Kahapon ang company outing namin sa Morong, Bataan. Sa Metro-Subic Highland Resort kami, walang beach, puro pool lang. Hehehe... (Kwento ko ang company outing namin sa next blog entry ko)
Dumaan kami sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx), nag-interchange sa Hermosa, Bataan. Ang ganda pala ng expressway na ito, pero wala pang mga gas stations na nakatayo. Mga bundok at lahar deposits ang mga tanawin. Hehehe...
Mabilis ang biyahe. Hindi ko nga akalain na may short cut pala mula Clark hanggang Bataan at Subic. Yun nga lang, kailangan talagang biyakin ang ibang bundok para lang makalusot ang daanan.Mga isang oras lang siguro ang biyahe namin mula Clark hanggang Hermosa, Bataan. Then another 1 hour pa from Hermosa hanggang Morong. But at least, malaking ginhawa na rin ito kumpara kung dadaan pa kami ng Olongapo-Gapan (Jose Abad-Santos) Road.
At ang isa pang maganda rito ay ang pagkakadugtong ng SCTEx sa NLEx... then ang balita ay idudugtong din ito sa Tarlac-La Union Expressway... May nagagawa rin palang maganda ang gobyerno natin. Well, dapat lang. Bukod sa toll fee, eh nagbabayad din naman tayong manggagawa sa hinayupak at OA sa laking tax na yan!
Good night!
1 comment:
Post a Comment