Monday, December 31, 2007
Senti Media Noche!
Ang taong 2007 ay maituturing ko rin na isa sa mga di-malilimutang taon ng aking buhay. Ito ang taon na lumipat ako ng kumpanyang pinagtatrabahuhan. Sa ngayon, ok pa naman ako sa kumpanyang ito, kahit na may mga negative things, I just think that somewhere is worse than here. With that, I should feel luckier.
Ito rin ang taon ng pagkamatay ng aking lola. Easter Monday nung siya'y kunin na ni Lord. Malungkot ang naging summer naming magpa-pamilya.
Buwan naman ng Hunyo nung ikinasal ang younger brother ko. Hindi talaga maiwasang ikasal na sila dahil nagdadalang-tao na yung babae. Sukob na maitatawag ito (the same year na namatay ang aking lola) pero ipinapaliban muna namin ang superstitious belief na iyon.
Sa taong ding ito ay nakilala ko ang mga bagong kaibigan ko sa opisina. Masaya silang katrabaho, at anytime ay maasahan lalo na kapag nagkakaisa ang aming sentimyento --against our boss. Hehehe. Joke! (But jokes are half meant)
Kahit lumipas man ang maraming taon, regular pa rin naman kaming nagkikita ng aking mga college friends. At lubos kong ikinatutuwa iyon dahil sa aking palagay, hindi na namin magagawang madalas iyon ngayong taon dahil sa magiging mas abala na kami. Kaya nga sa lahat ng gatherings namin, present lagi ako dahil nararamdaman kong hindi na namin mauulit pa iyon. Ganon kahalaga sa akin ang bawat segundo na kasama sila.
Parang ang drama-drama ko naman ngayong Bagong Taon. Hehehe... Siya nga pala, I would like to thank all my visitors sa aking blog. Naging active ako ngayong taon dito sa blogspot... after kong iwanan ang blog ko sa Globe (G-blog)... Maraming salamat sa mga bumibisita at nakakataba ng puso na makitang may "hits" ako every day kahit na kaunti kayo (unlike sa g-blog ko noon)... Minsan, naiisip ko, mabuti na ang ganito, walang masyadong visitors, walang pressure na mag-compose ako ng entry na madalas.
Basta, magsasama-sama pa rin tayo sa darating na taon. Blogging is indeed become part of my routine already. Nakakabawas stress kasi, lalo na ako na very introvert. Hehehe... Akmang-akma!
On the lighter side, kagabi ay nagkita-kita kami nina Elmer at August... nag-Boom na Boom kami sa Clark! Hehehe... Enjoy naman, biro nga ni August, ang sarap balikan ng ganitong klaseng peryahan lalo na kung naging sosyal ka na. Hehehe...
Swerte ni Elmer sa mga tayaan like yung ihuhulog na tatlong bola sa mga malaking baraha at kung yung tatlong bola na iyon ay lumapag sa baraha na itinaya mo... triple ang panalo mo! Hahaha...
Nag-invite naman si August na sumakay sa Super Loops, ayaw namin... takot kami! Hehehe...
Lumipat na lang kami sa Magic Hill para sumakay daw ng Viking, paanyaya naman ni Elmer...
Then habang naglalakad, ang ganda ng view na nakita namin... fireworks sa SM Clark... bongga in fairness...
Sumakay kami ng Viking, akala namin, chicken lang. Katakot din pala.
Muntik ko nang isuka yung kinain namin sa Sbarro... grabe.
Umuwi kaming hilo at masakit ang ulo... Hehehe...
Sana naman sa taong 2008 ay mabawas-bawasan ang sakit ng ulo ko sa anumang bagay... kaya siguro tinodo ko na sa Viking na iyan... Hehehe...
Happy New Year, Everyone!
Sabay-sabay tayong kumanta ng Auld Lang Syne (Scottish phrase daw ito na ibig sabihin ay "Old Long Since")... o di ba, trivia person pa rin ako (hang-over ko sa G-blog... hehehe)
New Year's Resolution ko...
Bakit nga ba tuwing Bagong Taon lang natin naiisip ang ganito? Bukod sa nakiki-"in" tayo, sa panahong ito kasi natin nadarama ang simbolo ng pagtatapos at pagbubukas ng panibagong kabanata na naman ng ating buhay na haharapin.
Gayunpaman, magkakaiba man tayo ng opinyon tungkol sa mga New Year's Resolution at kung anu-ano pang ka-dramahan sa panahong ito, ang mahalaga ay bukas tayo sa anumang pagbabago na sa tingin natin at sa tingin ng mga taong nakapaligid sa atin ---ay makakabuti sa ating lahat.
Kaya, makiki-"in" na rin ako... eto ang mga naiisip kong dapat gawin ko na ngayong magbubukas na ang taong 2008:
1] Mag-ipon. Taun-taon na lang yata ay isinasambit ko ang mga salitang ito. Sa totoo lang, ang hirap palang gawin nito, lalo na kung wala naman talaga akong maiipon sa kaliitan ng sahod ko. Hayan na naman ako, napaka-negative, kaya siguro hindi talaga ako nakakaipon. Kahapon nga, ka-chat ko si Lea, yung blog friend ko na Nurse sa isang hospital sa San Juan, nag-file na siya ng resignation after 2 years na experience nya doon, sa January ang last day nya. Biro ko sa kanya na malaki siguro ang makukuha nyang Separation Pay. Kaagad naman siyang sumagot na "kakarampot na backpay lang ang makukuha ko." Sagot ko naman sa kanya na ang salitang "kakarampot" ay napaka-subjective, P100,000 may be "kakarampot" to you. Hehehe... Sabi lang nya, literally na kakarampot talaga ang makukuha nya, in that answer, wala pa rin akong idea kung gaano kakarampot iyon. Hehehe. But my point is, kung gusto nating makapag-ipon, maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan.
Iyan din ang isang Resolution ng officemate ko na si Deborah, mag-iipon na raw talaga siya. Advice ko naman sa kanya, imagine-in na lang nya na wala siyang pera para mabawas-bawasan ang kanyang paggastos sa mga hindi naman masyadong kailangan. Nakuha ko pang magbigay ng advice gayung ako rin naman ay impulsive buyer minsan... hehehehe.
2] Maging punctual sa pagpasok sa trabaho. Although sa totoo lang, wala pa naman akong late o tardiness sa trabaho, napapansin ko kasi na recently, nagiging late na ang paggising ko sa umaga. Then bumabagal na rin ang kilos ko na siyang nagiging dahilan para muntikan na akong sumablay sa swiping machine. Kung dati ay nakakapag-"in" ako ng 7:40, lately ay 7:52 na ang average 'in" ko. Eh may morning exercise pa naman kami ng 7:55 na dapat ay nasa loob na ng opisina kami.
3] Mas istrikto at mas aggressive (or at least assertive) sa trabaho. Masyado kasing malambot ang puso ko sa mga tao ko. Minsan, nagiging pasaway na sila pero pinagbibigyan ko pa rin. Sa 2008, hindi na pwede ang ganire. Trabaho lang, walang personalan.
4] Matulog ng maaga. Di nga? Hehehe.
5] Magpataba. Waaahhhh!!!!
6] H'wag masyadong maging emotional. Ito ang isa rin sa gusto kong baguhin sa sarili ko. At magagawa ko siguro yan kung hindi ko iniipon ang sama ng loob ko. I mean, para makontrol ko ang saloobin ko, ilabas ko na kaagad kung ano man ang saloobin ko sa mga bagay-bagay lalo na sa tuwing may confrontation or something.
7] Don't be too judgmental. Masama 'yan... hehehe... Pero ok lang na mang-okray paminsan-minsan. Hahaha.
8] Always smile. Minsan kasi, nami-misinterpret nila ako. Suplado raw ako. Ewan ko kung nagsasabi sila ng totoo. Hehehe.
9] H'wag munang mag-resign sa trabaho. Magtiis muna hanggang sa susunod na Pasko para mabuo ang 13th month pay. Hehehe...
10] ...and lastly, sundin ang mga Resolution na ito dahil taun-taon na lang pumapalya ako.
Saturday, December 29, 2007
Sad New Year (?)
Pero hindi naman ako masyadong malungkot sa kinalabasan, expected ko na kasi iyon. Hindi rin ako masyadong umasa na mananalo ang aming departamento para sa dance presentation dahil hindi naman kasi namin masyadong pinaghandaan iyon. Gahol na kasi kami sa oras sa sobrang busy sa work, and then kaunti lang ang mga member ng QA sa buong kumpanya. Ibinibigay na namin sa ibang departamento ang trophy. Hehehe...
Past 11 o'clock na ng gabi natapos ang Party na ginanap sa Challenger's Field sa Clark. Ok naman ang fireworks display, pwede na. Hehehe.. And then wala kaming ibang inatupag kundi ang magpicture-an ng aming mg bosses and co-workers.
Then nag-invite yung mga kasama ko na lumabas after that. Nag-suggest ako na sa Horse Wheel na lang kami uminon.. so sumama naman sila. Nung papunta na kami at nakasakay na ng jeep, sa driver na lang namin nalaman na wala na pala ang nasabing bar. Sarado na. Hehehe..
So bumalik na lang kami sa Balibago at tumuloy sa Diamond Area. Sa Whyt-Haus na lang kami nag-inuman at videoke hanggang 3:30 AM. After that, tumuloy kami sa bahay ni Deborah para mag-noodles. Hehehe...
Basta ako, umidlip ako ng kaunti habang sila ay nanonood ng DVD. Hilo na kasi ako.
Nagising ako ng 7:00 AM at narinig ko na pinagtatawanan yata ako ng mga kasama ko. Kinuhanan kasi nila ako ng picture sa cellphone habang naka-knock-out. Hehehe... Mga hinayupak. Hehehe
Mag-aalas-nuebe na ng umaga kanina ng nakauwi ako sa bahay. Pagdating ko, masamang balita agad ang tumambad sa akin. Nanganak na yung pinsan ko at critical ang baby niya. Wala mang 2 pounds ang timbang ng anak nya. Kasalukuyang nasa incubator siya ngayon at ipinagdarasal ko na sana ay mabuhay yung bata. Cute na baby girl pa man din ang anak nya. Hay... magiging malungkot yata ang bagong taon namin...
Tuesday, December 25, 2007
The party is over...
Bukas, hindi na PASKO kundi PASOK na sa trabaho. Hehehe...
Bitin ang bakasyon...
Pero walang magagawa ang pag-aalma kong ito...
Tuluy na tuloy pa rin ang pasok....
Pero hihirit pa ang aming company...
Sa December 28 na ang Christmas Party namin...
Ang aga noh? Ang aga para next year... hehehe..
Anyway, hindi pa masasabing tapos na ang holiday season...
May Bagong Taon pa tayong hinihintay...
Media Noche na naman...
Constipated and LBM na naman!... Hehehe..
Ang daming natirang halayang ube sa bahay...
Gusto nyo ba?....
Inisnab ang ube dahil sa mga chocolate candies and cakes sa hapag-kainan...
Pati fruit salad, hindi masyadong mabenta dahil sa leche flan...
Or dahil sa hindi masyadong masarap ang pagkakagawa?... Hehehe...
Sinabi ko na kasing wag nang lagyan ng macaroni shells...
Hayan tuloy, hindi pumatok...
Ang mga pinsan ko naman, walang inatupag kundi ang mag-games at internet dito sa bahay...
Pati si Charice Pempengco, paulit-ulit na pinanood sa youtube...
Mula nung nasa Korean TV show siya hanggang sa show ni Ellen Degeneres sa US...
Na-memorize ko na yata yung kantang And I am Telling You...
Pati mga Koreanong OA sa paghanga sa kanya...
Napakanta tuloy yung isa ng A Whole New World...
Ano ba 'yan, bakit napunta ang usapan dito?
Tama na nga... tulog na ako... Till next time!
Monday, December 24, 2007
MALIGAYANG PASKO!!!
Kayo, anong handa nyo?
Noche Buena
Una, hindi masigla ang gabi ko, ang sakit kasi ng lalamunan ko. May sore throat ako. Pero siguro, hindi ko naman mapipigilan na ang lahat ay magiging masaya ngayong gabi...
Wala akong ate na magluluto ng manok na tinola...
May kuya nga ako pero wala pa naman siyang sariling bahay... at lalung-lalo na hindi siya magpapa-litson...
Hindi naman ako nakakasiguro na ang bawat tahanan ay may handang iba't-iba...
Sino ang giliw na iimbitahin ko upang magsalu-salo?...
May keso nga kami pero as of now, walang tinapay na binili...
Ah eto lang ang sigurado... Noche Buena na sa gabing ito at bukas ay araw ng Pasko...
Pasko na pero hindi ko pa alam kung ano ang Christmas Wish ko... Kahit ang kanta ni Mariah Carey na "All I Want for Christmas is You" ay hindi todo ang pagka-relate ko. Wala kasi akong hahandugan ng kantang iyan. But I really like the lyrics, just don't know yet to whom will I pertain the "YOU" in the lyrics.
***
Not so Merry Christmas
Pinagbibigayan ko pa ngayon ang mga pagkukulang na ginagawa nila sa aming section, lalo na ang absentism nila. Tutal, holiday season ngayon. But come 2008, makikita nila ang bangis ko. Lagpas two days per month na absent nila, may karampatang penalty na.
Kinausap ko kahapon ang 2 operator ko, tinanong ko kung bakit natetengga ang mga activities namin. Sumagot yung isa, "Sir kasi kulang tayo sa manpower." Sabi naman nung isa, "Sir kasi yung mga functional jigs natin, kulang at ang hirap humiram sa production lalo na kapag urgent ang shipment nila."
Sabi ko naman sa kanila, may nakakalimutan silang banggitin, at iyon ay ang madalas at halinhinang absence nila. Dagdag ko pa, paano natin mapapatunayan sa Management na kulang nga tayo sa manpower kung wala tayong concrete basis at evaluation regarding sa work natin sa ating section. Hindi kako natin maisasagawa ang evaluation ng ating section kung mataas ang absentism rate natin per month. At kung madalas ang absence nila, pagpasok nila, wala silang ibang gagawin kung hindi yung mga naiwang trabaho na supposedly natapos na kung pumasok lang sila. Wala nang oras para sa ibang improvement na pwede naming gawin.
Mahirap talagang mag-handle ng tao sa totoo lang, may leader nga ako, pasaway din naman sa attendance niya. Bagong promote pa man din siya na ako rin ang nag-evaluate at nag-recommend sa kanya few months ago. Akala ko kasi magbabago siya at magiging responsable kung itinaas ko siya. Frankly, hindi ko pa nararamdaman na leader nga siya ng mga subordinates ko.
Siguro, kailangan niyang matapik isang araw. At iyon talaga ang balak kong gawin.
Wednesday, December 19, 2007
All I Want for Christmas is... BAKASYON!
Gone are the days that I was eager to wait for this season once a year. I am starting to believe that Christmas is indeed just for kids.
Siguro dahil na rin sa sobrang busy ako ngayon sa trabaho. Or if I may say, nagpapaka-busy. Pero hindi rin eh. Talagang full-loaded ako sa work ngayon. Isa na dyan ay yung hindi matapus-tapos na evaluation namin sa isang model na kritikal ang kalagayan (dapat nang dalhin sa ICU) dulot ng tinatawag nilang "electrochemical corrosion".
Pangalawa, naging sakitin ang mga members ko at halinhinan sila sa pag-aabsent. Hindi ko na siguro mako-kontrol iyon. Nagkataon na marami akong ginagawa kaya hindi ko muna sinisita ang mga absences nila.
Pangatlo, maraming extra-curricular activities ngayon. Isa na dyan ay yung katatapos lamang na Departmental Christmas Party namin na ginanap last Sunday. Masaya naman ang outcome.
Kapartner ko si Paola na naging emcee ng aming Party. Nung una, medyo speechless ako dahil wala ako sa kondisyon. Hehehe... Pero nung bandang huli, natawa naman sila sa mga jokes ko. Hehehe. Hindi naman kasi ako sanay na maging emcee. Hindi ako spontaneous. Kaya dinaan ko na lang sa mga birada at pang-ookray ang pagho-host ko.
Nga pala, natanggap ko sa aming exchange gift ay isang headset sa computer. Pwede na.
After ng party, diretso kami sa boarding house ng isa naming katrabaho, konting inuman at kwentuhan lang. Then dinala kami ni Debs sa isang videoke-han sabay inom ng kape. Alas-onse na ako nakauwi at kinabukasan ay may pasok pa. But I am proud, hindi ako na-late. Hehehe...
Thursday, December 13, 2007
Ang mahal ng TAKURE!
Monday, December 10, 2007
Oh Christmas!
Siguro dahil sa unang linggo ng Disyembre ay ang dami kong pinagkaabalahan, partikular sa aking trabaho. Siyempre, hindi pwedeng hindi sundin ang mga pinag-uutos ni boss, kahit inis ako sa kanya ngayon, kailangan pa rin nya ang respeto buhat sa akin.
Idagdag pa ang tatlong araw na leave ng aking sub-leader, kailangan pa rin kasi naming magawa ang mga araw-araw na tasks namin, bukod pa sa mga biglaang utos o mga pinapagawa ni boss. Ilang araw na rin akong hindi nakakapag-break sa tanghali, morning break na lang muna ang eksena ko ngayon.
Gayunpaman, hindi naman masama ang loob ko sa mga nangyayari, bagkus nararamdaman ko na "I am not worthless" pala everytime na siksik ang schedule ko sa maghapon na trabaho. Though I am not asking for a recognition nor appreciation to my accomplishments, the fact that I contributed a little help for other co-employees, that's more than enough for me.
Monday, December 03, 2007
Eksena
Tama nga siguro. Nasa tao lang yan kung anong gugustuhin mong mood.
Speaking of "mood"... "wala sa mood" ang tangi daw maipupuna ng sub-leader ko sa akin. Totoo nga naman iyon. I am not a morning person and I admit that people around me during morning hours seem to having difficulty in talking or dealing with me. Minsan, wala talaga ako sa mood lalo na sa umaga. Ewan, baka mali nga ang eksena kong iyon. Humingi naman ako ng pasensya sa sub-leader ko nung magkausap kami one-on-one tungkol sa mga di pagkakaunawaan namin-- ng aming grupo.
Minsan daw kasi, naiilang silang lapitan ako dahil hindi ako makausap ng matino, as in nang-iisnab daw ako. Again, I admit that. Sabi ko na lang sa kanya, basta I will try to change that "bad side" of me. And I was very sincere when I uttered those words to him.
Ang sa akin naman, sinabi ko sa kanya na ang pinaka-ayaw ko talaga eh yung hindi nila pagpapaalam minsan kung a-absent sila. It may be "mababaw" pero para sa akin kasi eh indication yun na hindi na ako nabibigyan ng konting respeto as their leader. Not that I am too harsh about their absentism, but for me, as long as their absence has valid reason and they informed me prior to that, it's ok for me, really. Ayaw ko lang kasing nate-tengga yung mga activities namin.
Eventually, nagkaayos naman kami and I am happy for that. Feeling ko ngayon, mas lalo naming nakilala ang isa't-isa, and I think it's an advantage para lalo naming mapagbuti ang aming working relationship.
Paglabas ko ng opisina, in-invite ako ng mga officemate ko sa kanilang boarding house, birthday kasi nung isa. Hayun, nag-dinner kami sa kanila habang pinapanood ang balita tungkol sa eksenang iyan ni Trillanes. Then may breaking news na may curfew na ipatutupad sa gabing iyon. Buti nalang at maaga akong umuwi. Hehehe...
Kahapon, nanood kami ng sine sa SM Clark, pinanood namin yung Enchanted. Hehehe.. Yun kasi ang gusto ng mga kasama ko... ayoko naman silang kontrahin. No regrets naman, feel-good ang movie, para maiba naman. Ang dami tao kahapon sa SM, dahil may event. Unveiling of Giant Santa Claus ang eksena. Umeksena rin ang gobernador ng Pampanga na si Father Ed Panlilio, hayun siya yata ang nagpasinaya sa event na iyon. Nung nakita ko si Santa Claus, nasambit ko kina Elmer and Berns na parang "idolatry" ang nangyayari. Tila may eksenang sinsamba na ang malaking imahe ni Santa. Hehehe... Sabi naman ni Elmer, nawawala daw ang essence ng Paskong Pinoy, napaka-western daw ng event. Hehehe... Wala lang, gusto lang naming kumontra at umeksena. Hehehe...
Wednesday, November 28, 2007
Intensity 3 Earthquake
Buti na lang at wala namang nangyaring di maganda dulot ng paglindol na iyon. Hindi rin naman nagsi-panic ang mga officemate ko, sa katunayan naghahalakhakan pa sila matapos ang lindol dahil pinagtatawanan nila si boss na nagbitiw ng mga pananalitang "Don't Panic!", pero siya itong mukhang ninenerbiyos. Hehehe... Tapos lumabas pa siya ng opisina, akala tuloy nila eh umuwi na siya sa sobrang takot. Hahaha...
Ako naman, nagtaka lang sa EVP naming Japanese na nasa loob din ng aming opisina. Parang wala lang sa kanya ang mga nangyari... siguro eh sanay na siya sa lindol dahil nga earthquake prone din sa bansa nila...
Kanina naman, hindi pa rin pumasok yung dalawang operator ko, yung sub-leader lang ang pumasok, hindi pa rin ako umiimik. Parang nabubwiset lang ako sa mga nangyayari kasi nate-tengga ang aming trabaho. Hindi ko naman sinasabing bawal silang magkasakit, pero hindi ko rin maipaliwanag kung bakit at saang punto ako naba-badtrip.
Bukas, kapag nakumpleto na sila, balak ko sanang mag-set ng forum sa kanila about sa mga absentism nila, pero parang ayoko rin kasi sa totoo lang, masyado akong extreme... tahimik nga ako pero kapag may sinabi, baka makasakit lang ako ng damdamin nila. Bahala na...
Masyado rin kasi akong idealistic, as much as possible ayoko ng may pinapagalitan. Matatanda na kasi kami para malaman kung papaano idisiplina ang sarili, pero mukhang nagkamali ako roon.
Sa oras ng trabaho, wala akong mairereklamo sa kanila dahil masisipag naman sila. Ang ayoko lang talaga eh yung mga pabigla-bigla nilang absent at yung hindi pag-iinform.
I always believe na hindi ang pag-issue sa kanila ng AWOL ay ang kasagutan para madisiplina sila. Honestly, nagwo-worry rin ako na baka lalo silang maging pasaway kapag hinigpitan ko sila. So ang style ko is luwagan sila at sila na mismo ang maka-realize ng mga pagkakamali nila. Pero, mukha ngang nagkamali ako sa pagkakakilala sa kanila. Hindi ko sila gustong i-down dito sa blog ko, I just want to express this kasi wala akong mapagsabihan ng ganito, even in my boss dahil malilintikan lang lalo ang mga subordinates ko. Sana makita naman nila ang pagtatanggol ko sa kanila kahit minsan hindi na tama. Ganun ko pinahahalagan ang "team effort" namin. I always treat them as my teammates more than my subordinates.
Monday, November 26, 2007
Ang wish ko ngayong Pasko ay...
World Peace! Hehehe...
But come to think of it... it's a wish that promotes selflessness, and I am way too serious to tell you that.
Sabi nga ng iba, as our generation becomes modernized, Christmas is becoming more commercialized. I may agree with that, but one specific Christmas Song gives me an alternative view regarding the true meaning of this religious celebration that almost everybody is waiting for, yearly.
And that song is entitled "My Grown Up Christmas List". It may sound "corny" or mushy to others, but for me, it's really a nice Christmas Hymn to listen to this holiday season. The song was sang by different artist singers including Metafour (Pinoy Band), David Foster, Cattski, Monica and Natalie Cole, Kelly Clarkson, etc. Here is the lyrics of the song:
Do you remember me
I sat upon your knee
I wrote to you
With childhood fantasies
Well, I’m all grown up now
And still need help somehow
I’m not a child
But my heart still can dream
So here’s my lifelong wish
My grown up Christmas list
Not for myself
But for a world in need
No more lives torn apart
That wars would never start
and wars would never start
And time would heal all hearts
And everyone would have a friend
And right would always win
And love would never end
This is my grown up Christmas list
As children we believed
The grandest sight to see
Was something lovely
Wrapped beneath our tree
Well heaven only knows
That packages and bows
Can never heal
A hurting human soul
No more lives torn apart
That wars would never start
And time would heal all hearts
And everyone would have a friend
And right would always win
And love would never end
This is my grown up Christmas list
What is this illusion called the innocence of youth
Maybe only in our blind belief can we ever find the truth
(there’d be)
No more lives torn apart
That wars would never start
And time would heal all hearts
And everyone would have a friend
And right would always win
And love would never end, oh
This is my grown up Christmas list
This is my grown up Christmas list
Sunday, November 18, 2007
Beowulf
We watched Beowulf at SM Clark just awhile ago. As usual, I were with my college friends Elmer and Glenn. Hindi sumipot ang magsing-irog na sina Berns and Marjon. But prior to that, Berns texted me, hahabol na lang daw sila. Ewan ko lang kung paano sila hahabol. Hehehe... Eventually, kaming tatlo lang ang nanood.
About the movie, at first, I thought it would be boring and stale. But surprisingly, the movie somehow blows me away. Ang ganda ng cinematography, and Glenn commented that it was even better than Final Fantasy. I am not a fan of that flick or even the video game itself, so I don't have the idea how "better" it was. Hehehe...
The story of Beowulf is not completely unknown to us. Third Year High School kasi kami noon ay binasa na namin yung story sa aming English Textbook. And I even remember the mask of my former classmate when she portrayed Grendel, a terrifying monster in the story. Haha.. a female classmate portraying a male gigantic monster in their class presentation! But in fairness, she did very well... and that's probably a compliment on her part. LOL!
Back to the movie, Ray Winstone is very good in the movie. Good for him as he will not be counted in my "Lousiest Actors and Actresses" list. Hahaha... Mapanglait talaga ako... Ok naman siya as a warrior and eventually the hero of the Heorot Empire. But I don't think he will be nominated in next year's Academy Awards as Best Leading Actor. Period.
Angelina Jolie played the role of Grendel's Mother... unknown name. And even in the book, I think that her real name was not revealed, not so sure about that fast fact. Anyway, maikli rin naman ang eksena nya sa story. However, she still looked pretty and sexy, though. I just couldn't figure out why in the hell that beautiful sea-creature lady will give birth to a monstrous creature? Fiction, that is. Hahaha...
Fighting Scenes were superb! No doubt about it.
Other characters also did well.
As a whole, enjoy naman ang panonood namin. Medyo bad trip nga lang dahil sa mga taong nasa likod namin na walang ginawa kundi magdaldalan, tawanan at mag-ingay sa loob ng sinehan. Hindi tuloy kami makapag-concentrate sa movie. Asus! Ang laki-laki naman ng SM Clark, kung magdadaldalan lang sila, eh pwedeng-pwede naman sila dun sa parking lot. Hehehe...
So, if I were to rate that movie... I give it 8.25 out of perfect 10. Not bad.
Friday, November 16, 2007
I am starting to like podcasting!
Isa pa, meron akong blogger friend na may regular episode sa kanyang podcast. Actually, tandem sila nung isa nyang officemate na kapwa nagtatrabaho sa isang sikat na newspaper publication sa buong bansa. At yung blogger kong friend ay nakilala ko sa G-blogs, almost two years ago na. Student journalist palang siya noon, at ngayon provincial correspondent na nga siya sa newspaper publication na iyon. Nakakaaliw yung podcast nila, tinext ko nga siya para sabihing nag-eenjoy akong pakinggan ang mga episode nila. If you like to listen to their podcast, eto ang url nila...
http://getbacktowork.podbean.com
Sa ngayon, wala pa akong time gumawa ng sariling podcast ko, next time ko na lang aayusin yung account ko sa podbean... hmm.. ano kayang magandang gawin? hehehe...
Meanwhile, enjoy muna ako sa mga subscription ko sa iba't-ibang podcasts. Pati Foreign Language Podcast ay pinapatulan ko na, baka sakaling matuto ako ng Japanese, Chinese, French at iba't-ibang language. Hehehe...
Wednesday, November 14, 2007
Batasan Blast!
Boom na boom! After Glorietta, sa Batasang Pambansa naman. Well, hindi naman daw kagagawan ng mga terorista ang sa Glorietta, pero ito kayang sa Batasan? Actually, while composing this blog entry, breaking news pa itong Batasan Blast. Sabi nga ng Malacanang, h'wag muna daw gumawa ng mga ispekulasyon o haka-haka.
Meanwhile, habang sinusulat ko ito, background ko ang live breaking news coverage ng RMN sa kanilang website kaugnay sa pagsabog na ito kani-kanilang mga alas-otso ngayong gabi...
Sunday, November 11, 2007
Gap Measurement
Una, sa section namin in-endorse ang inclusion ng Cell Gap Measurement sa aming Reliability Testing. Naturalmente, kailangang may magturo sa amin kung paano gamitin ang Gap Measuring Machine. Aba aba aba at isa pang aba! Hindi man lang kami tulungan ng boss namin kung kaninong Hapon o Engineer kami makikisuyo upang turuan kami. Ang siste kasi, makikigamit lang kami ng machine na iyon sa kabilang departamento na ubod ng selan tungkol sa paghiram o paggamit ng kanilang ari-arian. Minsan nga, tumawag pa sa akin yung isang staff doon na hitsurang ngipin na tinubuan ng mukha, para lang komprontahin ako kung bakit daw naglagay kami ng mga bagong sticker sa kanilang Meter Boxes nang walang abiso sa kanila. Eh utos lang naman sa akin ng expat nilang Japanese iyon. Hay naku, di ko na pinatulan yung mukhang ngipin na iyon....
Balik sa kwento ko, hayun, todo-sermon ng boss ko sa aming Assistant Supervisor na sinisisi kung bakit walang development sa napipintong training sana namin sa Cell Gap Measurement. Ako naman ay nagagambala habang naririning ang sermon na iyon dahil apektado rin ako. Although hindi ako ang direktang tinitira ng boss namin, syempre kasali ako sa activity na iyon. Kaya dali-dali akong nakipag-ugnayan sa Engineer sa kabilang departamento at ako na ang nakiusap na kung pupwede ay maturuan na kami sa hapong iyon. Madali namang kausap yung Engineer at pumayag siya. Pagbalik ko ng office ay hindi pa rin tapos sa kasesermon ang boss namin sa Assistant Supervisor namin. Nakakaawa na nga siya dahil dumadalas ang pangsa-sabon nito sa kanya, samantalang siya mismo na nanenermon ay sandamakmak din ang mga pagkukulang bilang nakatataas sa amin.
So bandang hapon na ng maturuan kami ng engineer at ni Mr. Furukawa sa loob ng Production Area. Medyo nahirapan kami dahil hindi marunong mag-ingles itong si Furukawa at may bitbit pang interpreter. Pero it turned out pa rin na maayos niya kaming naturuan. Dala-dala na nga namin yung mga specimen na pinapa-measure ng boss namin para may initial data na kami. Sa sampong specimen na dala namin, dalawa doon ay bumagsak o hindi pumasa sa criteria at specification. Eh ang rule pa naman namin sa Reliability ay, kahit isa lang ang bumagsak, "No Good" pa rin ang buong lote...
Hindi kombinsido ang magaling naming boss nang malamang may bumagsak na specimen. Sa reaksyon pa lang nya ay alam ko nang gusto nyang ipaulit ang pagsusukat sa lecheng Cell Gap na yan... So di na ako nagpatumpik-tumpik pa, bumalik ako ng Production at sinuot na naman ang mala-astronaut naming costume kapag pumapasok sa Clean Room Area.
Ang resulta.. bagsak talaga.
***itutuloy***
Monday, November 05, 2007
Kailangan kong mag-ipon!
Wala naman akong boarding house na binabayaran, walang anak na sinusustentuhan, walang malaking obligasyon na sinusuportahang pang-pinansyal. Bakit wala talaga akong naiipon?
Hmmm.. let's analyze further. Hindi naman ako matakaw sa pagkain. Hindi naman ako maluho sa damit at personal na kagamitan. Well, hindi nga ba?
Hindi ko rin pala masasabi. Hehehe... Siguro hindi pa ako ganun ka-mature humawak ng salapi. Para kasing dumaraan lang sa mga palad ko ang mga mukha nila Abad-Santos, Escoda, Sotto, Ninoy, Macapagal, Roxas, Osmena at pati na rin si Quezon.
Pero ano nga ba talaga ang pinagkakagastusan ko?
Una, mahilig akong mag-uwi ng mga pasalubong dito sa bahay. Para bang di kumpleto ang pag-uwi ko kapag wala akong bitbit na Yellow Cab Pizza, Sbarro, Go Nuts Donuts, at kung anu-no pang makakain. Sa bagay, at least, I am just being genorous sa mga kasambahay ko na nakikinabang rin naman. Hehehe... Minimize ko muna siguro ito... Sorry mga kasambahay! Hehehe...
Pangalawa, very impulsive pala ako at madaling maakit sa mga nakikita kong mga damit sa malls and stalls. Hindi naman frequent ito pero kapag sinumpong ng pabigla-bigla, talaga namang walang makakapigil sa akin na bilhin ko na iyon, only to realize eventually na pangit pala at di ko bagay ang nabili ko. Pambihira!
Pangatlo, ewan kung bakit lahat yata ng mga kakilala ko sa opisina ay balak kong i-treat kumain sa labas... Ang bait ko naman pala, pero in the end.. hala laspag na ang bulsa at wallet ko. Huhuhu... Well, I am sincere naman sa pagti-treat ko sa kanila, it's just that I just wanna share my blessings.
Iyan siguro ang tatlong pangunahing dahilan kung bakit wala kong naiipon. Dapat siguro ay bawas-bawasan ko na ang mga iyan dahil in the end, whether I like it or not, ako pa rin ang magiging talo.
What if, magbukas ako ng savings account? Next year na lang siguro?! Hahahaha...
Saturday, November 03, 2007
R.I.P.
Puntod ng lolo at lola ko...
Ang mga nakita kong eksena last year, ganun pa rin naman ngayong taon. Tiba-tiba pa rin ang mga tindero na walang habas kung magtaas ng presyo ng kanilang mga paninda. Well, pagbigyan na natin dahil paminsan-minsan lang naman ito. (Talaga lang huh?)
Noong October 31, Halloween Eve, nag-food trip lang kami nina Bernadette at Elmer sa Sbarro sa SM Clark. Eh wala naman kaming dadaluhan na Costume Party or something related sa Trick or Treat, so naisipan naming lumamon na lang. Hehehe...
Tomorrow ay may pasok na kami... kakatamad. Bitin ang bakasyon!
Friday, November 02, 2007
We're going to the cemetery....
Wednesday, October 31, 2007
>>> REWiND: Treat or Trick 1990
Mon, 24 Oct 2005 3:48 PM
Kahit papaano, na-experience ko ang celebration na ito with the American children, syempre sa loob ng Clark. I was in Grade 2 nung ma-invite kami with some friends na mag- "treat or trick". So hayun, sinamahan kami ng aming mga parents papunta doon sa bahay ng friend namin, na ngayon hindi ko na maalala kung sino nga ba yung nag-invite sa amin doon. Basta ang natatandaan ko, ang ganda ng bahay nila, American style! Hehehe, sensya na medyo nabana ako. By the way, sa mga di nakakaalam, ang Treat or Trick ay sine-celebrate every night of October 31, which is Halloween, na parang costume party sa buong village na house-to-house ang drama ng mga bata upang mangulekta ng mga goodies like chocolates and candies. Pero hindi lamang puro "Treat" ang dapat asahan ng mga bata, meron ding "Trick" na ang karaniwan ay pananakot, pambabasa (katulad ng ginawa sa mga raliyista sa Mendiola) at kung anu-ano pang panggugulang... Hehehe. Dito sa Pinas, hindi yata masyadong pina-praktis ang tradisyon na ito. So back to my kwento, hapon pa lang ay todo-prepare na kami. Mega-suot na kami ng mga costume namin na parang may dress rehearsal kami. Ang costume ko ay Batman! Hehehe. Yung mga kaibigan ko, may white lady, witch, mickey mouse, dracula at kung anu-ano pa. Pabonggahan talaga, syempre di kami patatalbog sa mga tisoy at tisay na mga batang kano doon. Kumusta na kaya ang mga batang kanong nakilala ko? I am sure na sa Tate na sila dahil nga sa pagputok ng Pinatubo at ang pagpapaalis ng ating gobyerno sa mga base-militar. Anyway, excited talaga kami noon na sumigaw sa mga bahay-bahay ng "Treat or Trick!" at maghintay kung Treat ba o Trick ang sasalubong sa amin. Kalat-kalat na ang mga naka-costume na bata sa mga kalye, ang saya! Hihihi. First house na pinuntahan namin, aba may sound effects pa na mala-haunted ang bahay. Hanep talaga ang mga inihandang production ng mga kano na ito! Hayun, pagkatapos kaming takutin, wow puro imported chocolates ang ibinigay. Syempre naman noh, alangan namang hindi imported, yun nga ang pinunta namin eh. Uhmm, yummy, ang tsalap tsalap talaga ng imported. Hahaha! Nasanay kasi ako sa local... bazooka, cloud9, big bang, serge, at kung anu-ano pang mabibili lang sa suking tindahan. Todo na ito... naiba ang panlasa ko, to the highest-social-climber-level na! Hehehe. Ultimo imported bubble gum nila, nilasap ko talaga... nilunok ko pa nga eh, JOKE! Napuno talaga ang mga basket naming dala, sa sobrang puno, hinahayaan na naming mahulog ang mga chocolate bars na umaapaw, as in, promise, cross my heart, swear to God! Hehehe. Ang OA kong magkwento noh? Pero totoo yun. Inisnab-isnab na nga namin yung ibang bahay dahil wala na talagang space ang aming basket. Nakakatawa rin yung sa isang bahay na may naka-Grim Reaper (si Kamatayan) costume, nakaupo siya at nakapatong ang isang malaking lalagyan na ang laman ay punung-puno ng mga candies, guess what, walang nagtangkang lumapit at kumuha ng candies, sa sobrang takot ng mga bata. Hehehe. Yung isa naman, naka-Satan costume na may malaking tinidor (hehehe) na bantay-sarado sa mga candies at chocolates, wala ring lumapit! Hay, ang saya-saya talaga nung panahon na iyon. That was October 31, 1990. Yun na pala ang huling Treat or Trick ng mga batang kano sa loob ng Clark. June of 1991 kasi ay sinimulan na nilang lisanin ang nasabing lugar. And I am happy na nakasama ako sa okasyon nilang iyon, I have experienced the Halloween celebration in an American way. Naks! Kinabukasan, nagsisisi ako... sa mga chocolate bars na hinayaan ko na lang mahulog sa daan. Sayang din pala ang mga iyon! Hehehe. *Tapos*
Monday, October 29, 2007
I've never seen a ghost...
...and I am not waiting for it to happen to me.
Wala akong maikukwentong personal encounter sa mga "paranormal" things, di tulad ng ilan sa atin. Pero mas gugustuhin ko na ang wala kaysa meron.
Panahon nga ngayon ng mga katatakutan, mga halloween episodes sa telebisyon at kahit sa opisina, mga kwentong multo ang patok.
Masigla na naman nyan ang mga sementeryo, mangangamoy kandila ang buong kapaligiran, kikita ang mga nagtitinda ng kung anu-ano, fiesta na (ng mga patay!).
Pero sa kabila ng year-round tradition nating ito, iisa lang naman talaga ang dapat nating unahin... at iyon ay ang paggunita at taimtim na pagdarasal para sa mga yumao nating mga mahal sa buhay.
Saturday, October 27, 2007
Tugtugan Sayawan sa Maulan na Daan!
Unang araw ng Tigtigan Terakan keng Dalan... malakas na buhos ng ulan kaagad ang bumungad. Bad trip siguro yung mga may balak pumunta ngayong gabi... hehehe... Ako, ok lang, as always, hindi ako pumupunta sa ganyang event...
Bakit nga ba may ganitong event dito sa ciudad ng Angeles... well sabi nila, in commemoration daw yan sa tulung-tulong na paglilinis ng mga Angelenos sa kalsada nung matapos pumutok ang Mt. Pinatubo. Nagdulot kasi ng pag-ulan ng ashes at buhangin ang pagputok ng bulkan. So hayun, mega-linis sila upang makabangon muli ang aming ciudad na totally ay nanamlay ang mga business at mga infrastructures bunsod nga ng Pinatubo. Parang ang labo ng explanation ko noh? Hehehe...
Anyway, whatever the fuc*ing ever...
***
Napagod kami kanina sa kahahanap ng ATM Machine para mag-withdraw, you know, pay day namin ngayon... Inikot na yata namin ang buong SM Clark, puro offline ang inabot namin. So we decided na lang na sa Dau kami maghahanap ng mapagwi-withdraw-han. Super traffic kasi sa city proper ng Angeles ... Luckily, nakapagwithdraw naman kami. Kumain na lang kami sa malapit na Greenwich after that...
***
Mula sa bintana ng aking kwarto ay natatanaw ko ngayon ang fireworks display sa McArthur hi-way, Balibago-- ang venue ng Tigtigan... wala lang. Breaking news ito. Hehehe. Feeling reporter...
***
Bukas ay ako ang magre-report ng EHS Departmental update sa Monthly meeting namin... Pambihira itong si Miss Debs, bukas pa aabsent... Partners in crime kasi kami sa activity na ito...
***
Nakakatawa na talaga itong si bossing... hey, get a life! Siya ang nagsasabi sa aming maging normal lang ang kilos namin kahit kasama na namin ang "Japanese terror" na VP, pero siya ang kakaibang kumilos ngayon. Ibang level na talaga...
Thursday, October 25, 2007
Happy together... (?)
Actually, Executive Vice-President na siya ng buong kumpanya, ewan kung bakit trip niya pang hawakan ang QA, gusto siguro niyang makipag-close sa amin. Hehehe...
Ito namang boss namin (Senior Supervisor) todo na ang pagpapanggap. Hehehe... (wag sana niyang mabasa ang blog kong ito)... siyempre, busy-busy-han ang eksena niya kanina. Halos di na nga siya maupo sa upuan niya dahil nga katabi nya ang bagong lipat na VP. Hindi rin kasi ma-predict ang mood ni VP, minsan ang sakit pang magsalita. Nung isang araw nga, pinahiya niya yung isang Engineer sa Production habang nagmi-meeting, as in. Mahilig pa siyang gumamit ng mga nakakapanliit na pananalita tulad ng "I pay you so do your job well!", "Use your brain!" and "No report, no salary!". Thank God, hindi pa niya ako nasabihan ng mga ganyan... at h'wag naman sanang mangyari pa iyon dahil hindi ko alam ang magiging reaction ko.
***
Pag-ibig, pag-ibig... hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Pero tila pati sariling buhay ng isang empleyado ng aming kumpanya ay kanyang kinitil dahil lamang sa pag-ibig. Tsk tsk...
***
Parang ang tamlay ng pakiramdam ko ngayong week na ito. Effect na ba ito ng pagna-night shift ko last week?
***
Malapit na ang Halloween at ang araw ng mga Patay. Definitely, go kami sa sementeryo to visit my lolo Melchor (died 2002) and my lola Lourdes (died this year, April)... we all know, nasa mabuti na silang kalagayan...
***
Halloween na... may matatanggap kaya akong chocolate? O baka naman puro trick lang ang matanggap ko?
***
Tigtigan-terakan-keng-dalan... Tugtugan-sayawan-sa-daan... Well, di naman ako masyadong excited diyan...
***
So many reports to be done this week... then naka-Patternity Leave pa ang Leader ng mga subordinates ko... nataon pa na tatamlay-tamlay ako... whew!
Saturday, October 20, 2007
Goodbye, Keanny!
Kahit medyo naging pasaway kang pet, we still love you from the bottom of our hearts. We will miss you..
Tuesday, October 16, 2007
Hindi ako makatulog...
Hindi pa man ako nag-uumpisang mag-Night Shift eh parang ngarag na ako ngayon. Plano ko kasing matulog magdamag para naman hindi ako aantuk-antukin mamaya. Pero nauudlot lang ang tulog ko. Una, naglinis ako ng todo sa kwarto ko first thing in the morning... then after that I received two calls from the office. Unang tawag ay mula sa Sub-Leader ko... nagrereport tungkol sa pending Calibration transaction namin sa MIRDC na pinapatagal lang ng Purchasing Department namin. Ang aarte kasi nila ngayon. Pangalawang tawag naman ay mula sa Boss ko na binigyan ako ng two options --either I have to go as early as 4:30 PM today to office or I have to render overtime tomorrow till 8:00 AM. I chose the latter. Kailangan ko na raw kasing pirmahan yung Performance Evaluation Report ko (mula sa kanya) para raw maipasa na sa HR.
Ayoko naman kasing pumunta ng maaga dahil hindi ako prepared. Hehehe... Tsaka balak ko pa ring matulog hanggang 6PM. Kaya nga binibilisan kong tapusin ang entry ko na ito para naman makabalik ako sa higaan ko...
***
Natuloy kami sa bahay nila Elmer kahapon dahil nga Fiesta sa kanila. Hayun, nagkita-kita kami ulit ng mga college classmates ko na sina Paul, Dennis, Berlin at Wilfredo. Pati na rin ang mga friends ko na sina Glenn, Bernadette at April. Masaya naman kahapon. Then nabuhay na naman ang plano namin na mag-out of town together. Tamang-tama eh nagpapa-rent ng sasakyan sina Wilfredo kaya naman inquire itong si Elmer. Libre na lang daw sabi ni Wilfredo. Hehehe... Ewan kung matutuloy pa yun...
***
Sige, tulog muna ako... :p
Monday, October 15, 2007
Night Shift
Pinagpa-patrol lang naman ako ng boss ko sa gabi, wala kasing nagbabantay sa mga pasaway na operators at inspectors tuwing gabi. Kaya hayun, sa kanila yata nagmumula ang karamihan sa mga deviations at customer claim. Balita ko eh talagang pasaway ang ugali ng mga nagna-night shift, kung hindi over break eh magdamag naman sa tulog ang inaatupag. Hindi naman talaga ako harsh o strict sa mga ganyan. Honestly wala akong pakialam. Hehehe... Pero ako naman ang malilintikan kapag wala akong maire-report sa boss ko.
Nakapagtataka naman kasi na wala akong makikitang deviations samantalang sandamakmak ang mga customer complaint. Tingnan ko na lang kung papaano ang magiging approach ko sa kanila bukas.
For the mean time, enjoy muna ako mamaya dahil nag-iimbita ang kaibigan ko sa bahay nila dahil fiesta nga ngayon sa city proper ng Angeles. Chibog na naman ito!
Tuesday, October 09, 2007
Self-Evaluation
Indeed, it is very difficult for me to evaluate myself on how did I perform my tasks and my responsibilities as his subordinate. At any rate, being bias is very inevitable, not just by overly uplifting myself and give myself high rating, but underestimating my abilities as well. Honestly, I really don't know how to scrutinize my performance, as what my other co-employees claim that it is very easy. Siguro nga sa iba (o sa nagbabasa nito) ay madali lang hatulan ang sarili, but this time, we shall judge ourselves using numbers as our indicator. Mahirap talagang i-weigh in kung sa "1 to 5" ako ba ay dapat 3 lang, o di kaya 4, o di naman kaya 5? Baka naman 1? Pwede. Pero masyado ko naman yatang dine-degrade ang aking sarili na parang wala na ako kahit katiting na kumpiyansa sa sarili.
***
Well, nag-3 DAY SALE sa SM Clark at wala man lang akong nabili para sa aking sarili. Anyway, wala naman talaga akong balak bilhin. Hehehe... At hindi rin ako masyadong kumakagat sa mga ganyang press release ng mga mall o ng kahit anong tindahan. Para kasing lokohan lang ang nangyayari. Parang hindi totoo na makakamura ako sa mga SALE na ganyan. Hindi naman siguro lahat ay ganyan, pero hindi pa rin ako tiwala... period.
Kwento nga ng kaibigan ko, yung nakita nyang same item sa kabilang mall eh parehong-pareho ang presyo, bagkus sa kabila (SM Pampanga) ay 30% off daw samantalang sa SALE sa SM Clark eh 50% off. Ano ba talaga kuya?
***
Kaya kumain na lang kami last Saturday ni kaibigang Elmer sa Tokyo Tokyo. We ate beef teriyaki, tempura and sushi. Di naman talaga ako fan ng Japanese food pero dahil sa minsan lang naman ito, titikim ulit ako ng sushi. Hayun, lalo ko yatang naging hate and sushi pagkatapos kong kumain sa Tokyo Tokyo. Hehehe... Hindi ko talaga ma-take ang lansa! Hahaha. Jologs na kung jologs pero eeewww! Baka years pa ang bibilangin bago ko subukan ulit yan.
***
Nawiwili ako ngayong tignan ulit ang mga pictures ko nung paslit palang ako --mula sanggol hanggang mag-High School. Nostalgic ang drama ko ngayon. Wala lang, nakakatuwa at nakakatawa lang. Eto ang sample, medyo rated R nga lang... Hahaha...
Wednesday, October 03, 2007
Sunday, September 23, 2007
Wednesday, September 19, 2007
Better late than... later!
Dapat ko bang sisihin ang sarili ko? Well, HINDI!
Dahil ang lahat ng ito ay dahil sa mga pinaggagagawa ng mga magagaling kong co-employees na kasabay ko sa biyahe. Sila ay mga taga-Finance Depatment na may separate seminar sa Makati (at ang MIRDC ay sa Taguig). In short, para makatipid ang kumpanya sa gasolina ng sasakyan eh pinagsabay-sabay na lang kami. Wala namang kaso sa akin iyon dahil nagiging praktikal lang ang kumpanya. Ang sa akin lang, mas epektibo sana ang isang bagay na ginawan ng paraan para maka-menos sa gastos (at effort na rin sa mga company driver), kung may disiplinang kaakibat ito ng mga empleyado.
Actually, planado naman ang lahat --ang oras, ang pick-up points at ang sasakyang gagamitin sa loob ng ilang araw na seminar na iyon. Inabuso lang ng mga co-employees ko ang pagkakataong makalarga sila at maipakita ang kani-kanilang kaartehan sa katawan. Hayun, kanya-kanyang request, text sa driver na "dito ako sunduin", "puntahan nyo ako sa bahay namin", "ako ang huli ninyong sunduin dahil napuyat ako kagabi at hindi pa ako nakabangon ng maaga", etcetera ETCETERA!
So nung pangatlong araw na, hindi talaga maipinta ang mukha ko nung umagang pinaghintay nila ako sa Total Gas Station near Angeles Exit. Before 6:30 Am ay nandun na ako at nakaabang sa sasakyan. Isa't kalahating oras lang naman nila akong pinaghintay na parang tanga, nakatayo dahil walang upuan at hindi mapakali.
Sa loob-loob ko, minumura ko na talaga sila. Sabi ko, hindi ko yata mapipigilang ipakita ang facial expression ko (na inis na inis) kapag dumating na sila kahit na ang ilan sa kanila ay may mataas na pwesto na sa kumpanya.
Lalo pang nakapagdagdag init-ulo sa akin ang natanggap kong text message mula sa driver (7:30 AM na yun)... "Nandito palang kami sa Baliti [San Fernando] then dadaanan si Madam R***, then ikaw na."
Punyemas! Lokohan na ito!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na isumbong ito sa Senior Supervisor ko. Tinext ko siya then nag-call back naman siya kaagad. Hayun, pati siya ay nagulat sa mga pangyayari. Kaagad naman niya itong ipinarating sa GA Department namin na wala ring kaalam-alam sa mga kaartehan ng mga taga-Finance Department na iyan.
Past 8 AM na nung nasilayan kong paparating na ang sasakyan. Tama nga ako,. Hindi ko napigilang ibahin ang facial expression ko. Tumabi ako sa driver na nakasimangot at saktong sambit ng driver: "Sorry Sir, trapik po kasi sa dinaanan namin." Hindi ako umimik.
Pambihira.
Naiintindihan ko sa puntong iyon ang driver. Siyempre, di nya kaagad sinabi sa akin ang mga totoong dahilan kung bakit nga na-delay sila dahil nga ang mga hitad ay nasa loob pa ng sasakyan, marahil nakikiramdam sa mga kilos ko na siguro'y halatang-halata na sa pagkayamot.
Hindi nila ako masisisi. Hala sige nga at sila ang lumugar sa kinatatayuan ko, as in sila ang tumayo ng isang oras at kalahati, ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon nila.
Hindi ko talaga sila nilingon hanggang sa pagbaba nila ng Makati. Pero sa biyahe palang ay naririnig ko na ang kanilang mga sisihan kesyo na-late si ganire... at ang mga conversation nila sa kani-kanilang cellphone na tawag mula sa kanilang bosses sa kumpanya dahil nga nabalitaan na ang pangyayaring iyon (dahil nga nagsumbong na ako sa boss ko).
Hala... kanya-kanyang alibi na ito!
Pagkababa nila sa Makati, natawa naman ako dahil si kuya armin (driver) ay biglang nagsabi ng totoo eh hindi ko na nga gustong usisain kung sino talaga ang mga may sala. Hayun, may tama ako! Nagmamaganda kasi sila!
Anyway, hindi naman ako ang nadungisan ng imahe sa pangyayaring ito. Naku, iyon pa man din ang ayaw nilang mangyari... ang masira ang image nila sa paningin ng mga bosses na Hapon. Good luck na lang sa kanila.
Thursday, September 13, 2007
Brown Puto
***Pambihira itong mga nakasabay ko sa service vehicle ng company kaninang umaga. Ang sa-sarap nilang pag-untugin lahat. Gumising-gising ako ng 4:30 AM para lang matupad ang schedule tapos sisiraain lang nila dahil sa mga kaartehan nila sa katawan. Gayung pabalik-balik kami dahil gusto ng isa eh huli siyang daanan, yung isa naman walang cellphone kaya di tuloy malaman kung saang eksaktong lugar siya naroroon. Hindi talaga praktikal ang biyahe namin kanina. As usual, dahil sa Makati ang kanilang seminar at ako naman ay sa Taguig, ang ending, ako rin ang na-late sa mga kaartehan nila. Arrrrrgggggg!!!!!!
***Buti na lang at mabait itong driver namin na si Kuya Edwin, pero if I know, nagtitimpi rin siya sa mga kaartehan ng mga yun... as in ang AARTE talaga! Tomorrow, si Kuya Steven daw ang magiging driver ko (ako na lang mag-isa bukas... salamat naman)...
***The training was good, puro hands-on and that's basically what I wanted. Mabait ang mga trainer and approachable. Yung isa taga-Pampanga rin kaya hayun, medyo nagkwentuhan tungkol sa aming lugar... Yung mga co-trainee ko, ok naman sila, pero karamihan sa kanila ay mga gurang na.. hehehe... di ako maka-relate. Hahaha...
***Morning merienda namin ay pansit kanton with puto na kulay brown. Masarap naman. Pero pagdating ng Lunch meal, parang di ako natuwa. Hindi pala "parang", talagang hindi ako natuwa sa dinuguan at sipo egg na yun. I mean, walang lasa. Then yung apat na co-trainee ko hindi nakakain dahil bawal daw sa kanila yung dinuguan. Malamang INC sila. Hayun, binigyan na lang sila ng another set of ulam pero galing na sa canteen ng MIRDC... eeewww.. di naman masarap dun dahil kumain na kami ng technician ko dun nung pumunta rin kami sa MIRDC few months ago for Calibration Service.
***Dinala ko na rin ang ilang gamit namin sa kumpanya para ipa-calibrate sa MIRDC. Si madam Arlene ng Instrumentation section sa MIRDC, kinukumbinsi pa ako na mag-pass ako ng resume sa kanila. Aba, binigyan nya ako ng idea huh!
***At dahil nga walang bakanteng sasakyan ang kumpanya namin pagdating ng hapon kanina, pinakiusapan na lang ako na mag-bus na lang papauwi. Actually, ako na ang nag-suggest sa General Affairs Department namin na mag-PUV na lang ako dahil para matigil na rin ang problema nilang iyon at mapagbigyan ang mga maaarteng co-employees ko na nag-seminar naman sa Makati. This time, marami na kasi sila dahil yung iba nag-hotel last night pa. So, full-load lahat ang mga company vehicle ngayon.
***Anak ng tipaklong naman, ang trapik kanina sa EDSA. Alas-singko ang labas ko sa MIRDC, nakarating ako ng Cubao Bus Terminal ng alas-siyete. SIETE talaga! Then sa bus ko nalang nalaman na GUILTY pala si Erap sa kasong Plunder. Well, that's another story.
***Bukas ko na lang itutuloy ito, inaantok na ako.
Sunday, September 09, 2007
Ang resulta...
The past week was very memorable to our company, and perhaps for me also. Sumailalim kasi kami sa ISO Surveillance Audit, 1 certification and 2 re-certifications simultaneously. Todo rin naman ang paghahanda ko dahil sa QMS, sa Calibration ako na-audit, then sa EMS and OHSAS, nag-prepare din ako dahil EHS (Environmental, Health and Safety) coordinator ako ng Department namin.
Successful naman ang naging resulta. Pero frankly speaking, mas "chicken!" itong ganitong klaseng audit compare sa customer audit na madalas din namang mangyari sa kumpanya. Kahapon nga sa Closing Meeting, medyo ka-"charingan" ang narinig kong "Good Points" daw ng kumpanya namin. Hay naku... mahirap nang magsalita! Pero ang resulta... as usual... certified! Abot hanggang tenga tuloy ang ngiti ng mga big bosses namin pati na ang mga Hapon na ewan kung naintindihan ba nila ang discussion sa mga Audit Findings dahil Taglish ang lengguahe ng mga auditor.
***
Nung monday, nagyaya ang mga officemate ko na panoorin ang pelikulang 1408 sa SM Clark. Pinaunlakan ko naman ang invitation nila. Hehehe... (Parang napilitan.) Ang resulta... todo pinagtawanan namin ang horror movie na ito na pinagbibidahan nina Samuel Jackson and John Cusack. Pinagtawanan dahil walang ka-kwenta kwenta ang pananakot ni Stephen King sa grupo namin. Hahaha. Mas natuwa pa ako sa Evan Almighty na nauna ko nang napanood.
Monday, September 03, 2007
Fiesta Nightmare
Personally, hindi ko kilala yung tao. Pero nakakalungkot isipin na talagang hindi natin alam kung ano ang kinakaharap natin sa ating buhay. Hindi natin alam kung kailan ang katapusan natin.
Ayon sa mga kwento ng mga taong huling nakahalubilo ng biktima, nagmamadali raw itong umuwi at hindi nga raw nakapag-paalam ng maayos. Mag-isa lang siya sa sasakyan. Ayon naman daw sa kwento ng truck driver, binagalan nya na ang kanyang pag-usad nang makitang sumasalubong sa kanya ang sasakyan ng biktima. Suspetsa tuloy ng nakararami na inaatake na siya noon ng anumang karamdaman nya sa katawan kaya tuluyan ngang hindi nya namaneho ng maayos ang sasakyan. Pero wala talagang makakapagsabi ng tunay na pangyayari dahil nga namayapa na ang biktima.
Sa ngayon, sa tuwing magdaraan ako sa pinagyarihan ng aksidente (flyover sa taas ng NLEX), hindi ko mapigilan ang mangilabot. To think na ang huling tahanan na kanyang tinuntungan ay sa amin. Somehow, nakaka-guilty.
Wednesday, August 29, 2007
Total Eclipse of My Heart
We left the plant site at about 3:30 PM, earlier than the usual 5 PM dismissal so as to avoid heavy traffic during rush hour. We managed to arrive back in Pampanga at about 6 PM.
Tama na ang kaka-English. Dumudugo na ang ilong ko dahil nauubusan na ako ng ingles. Hehehe. Gusto ko lang naman sabihin na habang bumabiyahe kami pauwi (na nataon na magtatakip-silim) ay ino-obserbahan ko na ang kalangitan. Doon ako nagsimulang mayamot dahil nakikini-kinita ko na na magiging maulap ang buong gabi na inaasahan ko na kabaligtaran ang mangyayari.
Pero bigo ako. Nagka-stiffed neck na yata ako sa kakatingala sa kalangitan bawat minuto na magdaan. Wala talaga. Hindi ko talaga makikita ang Total Lunar Eclipse na matagal-tagal ko ring inabangan.
At hindi ako nagkamali. Wala akong nasaksihan. Happy Fiesta na lang sa amin! (Fiesta talaga sa baranggay namin ngayon.)
Kung sa bagay, naka-witness na rin naman ako ng ganitong phenomenon. Huling Lunar Eclipse na nasaksihan ko ay tatlo o apat na taon na yata ang nakalilipas. Hindi talaga ako natulog hanggang alas-kuwatro ng madaling araw dahil inaasahan na magsisimula ang pagdaan ng anino ng mundo sa kabilugan ng buwan sa ganap na alas-dos ng madaling araw. At nangyari nga iyon.
Sa ngayon, tila umuwing-luhaan muna ang eksena ko. One thing is for sure: I just have to wait for February 2008 to finally witness again this spectacular event (well for me) that is rarely seen in the sky.
Monday, August 27, 2007
Remarkable words during office hours...
*Thinking -- sampong ulit siguro 'yang sinasabi ng aming boss as in "Ang thinking ko kasi...", "Ang thinking kasi ng mga Japanese..." (Bakit kaya hindi na lang nya sabihing "Ang iniisip ko kasi..." hahaha!)
*Basically -- isa pang nakakahawang salita na minsan ay nakakarindi na sa pandinig. Ito ay madalas marinig sa tuwing meron kaming Presentation of Reports kaharap ang mga boss at mga Hapon, basically!
*Mind set -- gamit ng boss ko kapag gusto nyang ipa-intindi at ipa-realize sa amin na may lapses ang aming sistema o ang aming perception sa mga bagay-bagay ay mali... As in ganito minsan ang sinasabi nya: "I-mind set ninyo sa inyong mga mind na blah blah blah..." Hanep! Yes sir, ima-mind set namin sa aming mga mind yan!
*Cascade -- wow naman, ginagamit ng boss ko para sabihin lang sa amin na dapat iparating ang mensahe o direktibo sa aming mga subordinates... as in "Kayong mga Engineer, dapat ninyong i-cascade ang HR memo na ito sa inyong mga subordinates." Saan kaya nya natutunan ang pagamit ng salitang yon?
...yan muna, sa susunod na ang iba... tinatamad akong mag-type, basically. Hehehe.
Friday, August 17, 2007
Ikaw laban sa Isang Daan
Sunday, August 12, 2007
Wala na ba akong karapatang mainis?
Sa puntong ito at sa sandaling ito, pakiramdam ko talaga na ako ang talo sa situwasyong ito. Ako na hindi pa naman nakakagawa ng malaking kapalpakan na nagpapasakit sa ulo ng mga taong nakapaligid sa akin. Sinasabi ko ito hindi upang magbuhat ng sariling bangko at magmalinis... sinasabi ko ito dahil ito ang nararamdaman ko, ibalato niyo na sa akin kahit ito man lang paniniwala ko.
Wednesday, August 08, 2007
Hindi ko talaga alam... ewan!
*** Kanina, nagdaan na naman ang isang maikling audit sa aming Departamento. Ito ay tungkol naman sa aming paghahanda para sa isang major audit sa Setyembre --ang aming inaasam-asam na OHSAS Certification. Kami ni Miss Debs ang napiling maging coordinator para sa aming Departamento. Hayun, extra aktibidades ito pero wala namang extra honorarium. Well, ok lang naman iyon... sa ngayon! Bukas, ewan...
*** Nabasa na naman ako ng ulan kanina sa pag-uwi. Pambihira! Gayun pa man, hindi pa rin ako mapipilit na magdala ng payong sa pagpasok sa opisina. Ayoko talagang nagdadala ng payong, ewan...
*** Bakit ang dami pa ring asungot na nakapaligid sa akin sa opisina? Ewan!