Yeah, I know, sabi ng iba, walang taong bobo. Pero parang hindi ako masyadong naniniwala dun. Merong taong bobo, ang masaklap pa ay merong iba na nagbobo-bobo-bohan! Kumbaga sa bulag, nagbubulag-bulagan.
May ilan naman, ginagawang tanga ang mga taong nakapaligid sa kanila, in the end sila ang nagmumukhang tanga.
Ganyan nga talaga ang mga tao, at ang mga bagay na rin. Iba-iba ang gusto, ang hitsura, ang pag-uugali, mga pananaw sa buhay, at ang mga paniniwala. Everyone is unique ika nga.
At ano na naman ba ang ibig kong patumbukin sa blog kong ito? Hmmm... wala lang. Minsan kahit pilit kong intindihin na ganun nga talaga tayo, I can't help but to feel disappointed on things that turned out to be not the way I expected to be. As I have mentioned on my previous blogs, I am so idealistic. I easily get irritated, annoyed, frustrated, discouraged or whatever worst feelings you imagine, every time I meet people who act the way they shouldn't be, or people who initiated injustices, rudeness or anything that is so inhumane.
Galit ba ako? Hindi. Neither am I complaining. I am just stating observation.
Well, somehow complaining! (Hehehe.. ganun? Binawi!?)
Kaya pala sabi ng iba, I am so inconsistent... maybe. Pero mababang level siguro ng pagiging inconsistent.
"Level"
Iyan na siguro ang isa sa mga keyword kung papaano natin maidi-describe ang uniqueness ng bawat isa. Anong level natin sa iba't-ibang kaugalian, whether good or bad traits?
Minsan, iyan ang ginagawa kong criteria kung papaano ko i-assess ang sarili ko, pati na rin ang ibang tao (Hehehe...)
Sige nga, try this... rate yourself with the following traits (1-10, ten being the highest):
a] Honesty
b] Amiability
c] Humility
d] Sincerity
e] Pakikisama
f] Utang na loob (gratitude)
g] Plasticity (kaplastikan, hehehe)
About the last one, you may not agree with me but I believe that everyone of us is "plastic" ... it depends on the degree or gravity. Hehehe... May mga tao tayong kilala na sobrang plastic, pero tanging tayo lang sa sarili natin ang makapagsasabi kung anong level ng ating kaplastikan.
Isa pa pala... lahat tayo ay may iba't-ibang level din ng kakapalan ng mukha. May iba na nakatutuwa ang kakapalan ng mukha, pero marami pa rin ang nakakainis sa pagiging makapal ang mukha.
Ay, marami nyan sa kumpanya... unfortunately!
May iba nga, mapang-abuso pa... iba-iba rin ng level.
Enough of this! Today is April 1, April Fools Day... nakakabaliw.
Ano na kayang LEVEL ng kabaliwan ko? Level na naman...
No comments:
Post a Comment