"I will verify sir/madam..." - eto ang tanging litanya ng mga taong tinatanong ngunit hindi alam ang kasagutan. Para nga naman matapos na ang usapan, he will just verify what really is the answer to their question. Hindi nga lang tiyak kung papaano ito ive-verify. Madalas marinig ito sa mga meetings, meetings that more often than not, naglolokohan na lang.
"Job Goal" - ito ang buwanang requirements na kailangan naming isumite sa aming mga boss. Kahit hindi totoo at impossible, kailangan mong isulat kung ano ang mga naiisip mong dapat i-accomplish sa pagbubukas ng bagong buwan. In short, madalas ay nagiging isang malaking palabas lamang ito na walang katuparan. Ika nga, Job Goals are meant to be broken. Hehehe.
"Functuality" - ito ang na-diskubre ng mga tsismosa at pakelemera kong officemates sa isang note na isinulat ng boss namin. Nakakahiya man, pero totoo. Kung ano ang bigkas, siya ang baybay. Hahaha... Itong si boss talaga, palibhasa lagi siyang maagang pumasok. Hindi pa nga siya na-late eh. Isa siyang certified FUNCTUAL!!!!
"Eyfril" - isa na namang term ni boss. As is, "Deadline of submission ng mga reports nyo ay sa Eyfril (April) 30 huh?" Ofo boss, sure. Ifa-fass namin yan sa Eyfril 30. Framis!
"Countermeasure" - kung may na-encounter na problem or abnormality, dapat may kaakibat na countermeasure. Nakakarindi rin yang salita na yan!
May Part 3 ito. Inaantok na ako eh...
No comments:
Post a Comment