bet ko compare kay Brad Pitt.

All in all, humataw talaga ng husto itong Slumdog Millionaire sa dami ng nakuhang awards, pati yung Best Song nakuha nila (entitled Jai ho). Natawa lang ako dun sa tumanggap ng award sa Best Song, may hawig sa hitsura ni Chokoleit! Hehehe...




Kung dati, namayagpag ang Crouching Tiger Hidden Dragon ni Ang Lee at ang ilang Chinese Actors and Actresses, ngayong taon naman ay panahon ng mga Bumbay. Hehehe...

Ay oo nga pala, pati na rin ng mga sakang na Hapon dahil sila ang nagwagi sa Best Foreign Film Category. Hindi kasi nakapasok ang ating Ploning eh.. hehehe...

***

Nung araw na iyon, nagyaya naman itong dalawang High School friends ko na manood ng sine, hayun pinanood namin yung pelikula ni Tom Cruise na Valkyrie.

Nung una, excited akong panoorin ang pelikula, kasi nga may nagsabi sa akin na officemate ko na maganda raw. Naniwala naman ako. Hahaha...

Ang masasabi ko lang, kung depressed kayo, nalulungkot, dissapointed, frustrated, unsuccessful... wag nyo munang panoorin ang pelikulang ito. Hehehe.. Lalo lang kasing palalalain ng movie na ito ang kalungkutan sa puso nyo. Hahaha..



Pero seriously, advice ko lang talaga na hindi napapanahong panoorin ito ngayong nararanasan natin ang global financial crisis.

Puro kasi kabiguan at kasawian ang ipinakita dito... sabi nga nung isa kong kasamang nanood, wala man lang pakonswelo kahit sa ending. Hehehe...

Based on a true story ang kwento. July 20, 1944 nang magtangka si Colonel Claus Von Stauffenberg, isang Nazi soldier, na i-assassinate si Adolf Hitler.

In short, kudeta ito. Operation Valkyrie ang tinawag nilang conspiracy na ito.

Hay, ayoko nang ituloy ang kwento dahil na fire squad lang naman sina Tom Cruise sa movie na ito dahil nabuking sila. Ang picture sa ibaba ay ang Bendlerblock sa Germany, ang aktwal na lugar kung saan ginawa ang fire squad sa mga sundalong nagtraydor kay Hitler.



And the rest is history.. hehehe

***

Ash Wednesday ngayon. Hudyat ng pagsisimula ng Lenten Season... ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang, Pasko.

Wednesday, February 18, 2009

Frost/Nixon

"I still insist they were mistakes of a heart... They were not mistakes of a head!"

Before watching it, I thought it was a very stale and boring movie. Hindi naman pala.

I must say that the movie was being made intelligently. Kaya nga lang, hindi lahat siguro ay makaka-relate sa pelikulang ito, I mean, unless you are interested in History, Politics and Media issues.

Not so sure kung totoo lahat ang ipinakita sa movie. This is about former US President Richard Nixon na pinalabas talagang mukhang pera sa pelikulang ito. Syempre, tinampok din dito ang Watergate Scandal na kinasangkutan nya nung nanunungkulan pa siyang Presidente at naging dahilan ng kanyang resignation bilang pangulo.

Eh sino naman si Frost? Si David Frost ay isang talk show host sa Australia nung kasalukuyang mainit ang issue ng Watergate Scandal.

After President Nixon resigned his post in the White House, Frost had become interested in getting exclusive interview from the former President even paying $600,000!


So, bukod sa Wiretapping and cover up issue, ano kaya ang kinalaman ng Italian Shoes and Cheeseburgers sa istorya? Panoorin nyo na lang.. Hehehe



Over-all impression, siguro magugustuhan ng mga aktibista ang pelikulang ito. Hehehe... Siyempre, recommended itong panoorin ng mga Political Science Students...

Ano kaya ang chances nito sa nalalapit na Academy Awards? Nominated kasi ito bilang Best Picture at Best Actor naman para sa gumanap na Nixon na si Frank Langella. Tignan na lang natin sa Monday.

Meanwhile, ang pelikulang ito ang huli sa limang pelikulang pinanood ko na bilang nominado sa Best Picture Category ng Oscars. And this is my final ranking:

1] Slumdog Millionaire

2] The Curious Case of Benjamin Button

3] Frost/Nixon

4] The Reader

5] Milk

Iyan ang opinyon ko. Pero sabi ko nga sa mga nakaraang blog ko, iba talaga ang taste ng Oscars. I remember noong 2006, the movie "Crash" was my least favorite along with the other 4 nominees as Best Picture, pero siya pala ang tinanghal na nagwagi. Kumusta naman yun?